37. Secrets [2]

304K 2.7K 461
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Kung ayaw mong maguluhan, wag mong tingnan sa kumplikadong paraan.”

 

-King’s POV-

 

Ipinikit ko ang mata ko habang diniretso ang lagok ng alak sa baso ko. Napakasakit sa mata ng ilaw sa paligid pati ang ingay, sobrang nakakabingi. Eto ang kailangan ko ngayon para matakasan ko kahit sandali ang mga problema ko.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, dahil hanggang dito ba naman sa Cebu ay sinundan pa nila ako. Pati ba naman dito, pinagkakait nila ang kalayaan ko. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil gusto kong makalaya sa kanila pero hindi ako makaalis sa responsibilidad ko kay Fiona.

flashback

 

“Kailangan kong hanapin si Hailey! Gusto kong malaman ang lahat!”

Nung mga panahon na yun ay nasa bahay ako dahil doon ko dinala si Fiona at ang unang pumasok sa isip ko ay puntahan si Hailey para makahingi ng paliwanag. Para akong sasabog nung mga oras na yun, sobra akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Hindi ko alam na sa susunod pang mangyayari ay mas maguguluhan ako.

“King, I want to tell you something.” Si Fiona ang unang nagsalita at nagulat ako ng biglang lumabas si mom at dad. Nakakagulat na napakaaga naman nilang dumating nun.

“Save that later. Gusto kong puntahan ngayon si Hailey. Kailangan kong malaman ang totoo. Hindi pwedeng ganito nalang tayo.”

 

Balak ko na sanang umalis pero napahinto ako sa sumunod na sinabi ni dad. Hindi ko in-expect na manggagaling pa yung mga salitang yun sa kanya.

“Akala ko ba ayaw mo sa babaeng yun? Saka ipinakasal lang kita sa babaeng yun dahil sa yaman nila, di ba?”

 

Hindi agad ako nakaimik nun. Samantalang si mom ay pinagalitan si Dad dahil sa mga sinasabi nya. Hindi ko alam na kahit sila ay ganun ang iniisip kaya ako nagpakasal kay Hailey. Ganun din ang layunin nila kaya pumayag din sila. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa sarili ko kaya parang gusto kong magwala nung mga oras na yun.

“Anong gusto nyong iparating?! Pwede ba diretsuhin nyo na ko!”

 

Bigla syang may inihagis sa akin na papel na agad ko namang nakuha. Hindi na ako nakapagpigil nang mabasa ko ang nilalaman nung papel na iyon.

Kinwelyuhan ko sya. Kahit ama ko sya, kapag ginalit nya talaga ako, magkalimutan na.

“Anong ibig sabihin nito?!”

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon