Chapter 7:

11.2K 86 1
                                    

Sa KFC fastfood sa may 4th floor ng SM Megamall ay makikita ang magbestfriend na sina Rina at Lilette na dito ay kumakain. Habang kumakain ay tila nag-uusap sila ng tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa kanilang buhay.

“Mabuti at pinayagan ka ngayong sumama ni Andy. Alam mo ‘yang asawa mo masyadong dominante at possessive! Ano ba gusto niyang mangyari sa iyo? Maging taong-bahay na lang habang-buhay? Ay naku, bes! Kung alam mo lang kung ano ang buhay ko sa Tate! Araw-araw lang akong naglalamierda doon at siyempre kung sinu-sino mga papables na Kano ang nakikilala ko. Grabe, bes! Kung ilalagay siguro sa isang diary ang mga sexcapades ko ay baka makasampu ako nun!”, ang tila masayang pagkukuwento ni Lilette sa bestfriend na si Rina.

“Grabe ka naman, Lilette! Hindi naman ako ganung klase ng tao.”, si Rina na tila hindi sang-ayon sa mga sinasabi at ikinukuwento sa kanya ng bestfriend.

“At anong klase ng tao ka? Martir? Sunud-sunuran sa kumag mong asawa? Naku, bes! Hindi na uso ang ganun ngayon. Pantay na ang lalaki at babae ngayon pagdating sa karapatan sa mga bagay-bagay. Kaya paminsan-minsan mag-enjoy ka naman!”, ang tila pangangaral ni Lilette kay Rina.

“At ano? Magpaggalaw ako sa kung kani-kaninong lalaki na parang isang puta? Sorry for the word. Pero ganun ko nakikita ang mga babaeng katulad…”, si Rina na tila hindi na naman sang-ayon sa mga sinasabi sa kanya ni Lilette pero biglang natigilan ng may kung anong mapansin.

“Katulad ko! Well, that’s me! Hindi ko naman sinabing gayahin mo ‘ko e. Ang sinasabi ko lang bakit hindi mo subukang mag-enjoy man lang. Lumabas-labas ka at mag-aliw-aliw paminsan-minsan. Ganon lang naman.”, si Lilette na tila nasaktan sa sinabi ni Rina.

“Sorry na, bes! Nabigla lang ako. Ikaw naman kasi e. Kung anu-ano mga itinuturo mo sa akin. Hindi naman kita tinitignan bilang ganun.”, ang tila paghingi ng paumanhin ni Rina sa tila nagawa niyang pananakit kay Lilette.

“Okay na ‘ko, bes! Ang mabuti ay kalimutan na natin ang pag-uusap nating ito. Samahan mo na nga lang ako dun sa Mega Trade Hall.”, ang tila pagtanggap naman ni Lilette sa paumanhin ni Rina.

Mula sa KFC ay nagtungo sina Rina at Lilette sa Mega Trade Hall kung saan ay may exhibit ng mga bagong painting mula sa mga hindi gaanong kilalang artist at painter. Labis namang naaliw ang magkaibigan sa pagtingin nila sa mga painting dito. Parang tunay na larawan kasi ang karamihan sa mga painting bagamat gawa lamang mula sa oil pastel. May painting pa nga ng Banawe Rice Terraces na tila buhay na buhay at parang tunay talaga ang itsura. Pero ang tunay na nakapukaw at nakakuha sa atensiyon ni Rina. Ito ay isang painting ng isang nakahubad na babae na nasa loob ng isang malaking hawla at ang mga kamay ay nakalabas sa naturang hawla na para bang humihingi ng tulong. Napakaganda nitong tignan sa kulay itim at asul na background. Para bang ang mga kulay nito ay nagpapakita ng emosyon ng kalungkutan at paghahanap ng kalayaan. Bagay sa isinasalarawan sa painting. At sa bawat stroke nito ay makikita ang iba’t ibang uri ng emosyon habang ito ay ipinipinta. Hahaba-iiksi ang mga stroke dito na mas lalong nagpaganda sa naturang painting dahil sa ito ay mas nagiging makatotohanan at mas nagiging buhay. Sabi nga ay ang imperpeksiyon ng mga strokes ng isang painting ang mas lalong nagpapaganda dito dahil nakikita sa mga ito ang pagiging realista ng nagpinta nito. Ganito nakikita ni Rina ang painting na nasa harap niya ngayon. Punung-puno ng buhay at emosyon. Hindi perpekto subalit makikita mo at madarama ang sinseridad ng pagsasalarawan.

“Ang ganda!! Parang may buhay! Parang nanunuot sa pakiramdam sa kaibuturan ng damdamin ang bawat mensahe at emosyong gustong ilarawan ng painting na ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda at ganito ka-emosyunal na painting. Ngayon lang ako nakakita ng isang painting na kayang halukayin ang emosyon ng sinumang tumitingin dito...”, ang namamanghang naibubulong ni Rina habang patuloy na pinagmamasdan ang naturang painting.

“Emancipation of A Lady.” At napalingon si Rina sa pinanggagalingan ng tinig na narinig niya. At nakita niya ang isang guwapo at makarismang lalaki. “Yon ang pamagat ng painting na iyan.”, nakangiting patuloy ng lalaki. “Emancipation of A Lady??”, si Rina na tila may bahid ng pagtataka at pagtatanong ang tinig. “Sa lipunang ito na ang mga babae ay walang boses sa isang pag-aasawahan at sa isang relasyon ay maririnig ang sigaw at hinaing ng mga puso nilang naghahanap ng kalayaan at pagiging pantay na pagtrato sa kanila ng lipunan. Sa isang bahagi ng puso nila ay nandoon ang pagnanasang sila ay mabuhay ng higit pa sa pagiging asawa ng kanilang asawa o nobya ng kanilang nobyo.”, ang tila paliwanag ng lalaki tungkol sa pamagat ng painting. At para namang nasapul si Rina ng lahat ng mga sinabi ng lalaki tungkol sa pamagat ng painting dahil tila ito ay nagpapatungkol sa buhay niya bilang asawa ni Andy. At bago pa niya mamalayan ay parang nahihipnotismo na siya sa mga malalagkit na tingin sa kanya ng lalaki. Para bang ang mga mata ng lalaking kaharap niya ay may kakayahang halukayin at kalikutin ang kaibuturan ng kanyang damdamin.

Lingid sa kaalaman ni Rina ay ganito rin ang nararamdaman ng lalaking kaharap niya. Ito ay tila nahihipnotismo rin sa malulungkot niyang mga mata. Para bang nakikita sa kanya ng lalaki ang isang matinding paghahanap at pangungulila sa kung ano. Para bang nababasa ng lalaki sa mga mata niya ang kalungkutan at kawalang kulay ng kanyang buhay. At sa pangyayaring ito ay parang nararamdaman ng lalaki na ito ay labis na nabibigkis sa kanya. Na para bang ang damdamin ng lalaki at ang damdamin niya ay nagiging magkadikit at sumisigaw ng iisang diwa.

At bago pa nila mamalayan ay nagtititigan na sila na para bang sila lamang ang tao sa mundo at ito ay tumigil na sa pag-ikot at tanging sa pagitan na lang nila umikot. ‘Yun para bang mga pangyayaring sa pelikula na bigla na lamang magkakatitigan ang leading man at leading lady at pagkatapos ay MWAAAHHH!!!!! Isang matamis at maalab na halikan!!! Pero hindi ito ang nangyari sa pagtitigan ni Rina at ng lalaki. Dahil bago pa mapunta sa kung saan ang mala-pelikula nilang pagtatagpo ay bigla na lamang dumating ang bestfriend ni Rina na si Lilette at siya ay inaya na nitong umalis.

“Halika na, bes! Doon naman tayo sa mga appliances!”, pag-aaya ni Lilette kay Rina na sila ay umalis na sa exhibit ng mga painting.

Dahil sa pagdating ni Lilette ay naalis ang pagkakatitig ni Rina sa lalaking kaharap at tuluyan nang naputol ang tila sa kanila ay nabubuong kung anong koneksiyon. Mabilis ay napunta ang tingin ni Rina sa kanyang bestfriend.

. “Okay, let’s go na.”, si Rina na tila gustong magmadali sa pag-alis sa naturang lugar.

Samantala, ang lalaking nakatagpo ni Rina sa nasabing art exhibit ay walang iba kundi si Robert! Bagamat matagal nang nakalayo ay hindi parin mawala sa isip ni Robert ang pagtatagpo nilang iyon ni Rina. Para bang sa pakiwari niya ay bigla silang naging konektado ni Rina na para bang naging interesado siya dito. Para bang sa pakiwari niya ay isang malaking palaisipan ang pagtatagpo nila. Isang kabanata sa nobela na pilit hinahanapan ng karugtong. Isang episode sa paborito niyang teleserye na nais niyang alamin ang susunod na magaganap. Ito ang naging epekto ni Rina kay Robert. Para bang siya ay labis na nabitin sa kung ano sanang maaring maganap sa pagitan nila kanina. Para bang mas ninanais niya ngayon na mas makillala pa si Rina. Naging curious siya sa kalungkutan ng mga mata nito na tila sa kanya ay nagsusumamo. Nais niyang tuklasin ang kalooban ng tila napalungkot nitong damdamin.

“Ang babaeng iyon... Kakaiba siya... Interesante...”

KabetWhere stories live. Discover now