Chapter 2:

17.2K 100 1
                                    

Sa isang may kalakihang bahay sa may Carmel II Subdivision, Project 6, Quezon City ay nakatira ang mag-asawang Andy at Karina Quisumbing. Tipikal na umaga ng Lunes ay makikita si Rina na tila tarantang-taranta sa paghahanda ng gamit ng kanyang asawang si Andy.

“Ano, Rina?! Nasaan ba ‘yung panyo ko?! Lintek na, ang bagal-bagal ha! Mahuhuli na ‘ko o!”, inis na pag-aapura ni Andy sa asawa.

“N-andiyan na! Sandali lang. Pinaplantsa ko pa.”, ang natataranta namang tugon sa pag-aapura sa kanya ng asawa.

“Aba’y bilisan mo naman! Kilos pagong ka pa yata e! Alam mong nagmamadali ako!”, si Andy na tila mas lalo pang inaapura ang kandataranta nang asawa.

Saglit pa ay naibigay na ni Rina ang panyo sa asawa. “O ayan tapos ko nang plantsahin.”, marahang sabi ni Rina habang iniaabot ang panyo kay Andy.

“Sa susunod bilis-billisan mo naman ang kilos mo! E maatraso ako dahil diyan sa kakuparan mo e! Palibhasa kasi hindi ikaw ang nagtatrabaho sa pamilyang ito e!”, ang naiinis na sabi ni Andy sa asawa habang kinukuha ang iniaabot nitong panyo.

Maya-maya pa ay paalis na si Andy at siya ay pasakay na sa kotse. “O sige, aalis na ‘ko. Ikaw na bahala sa bahay ha. ‘Yung pinagpaliguan ko medyo nagbaha. Alisan mo ng tubig para di tayo mangamoy imburnal sa loob ng pasilya. Iluto mo mamaya ‘yung paborito kong ulam ha. Dito ako maghahapunan. ‘Yung pambayad sa kuryente, iniwan ko na sa itaas ng ref. Ikaw na bahalang magbayad dun mamaya. O sige at mahuhuli na ‘ko.”, pagbibilin at pag-uutos ni Andy sa asawa.

“Mag-iingat ka ha. Love you...”, ang tila paglalambing ni Rina sa asawa.

“Okay. O sige na at mahuhuli na ‘ko.”, si Andy na parang ni hindi pinapansin ang paglalambing ni Rina.

At tuluyan na ngang umalis si Andy sa kanilang bahay sakay ng Mitsubishi Galant nitong oto. Si Rina naman ay malungkot na pinagmamasdan ang papalayong oto ng asawa.

Nang makaalis ang kanyang tila napakadominanteng asawa ay nagtungo na si Rina sa banyong pinagpaliguan ng asawa upang tuyuin ang mga basa at baha dito bunsod ng paliligo ng asawa niya dito. Habang nagtutuyo ay napapailing si Rina habang may kung anong naiisip.

“Trenta’y singko anyos pa lang ako, pero losyang na losyang na ‘ko. Parang ang pakiramdam ko ay sampung taon ang idinagdag ng edad ko sa klase ng pakikisama at pakikitungong ipinapakita sa akin ni Andy. Ito nga lang ba talaga ang kahulugan ng buhay ko? Ang maging asawang sunud-sunuran at inuutus-utusan ni Andy? Ito nga lang ba talaga ang buhay para sa katulad kong kaawa-awang maybahay...??”, ang nabubulong ni Rina habang kay lungkot na nagtutuyo ng mga basa at baha sa banyo.

Sa gitna ng ginagawang ito ni Rina ay biglang may nag-ring ang telepono. Atubili ay lumabas si  Rina sa banyo upang puntahan ang telepono na nasa ibabaw ng maliit na mesang katabi ng kama nila ni Andy. Pagdating dito ay agad niyang iniangat ang telepono upang alamin kung sino ang tumatawag.

“Hello?”, pagsagot ni Rina sa telepono.

“Hello, bes!”, wika naman ng nasa kabilang linya na tila excited ang tono.

“Sino ‘to?”, takang tanong ni Rina sa nasa kabilang linya.

“Si Lilette! Yung bestfriend mo nung college! I just got back from USA! Kumusta na? Kumusta na kayo ni Andy? Labas naman tayo mamaya! Treat ko!”, tugon at sunod-sunod  ay tanong kay Rina ng kausap niya sa kabilang linya na nagpakilalang Lilette.

“Okay naman kami ni Andy. Naku! Busy ako ngayon e. Maraming ginagawa dito sa bahay.”, tugon ni Rina sa kausap na si Lilette.

“Edi tomorrow or next week! Magpapasama lang kasi sana ako sa iyo sa isang painting exhibit sa may SM Mega Trade Hall.”, si Lilette na tila gusto talagang ayaing lumabas ang bestfriend na si Rina.

“Ah titignan ko na lang. Paalam muna ako kay Andy.”, ang natugon na lang ni Rina sa tila pag-aaya sa kanya ng bestfriend.

Matapos makipag-usap sa bestfriend niyang si Lilette ay napatanga si Rina habang may kung ano na namang iniisip.

“Mabuti pa si Lilette! Kahit wala paring asawa hanggang ngayon ay tila masaya sa kanyang buhay…”, ang nasabi ni Rina sa kawalan.

KabetWhere stories live. Discover now