Chapter 20:

4.2K 39 0
                                    

Makikita sa Quezon City Memorial Circle si Robert na walang humpay na naglalakad. Paikot-ikot lang ang ginagawa niyang paglalakad na tila ba gusto niyang magpakapagod at malimutan ang kung anuman. Habang naglalakad siya ay nadarama niya ang isang kakaibang uri ng kalungkutan at pangungulila. Isang uri ng kalungkutan na parang walang paghupa. Isang klase ng pangungulila na tila walang pagmamaliw. Patuloy niyang naiisip si Rina at patuloy siyang nangungulila’t nananabik dito. Gusto niyang umiyak at humagulhol pa nga, pero di niya ugaling umiyak sa harapan ng maraming tao.

“Kailan kaya uli tayo muling magkakasama, Rina? Kailan kaya kita muling mararamdaman sa buong pagkatao ko? Kailan ko kaya muling mababasa ang kaloob-looban ng iyong damdamin at kaluluwa? Kailan kaya uli tayo magsasalo sa isang romansang walang anumang itinatago at ikinukubli? Kailan, Rina? Kailan…???”, ang nalulungkot na natatanong ni Robert sa sarili habang patuloy na naglalakad sa Quezon City Memorial Circle.

Si Rina naman ay makikitang nakahiga na sa kama habang sa kanya pa ay nakapulupot ang asawang si Andy. Habang nakahiga sa kama ay paulit-ulit na naiisip ni Rina ang di inaasahang pagtatagpo nila kanina ni Robert sa department store. Tila ba ayaw mawala sa isipan ni Rina ang napakalungkot na mga mata ni Robert na nagpapakita ng labis-labis na pangungulila at pananabik sa kanya. Tila ba habang naaalala niya ang tagpo nilang iyon ni Robert ay labis din siyang nangungulila para sa lalaking labis na iniirog. Tila ba bigla na lang niyang naramdaman sa kaibuturan ng puso niya ang isang matinding pagnanasa na makasama si Robert sa gabing ito. Na muli ay madama niya ang yakap, halik at haplos nito sa kanyang buong katawan at maging sa kanyang buong pagkatao. Muli ay gusto niyang makaniig at makaulayaw si Robert sa isang napakainit na sandali kung saan ay walang anumang pagtatago at pagkukubli sa pagitan nila. Kung saan maririnig ang mga ungol ng kasarapan hindi lamang dahil sa kalibugang nagaganap kundi dahil sa kalayaang tila kapwa nila natatamasa kahit panandalian lamang. Muli ay para bang nangarap at nanabik si Rina sa paraisong puwede niyang matamasa sa piling ni Robert sa kahit na ilang sandali lamang.

“Robert… Hindi ko na yata kaya ang pangungulila at pagkasabik na nararamdaman ko para sa iyo… Tila yata masisira na ang ulo ko… Tila yata mamamatay na ako sa sobrang lungkot…”, si Rina na tila miss na miss na talaga si Robert.

At nakita na lamang ni Rina ang sarili niya na dahan-dahang bumabangon sa kama at halos walang kaingay-ingay na nagbihis ng pang-alis at lumabas sa kuwarto nila ni Andy.

Malalim na ang gabi sa condo unit ni Wilfredo. Wala ang baklita nang gabing ito dahil sa ito ay naka-confined sa ospital dahil sa isang hindi malamang karamdman. Ang tangi lang makikita nang gabing ito sa naturang condo unit ay si Robert na walang patid ang pagluha habang pinagmamasdan ang painting na ginawa niya kung saan ay ang hubad na si Rina ang nilalaman. Buhay na buhay ang kulay nito na para bang kitang-kita ang lahat-lahat sa pagkatao ni Rina. Tila ba ito ay isang painting na walang anumang inirereserba o itinitira para sa pagtatago at pagkukubli. Lahat ng pawang katotohanan ay kitang-kita dito. Tila ba mababanaag talaga sa painting na ito ang tunay na si Rina sa bawat aspeto.

“Rina! Rina! Rina! Hindi ko na yata kakayanin pa ang labis na pangungulila ko sa iyo! Para akong mababaliw! Para akong masisiraan ng ulo! Parang mamamatay na ako sa labis na pangungulila kong ito sa iyo! O Rina! Pakiusap! Kahit ngayong gabi lang ay dumating ka at pawiin ang labis-labis na kalungkutan at pangungulila ko! Kahit ngayong gabi lang, Rina! Kahit ngayong gabi lang…”, si Robert na tila labis-labis na talaga ang pangungulila kay Rina.

Sa gitna ng tila matinding pagtangis at paghihinagpis na ito ni Robert bunsod ng labis-labis niyang pangungulila kay Rina ay bigla na lamang may pumasok sa condo unit niyang isang kung sinong hindi niya inaasahan. Pero ang kung sinong ito ay tila ba ang siyang tanging solusyon upang mapawi at mahawi ang kalungkutan at pangungulila niya kahit na pansamantala lang. Dahil ang kung sinong ito ay walang iba kundi si…Rina!

“R-rina…!!!”, ang gulat na gulat bagamat sabik na sabik na sabi ni Robert sa biglang pagdating ni Rina sa condo unit na kinalalagyan niya.

Walang sabi-sabi ay mabilis na naglakad si Rina papunta sa kinatatayuan ni Robert. Si Robert naman ay tila napakatindi rin ng pananabik sa muli nilang pagkikitang ito ni Rina kaya siya ay naglakad na rin palapit sa naglalakad palapit sa kanyang si Rina. Nang magpang-abot ay kapwa nila niligkis ng yakap ang isa’t isa at kapwa nila sinagpang ng anong init na halik ang mga labi ng isa’t isa. Habang naghahalikan ay napapabuntung-hininga pa sila na para bang sobrang intense talaga ng sandaling ito na sila muling nagkasama.

“Rina…”

“Robert…”

Kapwa walang saplot sa katawan ay magkayakap na nakatitig sina Robert at Rina sa isang tila higanteng canvass na napupuno ng iba’t ibang mga kulay ng oil pastel.

“Alam mo ba kung ano ang tunay na obra-maestra, Rina?”, bigla ay natanong ni Robert kay Rina.

“Ano, Robert?”, patanong na tugon naman ni Rina kay Robert.

“Ang painting na ipininta ng dalawang taong labis na nagmamahalan!”

At bigla ay nagtungo si Robert sa gitna ng higanteng canvass na pinagmamasdan nila kanina ni Rina. Pagdating niya dito ay tinatawag niya si Rina sa pamamagitan ng paglahad ng mahaba at puro muscle niyang kamay at braso dito. Punung-puno naman ng  ligayang inabot at kinuha ni Rina ang nakalahad na kamay at braso ni Robert. Dahan-dahan ay hinila ni Robert si Rina papunta sa kinatatayuan nito. Nang magkasama na sila dito ay nagsimula silang maghalikan ng anong init at anong alab. Bumaba ang mga halik nila sa iba pang mga parte ng katawan nila hanggang sa nakita na lamang nila ang mga sarili nila na nakahiga na sa higanteng canvass na kinatatayuan nila at buong katawan nila ay nagpuro oil pastel na may iba’t ibang kulay. Sa kanilang pagkakahiga sa canvass ay nagsimula silang magniig. Habang nagniniig sila ay nagpapagulong-gulong pa sila na siyang nagiging dahilan upang kumalat nang kumalat ang mga oil pastel na may iba’t ibang kulay. Habang nagniniig sila ay muli na naman nilang nakikita ang kabuuan ng isa’t isa. Muli na  naman nilang nababasa ang bawat kulay ng kanilang mga damdamin at kaluluwa. Muli na naman nilang dinadala ang sarili nila sa pinakamataas na uri ng kaligayahang puwede nilang maabot at marating. Sa tila isang kay gandang paraiso na walang ibang makikita kundi ang walang hanggang pag-ibig at walang katapusang ligaya. Kapansin-pansin naman na para bang sumasabay sa nagniniig nilang mga katawan ang pagkalat ng iba’t ibang mga kulay ng oil pastel sa buong paligid ng canvass na kinalalagyan nila. Para bang bigla ay kumakatawan sa iba’t ibang mga kulay ng oil pastel na ito ang iba’t iba ring mga kulay ng kanilang mga damdamin at kaluluwa habang sila ay buong saya at buong galak na nagtatalik at nagniniig. Para bang sa napakainit at napakaromantikong pagtatalik at pagniniig nilang ito nakaguhit sila ng isang pambihirang larawan na kung titignan ay tila kay ganda rin ng pagkakatapon at pagkakakalat ng iba’t ibang mga kulay ng oil pastel na kumalat at kumulapol dito dahil sa mga nagniniig nilang katawan.

Nang matapos sila sa tila kakaibang uri ng kanilang pagtatalik at pagniniig ay labis pa silang nagulat nang sila ay mapatingin sa kanina’y canvass na kinahihigan nila habang kapwa nila hinahagkan ang kakaibang uri ng kamunduhan at kasarapan. Ang canvass na ito ay parang biglang naging isang higanteng abstract painting na may napakagandang distribution at pagkakakalat-kalat ng kulay. Wala man itong malinaw na anyo at kayarian ay tila napaganda talaga nitong pagmasdan dahil sa tila napakagandang pagkakasama-sama at pagkakakumbi-kumbinasyon ng mga kulay. Para bang habang tinitignan nila ito ay nakikita nila kung ano ba talaga ang kahulugan ng kanilang pagmamahalan at pag-uugnayan. Tulad ng nalikhang painting, wala man itong ganap na kaanyuan ay tila napakaganda talaga nitong tignan at damhin. Tila ba ito ay isang bagay na dadalhin mo sa kaibuturan ng damdamin at alaala mo sa loob ng walang hanggang panahon. Habang nakikita nila ang tila isang obra-maestrang nalikha ng mga nagtatalik nilang katawan ay hindi nila mapigilan pareho na mapaluha.

“Napakaganda nga, Robert…! Isa itong tunay na obra-maestra! A-ang obra maestro natin…!!!”, si Rina na tila gandang-ganda sa painting na tinitignan.

“O Rina… Gusto kitang ariin sa bawat sandali ng gabing ito. Gusto kitang maramdaman dito sa buong katawan ko paulit-ulit hanggang sa maging permanenteng puro ikaw na lamang ang nararamdaman ko kahit pa wala ka sa piling ko… Sabihin mong ating-atin lang ang gabing ito… Sabihin mong ikaw ay pawang sa akin lamang sa bawat segundo ng gabing ito… Kahit ngayong gabi lang, Rina… Kahit ngayong gabi lang…”, si Robert na napapaluha habang yakap-yakap ng anong higpit si Rina na tila ba ito ay ayaw na niyang bitiwan pa.

“Robert…”

“Rina…”

At minsan pa ay naulit ang mga napakaiinit na tagpo ng magkasintahan. Mga maiinit na tagpo sa gitna ng mga nakaw na sandali…

KabetWhere stories live. Discover now