Pagtatapos:

5.9K 87 23
                                    

Natapos ang pagkukuwento ng lalaki sa matronang kausap na siya ay napapaluha. Nang tumigil siya sa pagluha ay napansin niyang tila napaluha din ang naturang matrona sa kuwento niya.

“Napakasaklap pala ng love story niyo ni Rina, Robert.”, ang naluluhang nasabi ng matrona sa lalaki na tinawag niya sa pangalang Robert.

“Opo. Aaminin ko pong hanggang ngayon ay nalulungkot parin ako kapag naiisip ko ang lahat. Pero kailangan pong magpatuloy na buhay dahil alam ko pong doon siya tunay na magiging maligaya at mapayapa saanman siya naroroon. Dahil alam ko pong ito ang plano sa akin ng Diyos kung kaya niya ako binigyan ng panibagong buhay. Kung kaya nga po naipangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na sasayangin pa ang panibagong buhay na ito na iniregalo sa akin ng Maykapal. Para sa Diyos at para kay Rina ay pagsusumikapan kong mabuhay ng maayos at may dangal. Kaya pasensiya na po kung kaya ay hindi ko na mapagbibigyan sa gusto niyong mangyari bagamat ganito ang dati kong trabaho.”, patuloy na pagkukuwento at pagpapaliwanag na rin ni Robert sa matronang kausap.

Naluluha parin ay yumakap kay Robert ang matrona.

“Naiintindihan ko, hijo. Natutuwa ako at nakilala kita. Di ko akalaing may isang tulad mo na bagamat isa lamang kalaguyo at kabet ay nagmahal ng labis-labis. Pambihira ang tulad mo sa mundong ito, hijo. Napakapambihira... O siya! Ako’y uuna na at maghahanap pa ‘ko ng mga Papang puwede sa ibang lugar. Maiwan na kita, hijo. Nawa’y mahanap mo ang kaayusan at kaligayahan ng buhay na hinahanap mo.”, masayang pamamaalam kay Robert ng matrona.

“Sana nga po! Sana nga po ay dumating din ang panahon na ako ay makangiting muli…”, ang napapailing na sabi ni Robert habang pinagmamasdan ang paglalakad paalis ng matrona.

Matapos ang pakikipag-usap sa matrona ay naisipan ni Robert na muling puntahan ang Ballroom Hall sa Quezon City Memorial Circle kung saan siya dating nagtatrabaho. Pagdating niya dito ay nasalubong niya pa ang ilang mga kolboy at D.I. na tila kalalabas lang mula sa naturang Ballroom Hall. Nang makapasok siya sa loob nito ay nabatid niyang tila wala itong ipinagbago sa loob ng may isang taon din niyang di pagpunta dito. Maaamoy parin dito ang simoy ng kalibugan na tila naganap dito nung nakaraang gabi. Para bang habang tinitignan niya ang buong paligid ay nakikini-kinita pa niya kung paano nagsasayan dito kagabi sa mahaharot na paggalaw at pag-indak ang mga matrona habang kapareha ang mga kolboy na may guwapong mukha at machong pangangatawan. Parang nakita niya tuloy ang sarili niya sa dance floor ng naturang lugar habang nakikipagsayaw sa kung sino-sinong matrona. Napapangiti siya sa isiping ito. Naiisip niya na tila anlaki na nang ipinagbago niya muli nung siya ay mahulog at mapaibig kay Rina. Hindi na siya ang dating si Robert na tila puro kamunduhan lang ang alam sa buhay. Kahit paano ngayon ay may dignidad na siya at pagpapahalaga sa sarili.

“Rina…”, si Robert na tila muli na namang nangulila kay Rina.

Pero biglang naputol ang tila pagmumuni-muni ni Robert habang nakatingin sa paligid ng naturang lugar nang may biglang kung sinong tumawag sa kanya.

“Robert!”, pagtawag ng kung sino sa kanya.

Dahan-dahan ay lumingon siya sa kung sinong tumawag sa kanya at nabatid niyang ito ay ang baklitang tagapamahala ng Ballroom Hall na si Madonna.

“Madonna!”, gulat na nasabi ni Robert nang makita ang baklitang si Madonna.

“Kumusta na, Robert? Mukhang lalo kang pumogi ngayon ha! O ano magtatrabaho ka na ba uli dito? Marami nang naghahanap sa iyo ditong mga matrona mula nung bigla ka na lang mawala.”, tanong at pahayag ni Madonna kay Robert.

“Hindi na siguro ako babalik pa sa dati kong trabaho. Nagpunta lang ako dito upang gunitain ang kung ano.”, ang nasabi lang ni Robert kay Madonna.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 02, 2013 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

KabetDonde viven las historias. Descúbrelo ahora