Chapter 19:

4.2K 35 0
                                    

Mula nung gabing iyon na sila ay nagpunta sa condo unit ni Wilfredo ay tila hindi na uli pa nagkasama sina Robert at Rina. Di lang miminsan na ninais ni Robert na puntahan o tawagan ni Robert si Rina sa kanilang bahay, pero sa tuwing susubukan niya ay parang natitigilan siya na hindi niya maintindihan. Alam niyang wala siyang karapatang manghingi ng higit pa sa oras at atensiyong kayang ibigay sa kanya ni Rina, pero may mga pagkakataon na labis siya talagang nangungulila para sa minamahal na babae. May mga pagkakataon na para bang ninanais niya na sana ay lagi na lamang sila nitong magkasama, at masakit na sa mga pagkakataon ng kanyang pangungulila ay tila hindi niya ito makasama. Sa mga ganitong pagkakataon ay wala siyang ibang magawa kundi ang maglasing na lamang upang malimutan ang kanyang kalungkutang nadarama.

“Rina! Mahal na mahal kita, Rina! Kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sa iyo ngayon… O aking Rina..!!!”, ang nasasambit ni Robert sa gitna ng kanyang kalasingan.

Si Rina naman mula nung palagi nang nasa bahay ang asawang si Andy ay tila ba naging napakalungkot at napakamiserable. Walang araw na hindi siya naluluha habang siya ay nag-iisa at nakatulala sa gitna ng kanyang mga ginagawa. Walang araw na hindi siya nangulila at nanabik kay Robert sa tuwing siya ay bubulyawan at tratratuhing parang isang mababang alila ng asawang si Andy. May mga pagkakataon pa nga na ninanais niyang makipagtanan na lamang kay Robert. Pero sa gitna ng mga ganito niyang isipin ay tila nanaig parin sa kanya ang boses ng kunsensiya at moralidad. Ang boses ng pangangailangan na gawin ang tama at nararapat kahit pa ang ibig sabihin ay ganap na pagtalikod sa kaligayahang puwede niyang matamasa kapag kapiling na niya talaga si Robert. Isang gabing sila ay magkatalik ni Andy ay naramdaman at naranasan na naman niya ang pakikipagtalik na tila walang anumang damdamin maliban sa tawag ng obligasyon niya bilang asawa at para kay Andy ay tawag ng pagpaparaos at pagtanggal ng kalibugang nadarama. Pagkatapos ng tila nakakabatong pagtatalik nila ni Andy ay makikita si Rina na nakatihaya sa kama habang si Andy ay nakapatong sa kanya habang natutulog na. Sa gitna ng ganitong ayos ni Rina ay napapaluha siya habang nakatitig sa kesame. Tila ba naalala niya ang mga maiinit nilang tagpo ni Robert.

“Malayong-malayo ang ganitong sandali namin ni Andy sa mga maiinit na sandali namin ni Robert. Punung-puno ng buhay at emosyon ang mga sandali naming ganito ni Robert. Totoong-totoo kami sa aming mga nararamdaman. Walang anumang itinatago. Walang anumang ikinukubli. Mababasa ang bawat damdamin. Mababasa maging ang kaloob-looban ng buong puso at kaluluwa. Pero ang sandali naming ito ni Andy ay sadyang punung-puno ng kalatakan at kahugkagan . Sadyang punung-puno ng pagkukunwari at mga tagong emosyon.”, ang naluluhang nabubulong ni Rina habang patuloy na nakatitig sa kesame.

Isang araw na hindi na makayanan ni Robert ang sobrang pangungulila niya para kay Rina ay naisipan niyang tumawag na talaga sa telepono sa bahay nila Rina. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang dina-dial ang number ng telepono sa bahay nila Rina. Matapos niyang mai-dial ang number ng ay nag-ring ito. Kriiinggg! Kriiinggg! Kriiinggg! Makaraan ang ilang pagri-ring ay may sumagot sa telepono. Tila isang boses lalaki.

“Hello!”, pasagot ng boses ng lalaki sa kabilang linya ng teleponong hawak ni Robert.

Parang naunawaan naman kaagad ni Robert ang sitwasyon kung kaya agad niyang ibinaba ang telepono. Matapos maibaba ang telepono ay napahagulhol na lamang siya sa pag-iyak. Alam niyang wala siyang dapat ikalungkot dahil nung una palang ay alam na niya na si Rina ay pagmamay-ari na ng iba. Pero napakasakit pala kapag biglang bumulaga sa iyong harapan ang ganitong katotohanan. Ang katotohanang ikaw ay isa lamang…KABET!!!

Sa kabilang linya naman ng telepono, makikitang galit na galit si Andy matapos siyang pagbagsakan sa kabilang linya ng teleponong sinagot niya.

“Bakit ba andaming mga gagong tumatawag-tawag ngayon? Buwisit!”, ang galit na galit na nasabi ni Andy.

Nang minsan naman ay naisipan ni Robert na puntahan na ang bahay nila Rina. Sa may labas ng bahay nila Rina ay makikita siyang pasilip-silip. Tila ba nais niyang masulyapan man lang si Rina sa naturang bahay. Marahil ay sapat na sa kanya ang ganun upang kahit paano ay maibsan ang kanyang kalungkutan at pangungulilang nararamdaman kay Rina. Pero naputol ang ginagawa niyang pagsilip-silip sa naturang bahay nang bigla niyang mamataan na sumilip bigla sa may gate ng naturang bahay. Atubili pa ay napatakbo siya at napatago sa isang halamanan ng kabilang bahay nila Rina.

“Nasaan ka na ba, Rina? Bakit hindi ka man lang sumilip upang masilayan man lang kita?”, ang nalulungkot na nabubulong ni Robert habang patago-tago sa may halamanan at nasisilip ang kasalukuyang nakasilip sa may gate na si Andy.

Sa isang washing area naman sa bahay nila Rina ay makikita si Rina na napapaluha habang naglalaba. Tulad kasi ni Robert ay labis din siyang nangungulila sa lalaking labis na minamahal. Para bang sa loob lamang ng ilang araw na hindi nila pagkikita ay labis na siyang nangungulila at nanabik kay Robert. Tila ba hinahanap-hanap na niya ang mga halik, yakap at paghaplos ni Robert. Tila ba nananabik na siya na muli silang magkasama ni Robert kahit sa simpleng pamamasyal lang.

“Robert…! Parang mababaliw na ‘ko sa pangungulila at pananabik sa iyo… Kung maari lang sana na masulyapan kita kahit na ilang saglit lang… Kahit na isang segundo lang….”, si Rina na tila miss na miss na rin si Robert.

Isang araw na naisipan ni Robert na mamasyal sa mall upang magtanggal ng lungkot at pangungulila ay labis siyang nagulat nang mapadaan siya Men’s Wear section ng department store sa naturang mall. Ito ay dahil muli niyang nakita ang inaasam-asam na makita ng kanyang paningin. Muli ay nakita niya ang isang taong ganap na magtatanggal ng kanyang kalungkutan at pangungulila. Si Rina…!!!

Ang pakiramdam pa niya nung una ay namamalikmata pa siya nang may makita siyang isang babae na may kaakbay na isang lalaki habang namimili sa naturang section ng department store. Bagamat malayo palang ay tila kabisadong-kabisado na niya ang itsura ng babaeng ito sa bawat anggulo. Tila ba kabisadong-kabisado na niya ang presensiya ng babaeng ito na kung ilang ulit na niyang nakaniig at nakaulayaw sa isang pag-uulayaw at pagniniig na tila ba walang anumang pagtatago at pagkukubli sa lahat-lahat pati na sa kaloob-looban ng kanilang bawat damdamin at kaluluwa. Labis pa siyang nagulat nang mapatingin din ang babaeng ito sa kanya at sa pagtatama ng kanilang mga mata ay tila ba may kung ano silang kay lungkot na napag-usapan na kapwa sila naging napakalungkot. Tila ba isinasaad ng kanilang mga mata sa isa’t isa kung gaano sila nangungulila sa isa’t isa. Kung gaano sila nasasabik sa mga yakap, halik at haplos ng isa’t isa. Sa mga maiinit na sandali nila na magdadala sa kanila sa tila ganap na kahulugan ng kaligayahan at kaluwalhatian. Pero ang pagtatama ng mga mata nilang ito ay sasandali lamang dahil nang mapatingin sa kanya ang kasamang lalaki ng tila katitigan niyang babae ay agad siyang napalihis ng tingin sa tinititigan at nagpanggap pa nga siyang may tinitignan damit. Pero nang makaalpas na sa kanya ang babae at ang kaakbay nitong lalaki ay halos mapahagulhol siya sa kanyang pigil na pigil na pag-iyak. Kay sakit palang makita ang taong inaasam-asam mong makita na wala ka man lang magawa para makausap man lang siya o mayakap man lang ng kay higpit kahit sandali lang. At ang pinakamasakit sa lahat ay nakikita mismo ng taong ito kung gaano ka kawalang silbi upang maipaglaban man lang siya. Pero ano nga ba ang dapat ipaglaban gayong ikaw lamang naman ang nakikihati at nakikiagaw sa minamahal ng may minamahal…

KabetWhere stories live. Discover now