Chapter 11

8.2K 54 0
                                    

Magmula nang malaman ni Robert ang masakit na katotohanan na ang tinatangi-tangi niyang si Rina ay may asawa na pala ay naging napakalungkot na ng bawat araw at gabi niya. Walang sandali na hindi niya naramdaman ang presensiya ng kalungkutan sa buhay niya. Para bang sa bawat paligid niya ay nandoon ito at kumakaway sa kanya. Hinahaplos ang damdamin niya upang dito’y magdala ng isang napakatinding kirot na kay hirap indahin. At kahit paano pa niya ilibing sa pagkalimot ang sandali ng kanyang pagkabigo sa pagmamahal niya kay Rina ay hindi niya magawa. Paulit-ulit niyang nakikita ang larawan ni Rina kasama ang asawa nito. At habang nakikita niya ang nakakairitang larawang ito sa kanyang isipan ay nakakaramdam siya ng labis-labis na pagkalungkot at pagseselos. Para bang hindi niya kayang makita si Rina sa piling ng ibang lalaki maliban sa kanya. Unti-unti siyang pinapatay ng tanawing ganito. Ganito na marahil katindi ang obsesyon niya para kay Rina. Isang obsesyong maramot at makasarili, subalit sa likod ng damdaming ito ay tunay at wagas na pag-ibig na nagkukubli sa likod ng tila mali at imoral na damdamin.

“Bakit ba patuloy kitang naaalala? Bakit ba ganito parin ang epekto mo sa buhay ko? Gayung alam kong kahit na kailan ay hindi magiging akin, sapagkat ikaw ay pag-aari na ng iba! Napakasakit pala ang mabigo!! Ganito pala ang damdamin ng pagkabigo!! Walang kasing sakit at walang kasing pait!! Na para bang ayoko nang mabuhay pa!!”, si Robert na tila labis-labis talaga ang sakit na nadarama sa pagkabigo niya sa damdamin niya para kay Rina.

Pero si Rina din ay labis ang pagdurusa magmula nang makita niya kung paano nadurog ang puso ni Robert dahil sa pagkatuklas nitong siya ay may asawa na at pag-aari na ng iba. Alam niyang hindi tama at mali ang patuloy na mahibang sa pantasya ng romansa niya kay Robert dahil sa estado ng buhay niya, pero sadyang ito ang isinisigaw ng kanyang damdamin. Para bang paulit-ulit na ipinagsisigawan sa mukha niya ng kanyang damdamin na ipagpatuloy niya ang isang kahibangang imoral at masama sa mata ng lahat. Para bang lihim na nagsusumamo ang damdamin niya kay Robert na siya ay nakawin nito mula sa sarkastiko niyang asawang si Andy. Sa araw-araw ay para bang mas lalo pang tumitindi ang pangungulila niya para kay Robert. Tila ba nauubos ang bawat araw niya sa paghahanap sa presensiya ni Robert. Tila ba palaging may pakiramdam ng panghihinayang na bumubulabog sa pilit niyang pinapatahimik na damdamin. Pakiramdam ng panghihinayang sa kung anong matamis at maganda ang sa kanila’y maaring mamagitan. Baka, marahil, siguro; mga salitang pag-aasumsiyona sa mga bagay-bagay na walang pagsasara at pangwakas na bahagi. Parang isang jigsaw puzzle na hindi na nabuo pa at nabitin na lamang sa maraming mga katanungang hindi na masasagot pa. Ganito ang damdamin ni Rina para kay Robert. Bitin! Punung-puno ng baka, marahil at siguro. Puros asumsiyon at walang konkretong konklusyon. Isang malaking Question Mark na pati ang puso niya’y labis na naguguluhan.

“Hanggang pangarap na nga lang ba ang lahat sa pagitan natin? Sa panaginip nga lang ba maaring may mamagitan sa atin na espesyal? Sa ilusyon at pantasya nga lang ba nananalaytay ang romansa at pag-iibigan na sa pagitan natin ay maaring mabuo? Siguro nga... Baka nga... Marahil... Isa itong damdamin na dapat ko nang patayin at ibaon sa kailaliman ng pagkalimot...”, ang naluluhang nabubulong sa sarili niya ni Rina sa gitna ng kanyang tahimik na paghihinagpis tuwing gabing katabi niya ang asawa niya subalit siya ay labis na nanlalamig sa pangungulila kay Robert.

Makaraan ang may ilang linggo ay makikita si Robert na nasa lugar sa grocery kung saan sila muling nagkita ni Rina. Nagbabakasakali siya na dito ay muli niyang makikita si Rina, subalit sa pagkakataong ito ay sa ibang eksena at sitwasyon. Para bang inilalarawan niya sa isip niya na may kung anong nangyari at si Rina ay biglang naging dalaga muli at malaya. Makikita niya itong mag-isang namimili at sa kainosentehan ng mukha nito ay makikita niya ang isang paghahanap sa taong dito ay magmamahal, at sa di sinasadya nilang pagkikita dito ay biglang mababatid ni Rina na siya pala ang taong kay tagal na nitong hinahanap. Magkakatinginan sila at magkakangitian, at maya-maya pa ay bigla na lamang maglalapit ng di namamalayan ang kanilang mga katawan hanggang sa kulungin na nila sa mga bisig nila ang isa’t isa. At ano pa nga ba ang kasunod nito kundi ang napakatamis at napakasidhing paghahalikan. O anong sarap isipin!!! Isang pagtatagpo ng dalawang taong itinalagang magmahalan ng tunay at wagas. Parang pangyayari sa mga maroromantikong nobela at pelikula. Parang paboritong eksena sa pinakasusubaybayang teleserye. Napakaromantiko at napakamapangarap! Pero, subalit, datapwa...., ay pawang kahangalan lamang at desperasyon ng isang taong nangangarap ng isang kahibangan at isang pag-iibigang malayo sa katotohanan. Dahil kahit paano mo pa baguhin sa isipan mo ang mga naisulat na ng kapalaran, sa bandang huli, kapag nagising ka na sa iyong pagpapantasya ay mababatid mong nandoon ka parin pala sa masakit na katotohanang siya ay pag-aari na ng iba at kailanman ay hindi na magiging sa iyo pa. Ganito siguro ang pagkakaiba ng pantasya at katotohanan. Ang pantasya ay isang bahagi sa ating pagkatao na masarap at punung-puno ng mga pangako ng walang hanggang kaluwalhatian at ang katotohanan ay masakit at malupit! Period!!!

At umalis si Robert sa naturang grocery na mabigat ang kalooban dahil mula sa pagpapantasya ay bigla siyang namulat at nagising na hindi pala totoo ang lahat ng mga inilalarawan niya sa isipan niya. Na kahit ano pa ang gawin niya at isipin ay ganon parin ang pangyayaring patuloy niyang maaalala kapag napadaan siya sa grocery kung saan gumuho ang kanyang mga pantasya’t romansa. Ito ang katotohanang naisulat na ng kapalaran noon pa man at hindi na mababago pa. Na sa grocery na kinatatayuan niya ngayon ay nawala sa kanya si Rina o mas tamang sabihing nabatid niyang si Rina ay nawala na sa kanya bago pa man niya ito mahanap sa kanyang buhay....

Sa pag-alis na ito ni Robert sa naturang grocery ay siya namang pagdating dito ni Rina. Napadpad si Rina sa naturang grocery sa parehong dahilan kung bakit nandito ang kanina’y unang naririto na si Robert. Ito ay ang pagbabakasakali na dito ay muli niyang makikita si Robert, pero sa pagkakataong ito ay sa ibang pangyayari at kaganapan. Para bang bigla niyang pinantasya sa isipan niya na sa kung anong kadahilanan ay bigla na  lamang na-reset ang buong buhay niya at siya ay naging dalaga at malaya sa panahon na sila ni Robert ay magkakatagpo sa naturang grocery. Dito ay mag-isa siyang namimili at ang inosente at nostaldiyiko niyang damdamin ay naghahanap ng kung sinong sa kanya ay magmamahal ng labis. Sa gitna ng kanyang pamimili at pangangarap sa pagdating ng pag-ibig sa buhay niya ay bigla silang magkakabangga at magkakatagpo ni Robert, at parang isang flash ng camera sa bilis ay malalaman niya na lang na si Robert pala ang kay tagal na niyang hinahanap na magmamahal sa kanya ng wagas. Magkakatitigan sila at magkakangitian na para bang mga nasa komersiyal ng Close Up. At di nila mamalayan na unti-unti na pala silang lumalapit sa isa’t isa hanggang sa sila ay nakakulong na sa mga bisig ng isa’t isa. At swak!!! Isang matamis at maalab na halikan at pagpapalitan ng mga laway ang kasunod. Parang eksena lang sa makabagbag-damdaming love story na labis mong kakikiligan. Parang nasa alapaap siyempre sa labis na kaligayahan si Rina dahil sa takbo ng mga pangyayari, pero para lamang pala malaman na ang lahat ay isa lamang ilusyon na kanyang binuo sa mapangarap niyang isipan at damdamin. Dahil gaano man kalayo ang malakbay niya sa kanyang pagpapantasya at gaano man siya maging masaya sa sarili niyang mundong ito, sa pagbabalik niya sa realidad ay mababatid niya na siya parin si Rina na isang malungkot na asawa at isang babaeng nagpapantasya sa isang pag-ibig na kailanman ay walang katuparan...

At bago pa mamalayan ni Rina ay umaagos na ang tila di maubos na mga luha mula sa kanyang mga mata, at sa muling pagkakataon ay tila nakita na naman niya ang eksena kung saan ay nakikita niya ang dahan-dahang paglalakad ni Robert palayo sa kanya matapos nitong malaman na siya ay hindi na malaya.  Punung-puno ng sakit at pait ang eksenang iyon na sa tuwing mananariwa sa alaala niya ay parang paulit-ulit na binibiyak ng matalas na palakol ang kanyang damdamin.

KabetWhere stories live. Discover now