Chapter 28:

3.6K 36 0
                                    

Malapit nang magtanghali ay makikita si Rina na paalis sa kanilang bahay, pero nang palabas na siya sa may pinto ay may biglang tumawag sa kanya.

“Mukha yatang paalis ka?”, wika ng kung kaninong tinig na sadyang umagaw sa atensiyon ng paalis na sanang si Rina.

Napalingon si Rina sa kung sinong nagsalit at nabatid niyang ito ay si Andy na kasalukuyang nakaupo sa may sala ng kanilang bahay at nagkakape.

“Andy… May pupuntahan lang kasi akong isang dating kaklase. Paalis na kasi siya papuntang Canada next week kaya naisipan ko siyang bisitahin bago siya umalis. Okay lang ba sa iyo?”, si Rina na medyo na nagulat pa matapos mabatid na si Andy ang kung sinong nagsalita.

“Maari bang sa ibang araw ka na umalis, Rina? Gusto ko sanang mamasyal ngayong araw na ito na kasama ka.”, si Andy na tila naglalambing sa asawa.

“Pero nakapangako na kasi ako sa kaklase ko. Baka kasi magtampo siya kapag hindi ako nakipagkita sa kanya ngayon. Kung gusto mo ay mamayang gabi na lamang tayo mamasyal.”, si Rina na tila hindi talaga mapigil sa gagawing pag-alis sa kanilang bahay.

“Ganon ba? O sige! Aantayin kita ha! Mag-iingat ka!”, ang tila pag-ayon na lamang ni Andy sa gagawing pag-alis ni Rina.

“O sige, Andy! I love you!”, ang tila pamamaalam ni Rina kay Andy.

“I love you too, honey!”, ang tila pamamaalam din ni Andy kay Rina.

Nang ganap nang makaalis si Rina ay napatingin sa kawalan si Andy na tila ba napakalungkot ng itsura.

“Mamaya na nga ba matatapos ang lahat, Rina? Mamaya na nga ba?”, ang nalulungkot na natanong ni Andy sa kawalan.

Tanghaling tapat sa art exhibit section ng Mega Trade Hall sa may SM Megamall ay makikita si Robert na tila balisang-balisa habang may kung sinong hinihintay. Mapapansin na tila ang guwapo-guwapo ni Robert ng araw na ito. Panaka-naka pa nga siyang tumitingin sa maliit na salaaming dala-dala niya habang naghihintay upang alamin kung pogi parin ba siya at mukhang fresh bagamat tila may ilang minuto na rin siyang naghihintay. Habang tinitignan ang guwapo niyang mukha ay naaalala pa niya kanina kung gaano siya nag-ayos para sa pagkikita nilang ito ni Rina. Sa isipan niya ay gusto siyang maalala ni Rina sa huli nilang pagkikita sa pinakaguwapo niyang sarili. Ilang sandali pa ng paghihintay ni Robert sa naturang lugar ay labis siyang nagulat at kinabahan nang may boses ng babaeng tumawag sa kanya.

“Robert!”, pagtawag ng boses babae kay Robert.

Dahan-dahan at kinakabahan pa ay lumingon si Robert sa boses babaeng tumatawag sa kanya at anong gulat, saya at pananabik niya nang makitang ito ay walang iba kundi ang pinakahihintay-hintay niya at pinakaaasam-asam na si Rina.

“R-rina…!!!”, si Robert sa naluluha sa kaligayahang tinig.

Patakbo ay lumapit si Robert kay Rina at pagkalapit na pagkalapit niya dito ay niyakap niya ito ng anong higpit. Yakap na nagpapakita ng labis-labis na pananabik niya para sa babaeng iniibig. Yakap na pagpapakita ng napakainit na pagmamahal niya para kay Rina. Yakap na nagsasabing sana ay habang panahon na lamang sila ganito kalapit sa isa’t isa. Na sana ay manatili na lamang magkayakap ang mga katawan nila sa loob ng walang hanggan. Si Rina naman ay naluluhang dinama ang kahigpitan at kainitan ng pagyakap sa kanya ni Robert. Para bang damang-dama niya talaga kung gaano ito nananabik sa kanya. Isang panananabik na sa mga sandaling ito ay nadarama niya rin. Tulad ni Robert ay pinapangarap niyang manatili na lamang sana silang ganito kalapit sa isa’t isa ni Robert. Na para bang bigla na lamang ay maging magkaisa ang magkayakap nilang katawan upang tuluyan nang mapawi ang pananabik at pangungulila nila sa isa’t isa. Pero bago pa tuluyang madala si Rina ng bugso ng kanyang damdamin dahil sa muli nilang pagkikita ni Robert ay agad na siyang kumalas mula sa pagyakap sa kanya ng anong higpit ng lalaking labis niyang minamahal.

KabetWhere stories live. Discover now