Chapter 6:

11.6K 70 0
                                    

Sa isang fitness center sa may kahabaan ng E. Rodriguez Ave. ay makikita si Robert na tila nagwoworkout dito kasama ang mga kapwa niya kolboy na mga tambay din sa Quezon City Memorial Circle tuwing gabi. Umaga ng mga sandaling ito at si Robert ay walang puknat sa pagba-bicycle crunches upang lalong mapahubog ang halos eight-pack na niyang mga abs. Habang ginagawa niya ang ganito ay masaya siyang pinagmamasdan ng mga kasamahan niyang kolboy.

“Batak na batak na ang katawan mo, Robert ha! Kaya naman pala trip na trip ka ng mga matrona sa Ballroom Hall e!”, ang tila pamumuring sabi kay Robert ng kasamahan niyang kolboy na si Rick.

“Sa kakaworkout lang siguro, pare. E katawan at itsura ang pinakapuhunan natin sa ganitong trabaho e. Kaya kailangan alagaan natin itong mabuti. Patuloy na pagandahin ang katawan at pagmumukha para patuloy na bumenta sa mga matrona.”, si Robert na tila eksperto na sa larangan at mundong ginagalawan.

“Ako nga, mga repapipz, umaasa na lang sa bisa ng steroid e. Wala akong gaanong time sa pagwoworkout e. Alam mo namang kabi-kabila ang bookings ko e.”, ang tila pagyayabang namang sabi ng kasamahan ding kolboy ni Robert na si Elmer.

“Basta ako pag medyo umayos na buhay ng mag-iina ko ay titigil na ko sa kalokohang trabaho na ‘to!”, litanya naman ng kasamahan ding kolboy ni Robert na si Banjo.

“Titigil! At ano naman ang magiging bago mong trabaho? Construction worker? Dehins  niyo ako mapapaganon, mga chong! Ansarap-sarap ng buhay kolboy e. Kakangkangin mo lang ang mga natitigang na matrona instant money na! Saan ka pa? Nasasarapan ka na, nagkakapera ka pa!”, si Elmer na tila di sang-ayon sa sinabi ni Banjo.

“Nasasarapan nga ba? E paano kung gurangis na masyado ang matrona? Masisikmura niyo pa bang makita ang nakangiwing kulubot na mukha nun habang dyinudyugdyog niyo! Fuck, mga pare! Ansamang tignan nun! Baka imbes na labasan ako e umurong ‘yung tamod ko sa pabalik sa betlog ko!”, ang isa ring kasamahang kolboy ni Robert na si Marlon na tila labis na nandidiri sa naiisip.

“Kailangan pa ba nating maging choosy sa mga customer natin? Basta may ibabayad sila sa atin go lang ng go kahit pa ano pagmumukha nila.”, si Rick naman na tila bihasa na rin sa ginagalawang kalakaran.

“Pero matanong ko kayo, mga chong. Dumating na ba ‘yung pagkakataon na nainlab kayo sa customer niyo?”, si Elmer na tila isang kabaliwan ang naisipang itanong sa mga kasamahan.

“Sa matrona? Putsa mga chong! Antatanda na nun! Kahit siguro loaded ako sa droga ay hindi ako maiinlab sa mga iyon!”, si Marlon na tila labis na namang nandididri sa naisipang tanong ni Elmer.

“Sobra ka naman! E paano kung maganda at kaakit-akit ang matrona? Yung tipong may asim pa at kaakit-akit pa kahit may edad na? Di ka ba naman maiinlab o kikiligin man lang sa ganon?”, si Banjo na tila iba ang opinyon kumpara kay Marlon.

“Itigil na nga natin ang kabalbalang pag-uusap na ito! Alam niyo hindi magandang hinahaluhan ng nararamdaman ang trabaho. Kolboy tayo at trabaho nating sumama sa kung sino-sinong matrona. Dapat una palang klaro na sa mga kukote natin na wala dapat tayong maramdaman para sa mga customer natin. Kasi tayo din ang talo sa bandang huli e. May mga asawa na ang mga iyon at marahil ay bago tayo ay marami na rin ibang mga kolboy na nagserbisyo sa kanila. Kaya gamitin niyo mga isip niyo bago ang puso.”, ang tila pangangaral naman ni Robert sa mga kasamahang kolboy.

“Ayan si Robert! Beterano na talaga sa pagiging kolboy!”, pasigaw na kantiyaw naman kay Robert ng mga kasama.

“Mga ulol!”, inis naman nasabi ni Robert sa mga kasamahang kolboy.

At nagkatawanan ang mga magkakasamang kolboy habang nagwoworkout sa naturang fitness center.

KabetWhere stories live. Discover now