Chapter 14:

7.1K 56 0
                                    

Parang isang panaginip ang lahat. Isang napakaganda at napakaromantikong sandali. Isang sandali na may napakasayang hatid sa bawat damdamin. Isang sandali na tila paglalakbay sa pantasya at ilusyon ng mga pusong nangungulila’t nananabik. Sana’y hindi na matapos pa ang lahat. Sana’y walang hanggan na lang ang sandaling ito. Mga katawang nag-uulayaw sa ngalan ng tunay na pag-ibig at walang kapantay na kaligayahan. Mga katawang hindi lamang ang kahubdan ng isa’t isa ang inilalarawan kundi maging ang kulay ng mga kaluluwa at damdamin. Ang nilalaman ng puso ng isa’t isa. Ang isang pakiramdam na sadyang makatotohanan at walang anumang itinatago at ikinukubli maging ang mga pangit na bahagi ng isa’t isa. Maging ang mga malalaswa at masasagwa. Maging ang mga takot at pangamba. Kay sarap isiping nalalasap ang sandaling. Nahahawakan at nadarama. Natatamasa ng buong kamalayan at buong damdamin. Pero kahit na gaano pa kawagas marahil ang isang sandali ay natatapos din ito…

Dama ni Robert ang kalungkutan matapos siyang magising at mabatid na wala na sa tabi niya ang kagabi’y katalik na si Rina na ang tanging iniwan sa pag-alis ay isang sobreng naglalaman ng sampung libo na may kalakip na papel na may nakalagay na “Thank You”. Thank You, ganun na nga lang ba matatapos ang napakasaya at napakamemorable nilang sandali kagabi? Hindi na ba ito madudugtungan pa? Sa isipan niya ay parang bitin. Parang may kulang bagamat naisawalat na ng mga nagniniig nilang katawan kagabi ang pagmamahal, kasabikan at pangungulila sa isa’t isa. Bagamat kagabi ay tila kapwa na nila nakita at nabasa ang kaluluwa at mga damdamin ng isa’t isa. Bagamat kagabi ay naging totoo sila sa kanilang mga sarili at tila walang kahit na anumang itinago at ikinubli sa isa’t isa. Ipinakita at ipinabasa sa isa’t isa maging ang mga pangit nilang bahagi. Pero parang hindi pa sapat ang isang gabi upang muli nilang pagsaluhan ang lahat. Upang muli nilang tuklasin ang isa’t isa na nagawa na nilang tuklasin nung nakaraang gabi. Parang isang napakagandang pelikula ay nais nilang ulit-ulitin ang lahat. Nais nilang ulit-uliting tuklasin ang isa’t isa na para bang sila ay hindi magsasawa kahit pa sa loob ng walang hanggan.

“Nasaan ka na, Rina? Magkikita pa ba tayo uli? Mauulit pa ba ang napakaligaya nating sandali kagabi?”, ang mga tanong sa isipan ni Robert na tila walang kasagutan.

Si Rina naman sa pagbalik sa kanyang bahay ay nakatulala habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kesame. Naghahalo ang pakiramdam ng sobrang kaligayahan at pagkakunsensiya sa kanyang buong damdamin. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya ang nagawa niya kagabi. Hindi siya makapaniwalang nangyari ang sandaling iyon. Ang sandali ng pakikipaglaro ng apoy sa ibang lalaki. Ang sandali ng paghagkan sa imoralidad. Ang sandali ng pagtatampisaw sa tunay na kasarapan ng libog at kamunduhan. Ang isang nakaw na sandaling bagamat mali at hindi katanggap-tanggap sa mata ng lahat ay tila kay sarap lasapin at kay sarap namnamin. Kay sarap itago sa kaibuturan ng puso’t isipan. Kay sarap alalahanin sa bawat panahon ng kalungkutan at pangungulila. Kay sarap gunitain sa mga sandali ng pagiging senti at nostaldyika. Parang umiikot ang buong isipan ni Rina habang naiisip ang mga isiping ito. Para bang sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay nakaramdam siya ng tunay at wagas na ligaya bagamat naroon ang napakatinding pagkabagabag at pagkakunsensiya. Parang mababaliw pa nga ang pakiramdam niya habang naghahalo at nagdidigma sa isipan niya ang dalawang isipin at damdaming ito.

“Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit may dalawang boses na parang paulit-ulit na bumubulong sa akin? Ang isa ay boses ng kunsensiya at moralidad na patuloy na nagsasabi sa akin na mali at hindi tama itong nararamdaman ko. Na ang nangyari sa pagitan namin ni Robert kagabi ay isa lamang malaking pagkakamali. Pero ang isa ay boses ng aking buong puso’’t damdamin na nagsasabing huwag kong bitiwan ang kung anumang nararamdaman kong ito dahil walang mali sa pagsunod sa tunay na idinidikta at isinisigaw ng aking puso.”, si Rina na tila gulung-gulo ang buong isipan.

Sa kaguluhan ng isipan ay nakatulog si Rina mula sa pagkakahiga sa kamang hinihigaan niya.

Matapos ang tila mapantasyang sandali sa pagitan nila ni Rina ay nagpatuloy si Robert sa kanyang buhay. Siya ay patuloy na nagtrabaho bilang isang kolboy na ang tanging alam gawin ay magserbisyo at magpaligaya sa mga matatanda at natitigang na matrona. Siya ay nagpatuloy sa pakikipagtalik sa mga matronang ito na tila ba normal na routine lamang ng kanyang buhay. Isang pakikipagtalik na tila walang anumang kasamang damdamin. Ang lahat ay pawang para lamang sa trabaho. Ang mga pag-ungol ng kasarapan ay sadyang pilit upang ipakita sa mga sinserbisyuhan niyang matrona na siya ay naliligayahan din sa kanilang ginagawa. Na kahit paano ay napapaligaya din siya ng mga ito. Para kay Robert ay maituturing na ang trabaho niyang ito bilang sandaling pagtakas sa pangungulila at pananabik na nararamdaman niya para kay Rina. Pero kapag natapos na siya sa kanyang trabaho at sa pakikipagtalik sa mga matrona niyang customer ay muli niyang makikita ang sarili niya na napapaluha ng walang patid dahil sa tila labis-labis na pangungulila at paghahanap kay Rina. Sa kesame ng kuwarto sa motel  na tinitignan niya ay pilit niyang hinahanap dito ang mukha ni Rina. Ninanais na kahit sa kanyang imahinasyon lamang at pagmamalikmata ay muli niyang makita’t masilayan si Rina kahit sandali lang.

“Mababaliw na yata ako sa paghahanap at pangungulila sa iyo, Rina… Nasaan ka na ba…???”, ang naluluhang bulong ni Robert nang minsang nakatulala sa kesame habang nakahiga sa kama ng isang kuwarto sa motel katabi ang customer niyang matrona.

Ang mga sumunod na araw din para kay Rina ay pawa ding kalungkutan at pangungulila. Sa pag-iisa niya bunsod ng pagpunta kuno sa Cebu ng asawa niyang si Andy para sa isang business trip ay madalas niyang makita ang sarili niya na napapatulala sa gitna ng kung anumang ginagawa niya. Sa pagkakatulala niya ay naiisip niya si Robert at ang napakaganda at napakaromantikong sandali sa kanilang pagitan. Nasasabik at nangungulila para sa susunod na pagkakataong maari muling maulit sa pagitan nila ang napakaromantiko at napakagandang sandaling ito. Hinahanap sa kanyang pag-iisa at nararamdamang kahugkagan ang mga kay iinit na pagyakap at paghaplos sa kanya ni Robert. Ninanais sa natutuyot niyang bibig na malasahan uli ang paghalik sa kanya ni Robert. Pinapangarap na ang kanyang tainga ay muling hingahan ng napakainit na hininga ni Robert. Hiningang tila nagpapahiwatig kung gaano siya nito kagusto at kamahal. Sa kanyang natitigang na katawan ay tila hinahanap-hanap niya ang katawan ni Robert na nakikipag-ulayaw at makikipag-ulayaw sa kanya sa bawat sandaling makadarama siya ng pag-iisa at pangungulila. Habang naiisip ni Rina ang ganito at siya ay nakakaramdam ng labis na kalungkutan at pangungulila ay napapaluha na lamang siya ng hindi niya namamalayan.

“Kung puwede lang sana… Kung tama lang sana… Gusto kitang maramdaman sa bawat bahagi ng katawan ko sa bawat sandali, Robert…”, ang nasasabi pa ni Rina habang nakatulala at hindi namamalayang siya ay napapaluha na pala ng walang patid.

Isang gabi ay tila hindi na talaga mapigilan pa ni Rina ang tila napakatinding pangungulila at pananabik niya kay Robert. Para bang nang gabing ito ay bigla na lamang niyang nararamdaman na parang siya ay mababaliw sa tindi ng nararamdaman niyang pangungulila at pananabik kay Robert. Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay nakita niya ang sarili niya na nagmamadaling nagbibihis at pagkabihis ay tila papunta siya sa kung saang lugar.

Si Robert naman ng gabing ito habang nasa Ballroom Hall naman sa may Quezon City Memorial Circle upang mag-abang ng mga magiging customer ay nakakaramdam din labis-labis na pangungulila at pananabik para kay Rina. Tulad ni Rina ay para bang ang pakiramdam niya ay mababaliw siya sa tindi ng pangungulila at pananabik na nararamdaman niya para sa babaeng iniirog. Pilit pa nga niyang inaaliw ang sarili niya sa panonood ng mga nagbo-ballroom na matrona habang kapareha ang mga guwapo at machong lalaki. Sa panonood niya ay may mga matronang lumalapit sa kanya para makipagsayaw, pero tila wala siya sa mood. Tila ba sa mga sandaling ito ay isang tao lang ang gusto niyang makasayaw o maaring higit pa sa pagsasayaw. Tila mas tamang tawaging isang paglalakbay patungo sa totoong kulay ng isa’t isa…

Sa gitna ng pananatili ni Robert sa Ballroom Hall ay labis siyang nagulat nang may bigla na lamang dumating ditong isang tila napakapamilyar na mukha. Sa pagdating sa naturang lugar ng napakapamilyar na mukhang ito ay tila nagpalinga-linga pa ito sa paligid na para bang may kung sinong hinahanap sa gitna ng tila matinding pananabik nitong nararamdaman. At nang mapatingin ito sa kanya ay dali-dali itong lumapit sa kanya, at nang makalapit ay wala nang kailangan pang salitang sabihin… Sinagpang siya nito ng isang maalab at kay tamis na halik na ginantihan niya naman ng ganun ding klase ng paghalik. Kapwa nila nalalasahan ang mga laway nila na tila ba mga laway na nananabik na matikman at malasahan ang isa’t isa. Halos umapoy pa nga sa init ang mga hiningang inilalabas ng mga bunganga nilang kasalukuyang magkaniig at tila ayaw nang maghiwalay pa. Nang matapos sila sa napakaalab at napakatamis na halikan ay kapwa sila nagkatitigan habang kapwa habol-habol ang paghinga.

“Rina…”

“Robert…”

KabetWhere stories live. Discover now