Chapter 5:

12.5K 77 0
                                    

Malalim na ang gabi sa Quezon City Memorial Circle, sa Ballroom Hall dito ay aliw na aliw na naman ang mga matrona sa pagsasayaw dito ng ballroom dancing habang kapareha ang mga nagguguwapuhan at nagmamachuhang mga lalaki. Isa sa mga lalaking nandito at kapareha ng mga matrona si Robert. Bagamat di naman ganung kaeksperto si Robert sa ballroom dancing ay madalas siyang kuning DI (Dance Instructor) ng mga matrona dito dahil sa itsura at tindig niya na tila kolboy na kolboy at gigolong-gigolo. Nang gabing ito ay isang matanda na namang matrona ang kapareha ni Robert sa pagsasayaw. “Cha Cha” ang isinasayaw nila kung saan ay urong-sulong ang bawat paggalaw nila. Mapapansing tila aliw na aliw sa kanya ang matrona habang sila ay nagsasayaw. Di lang miminsan na pinapadausdos pa nito ang mga kamay papunta sa maselang bahagi ng katawan niya. Nang lumaon ay naging “Sweet” naman ang tema ng sayaw nila. Kapwa sila umakbay sa isa’t isa habang sumasayaw na parang lumilipad at lumulutang sa ere. Habang sumasayaw sila ng ganito ay may kung anong ibinulong sa kanya ang matrona.

“Good time tayo!”, masayang bulong ng matrona kay Robert.

“Sure!”, ang pagsang-ayon ni Robert sa sabi ng matrona.

Ang sumunod na eksena sa pagitan ni Robert at ng matrona ay sa isang kuwato na naman ng isa sa mga motel sa Sta. Mesa. Dito ay masaya nilang pinagsasaluhan ang kamunduhan. Kapwa magkaniig ang kanilang mga katawan at nag-uusap ang kanilang mga kaluluwa. Kapwa isinisigaw ang libog at kaligayahan nilang nararamdaman. Kapwa ninanamnam ang kanilang pagtatampisaw sa kalibugan at kamunduhan. Para kay Robert ay isa lamang ito sa mga gabi niya ng pagtatrabaho bilang isang kolboy na tagapagpaligaya ng mga matatandang matrona. Pero sa para sa matronang katalik niya ay isa itong kay sayang sandali. Isang sandali ng muling pagbalik sa kabataan at paglalaro sa isang tila mga nakaw na sandali. Isang sandali na tila ba magiging isa sa mga memorableng sandali ng isang tulad niyang tila napag-iwanan na ng buhay at panahon. Natapos sila na kapwa pagod na pagod at nakayakap ng kay higpit sa isa’t isa. Kapwa sila sa satisfied sa mga sarili nilang paraan. Si Robert dahil natapos din ang ginagawa niyang serbisyo sa matrona at sa tingin niya ay napaligaya naman niya ito ng labis. Ang matrona dahil sa kakaiba na namang sarap at kaaliwang natamasa mula sa isang kolboy na inarkila niya upang magpaligaya sa kanya kahit sa loob lamang ng isang gabi.

Matapos ang pagseserbisyo sa matandang matronang naging customer ay makikita na naman ang paglabas ni Robert mula sa motel na pinasukan nila ng matrona na masayang-masayang nagbibilang ng perang ibinayad sa kanya ng customer niya.

“Panibagong pandagdag na naman sa panggastos sa bahay at  sa pagpapaaral kay Lenny. Siguro nga ay ito lang ang buong kahulugan ng pagiging ganito ko. Ang maitaguyod ang aking buong pamilya at ang pag-aaral ng aking bunso at paboritong kapatid. Kung ano nga ba ang naghihintay sa sarili kong buhay ay hindi ko na alam pa. Basta masaya na ‘kong makitang kahit isa lang sa aming magulong pamilya ay umunlad at umayos ang buhay. Maalala man niya ako o hindi pagdating ng panahon na iyon ay wala na ‘kong pakialam. Basta ang mahalaga ay may nagawa ako para umayos ang buhay niya…”, ang nasasabi na lang sa hangin ni Robert habang ngingiti-ngiting binibilang ang perang bayad sa kanya ng matrona.

Sa gitna ng pagbibilang ni Robert ng pera ay nagulat siya nang may biglang humintong sasakyan sa tapat niya.. Nang tignan niya kung sino ito ay nabatid niyang ito ay isang matrona na tila nasa kalagitnaan ng buhay ang edad at tila talagang mayaman dahil Toyota Fortuner ang dala nitong sasakyan.

“Sakay na, Papa!”, ang malandi pang sabi ng matrona kay Robert.

Nakangiti namang sumukay si Robert sa sasakyan ng naturang matrona habang makikita sa mga nakangiti niyang mata ang kulay ng salapi…

KabetWhere stories live. Discover now