Chapter 25:

3.6K 33 0
                                    

Hindi inaasahan ni Rina na darating pa ang sandaling dati ay pinakaasam-asam niya. Isang sandaling tila ngayon ay wala nang anupamang halaga sa kanya dahil sa siya ay tila masyado nang attached at inlab kay Robert. Ito ay sandaling makikita niya ang tila bigla na lamang pagbabago  ng trato sa kanya ng dominante niyang asawang si Andy. Ito ay nangyari nang isang gabing ito ay umuwi sa kanilang bahay. Gabi na noon at halos kadarating niya lang buhat sa tila pakikipagtagpo at pakikipag-date kay Robert. Nag-uumpisa pa lamang siyang magluto ng paboritong putahe ni Andy na tinolang manok at tortang talong. Labis pa nga ang pagkataranta niya nang marinig ang tunog ng sasakyan ni Andy sa garahe ng kanilang bahay. Batid niyang nasa bahay na ang kanyang dominanteng asawa pero ngayon pa lamang siya nagsisimulang magluto. Nakikini-kinita pa nga niya kung paano na naman siya nito pagbubulyawan dahil sa tila late na niyang pagluluto. Isang pagbubulyawan na mauuwi sa biglaang pag-alis ni Andy sa bahay upang sa labas na lamang kumain. Inasahan niyang mangyayari na naman ang sandaling iyon sa gabing ito. Pero tila mali ang inaakala at inaasahan niya. Sa pagdating kasi ni Andy sa bahay nila ay tila ibang-iba ang aura nito. Hindi ito ang dating Andy na dominanteng-dominante ang itsura at presensiya. Sa halip ay ito ang Andy na tila may nakakaawang aura at presensiya.

“Andy… Bakit tila yata matam…”, gulat na nawika ni Rina na hindi naituloy pa ang sasabihin matapos siya ay bigla na lamang yakapin ng anong higpit ni Andy. Bagay na tila hindi pa nito nagagawa sa kanya kahit minsan sa loob ng may ilang taon nilang pagsasama.

“Masama ba ‘kong asawa, Rina? Sabihin mo sa akin ang totoo? Naging napakasama ko ba sa iyo?”, tanong ni Andy kay Rina sa tila naluluhang tinig.

“A-andy… A-ano ba nangyayari sa iyo? Ano ba ‘yang mga pinagsasabi mo?”, ang takang-takang natanong ni Rina kay Andy.

“Kahit hindi mo sabihin ay alam kong nahihirapan ka na sa pakikisama sa akin, Rina. Batid ko ang mga kasamaang ginawa ko sa iyo. Batid kong mas itinuring kitang isang parang alila imbes na asawang dapat mahalin  at pakaingatan. At patawarin mo ‘ko para sa lahat ng iyon,  Rina! Patawarin mo ‘ko! Pakiusap! Bigyan mo pa ‘ko ng isa pang pagkakataon! Magsimula tayong muli! Ayusin natin kung anuman ang mali at hindi tama sa pagsasama natin!”, ang tila bigla ay paghingi ng tawad at pagmamakaawa ni Andy kay Rina.

“A-andy???”, si Rina na tila hindi talaga makapaniwala sa mga nangyayari.

“Pakiusap, Rina! Sabihin mong may pagkakataon pa para sa atin! Sabihin mong puwede pang maayos ang pagsasama natin! Pakiusap, Rina! Bigyan mo pa ‘ko ng isa pang pagkakataon! Pakiusap…”, si Andy na nakaluhod na sa harapan ni Rina at lumuluha habang yakap-yakap ang mga hita ng asawa.

Sa punto namang ito ay tila may kung anong naisip si Rina. Para bang bigla ay naisip niya ang bawal para tila kay saya at kay sarap nilang pagmamahalan ni Robert. Batid niyang kahit isa lamang kabet sa buhay niya si Robert ay tila hindi na niya ito kaya pang bitiwan sa buhay niya. Batid niyang labis siyang magiging miserable kapag ito ay nawala sa buhay niya. Kapag ang relasyong mali pero sadyang hinahawakan nila ng mahigpit ay kanilang tinapos at binitiwan. Pero tila naguguluhan na siya ngayon kung dapat pa nga ba nilang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan na simula palang ay bawal na sa mata ng lahat at tutol na ang lahat. Dahil sa puntong ito ay nakikita niya sa kanyang harapan ang kanyang dati ay inaasam-asam at pinapanga-pangarap lamang na pagbabago ng kanyang dominanteng asawa. Ngayon sa kanyang harapan ay nakikita niiya kung paano ito nagsisisi ng labis at marahil ay taos-puso para sa mga nagawa nitong kasalanan at pagkakamali sa kanya. Nanghihingi ng panibagong pagkakataon upang kanilang simulan muli at ayusin ang kanilang tila nawalan na ng saysay na pagsasama bilang mag-asawa. Batid niyang wala na siyang nararamdamang kahit na ano para kay Andy. Hindi niya alam kung bakit pero sadyang kay bilis ng mga pangyayari. Di inaasahang dumating sa buhay niya ang isang tulad ni Robert at siya ay labis na napamahal dito. Nagmahalan sila bagamat tila mali at bawal ang kanilang pag-iibigan. Alam niyang sa kahit na anumang pagkakataon kung maari lamang at pahihintulutan ng Maykapal na siya ay makapamili ng gusto niyang mapangasawa ay si Robert ang mas pipiliin niya kaysa sa dominanteng tulad ni Andy. Pero sa realidad at makatotohanang aspeto ay tila si Andy talaga na ngayo’y tila nagbabago na ang higit na mas tama para sa kanya. Ito ang matuwid at moral na dapat maging desisyon. Ito ang naaayon at katanggap-tanggap sa lipunan. Ito ang higit na maaliwalas sa mata ng lahat. At ito ang desisyong kailangan niyang gawin bilang isang taong nagpapahalaga sa kanyang moralidad at dignidad bilang isang tao at bilang isang babae.

Naluluha ay itinayo niya mula sa pagkakaluhod sa kanyang harapan ang luhaan paring si Andy at nang sila ay kapwa na nakatayo at magkaharap ay pinapahid pa niya ang mga luha nito.

“Sige, Andy! Magsimula tayong muli. Ayusin natin ang dapat ayusin sa ating pagsasama. Maging mag-asawa uli tayo na may pagmamahalan at may respeto sa isa’t isa. Maging ganon tayo, Andy. Maging ganon tayo…”, si Rina na tila tinatanggap nang muli si Andy bilang kanyang asawa at tila ba ito ay binibigyan niya ng ikalawang pagkakataon at panibagong pagsisimula.

“Salamat, Rina! Maraming-maraming salamat! Ipinapangako kong hinding-hindi na kita sasaktan pa! Ipinapangako kong hinding-hindi ka magsisisi sa muling pagbibigay sa akin, sa atin, ng ikalawang pagkakataon upang makapagsimula muli at upang maging maayos. Salamat, Rina! I love you so much!”, ang naluluha namang pasasalamat at pangangako ng tila wagas ni Andy sa asawang si Rina.

“Andy…”

“Rina…”

At nagkahalikan ng kay init at kay tamis ang mag-asawa.

Habang nakikipaghalikan naman sa asawa ay naluluha si Rina sa isiping tila kailangan na niyang magpaalam sa kanyang pinakamamahal na…KABET!!!

“Ito na ba ang ating pagtatapos, Robert? Pamamaalam na ba ito para sa atin at sa ating pag-iibigan?”, ang naluluhang nabubulong at natatanong sa kawalan ni Rina.

At napaluha ng napaluha si Rina habang dinadama ang tila napipinto na nilang paghihiwalay at pagpapaalaman ni…Robert!!!

KabetWhere stories live. Discover now