Chapter 17:

4.7K 40 0
                                    

Isang hapon ng kanilang pagde-date ay naisipan ni Robert na dalhin si Rina sa condo unit ng kaibigan niyang si Wilfredo kung saan siya madalas magtungo kapag gusto niyang magpinta. Pagdating nila dito ay nadatnan pa nilang nagpipinta si Wilfredo.

“Rob, kumusta? May kasama ka yata?”, batid at pagdaka’y usisa ni Wilfredo kay Robert.

“Nga pala, Wilfredo, nais kong ipakilala sa iyo si Rina, ang babaeng pinakamamahal ko! Rina, si Wilfredo, isang matalik na kaibigan.”, ang pagpapakilala naman ni Robert kina Rina at Wilfredo sa isa’t isa.

Kapwa nagkangitian at nagkatanguan lamang sina Rina at Wilfredo habang si Robert naman ay nagsimulang usisain ang tila bagong ipinipinta ng baklitang kaibigan.

“Mukha yatang nahihilig ka sa mga bagay na may kinalaman sa dugo ngayon, Wil! But I like it! Maganda ang pagkakapinta. Parang punung-puno ng buhay at emosyon.”, usisa at pagdaka’y pamumuri ni Robert sa bagong ipinipinta ng kaibigang baklita.

“Siguro ay dahil sa ganitong bagay ko lamang ganap na maipapabatid sa lahat ang tunay kong kalagayan at sitwasyon…”, ang bigla na nalulungkot na nasabi ni Wilfredo kay Robert.

Parang naunawaan naman ni Robert ang ibig ipakahulugan ni Wilfredo sa sinabi nito. Siya ay napapatango na lamang napatitig sa kaibigan at sa simpleng tinginan ay tila agad silang nagkaunawaan.

“So gaano na kayong katagal ni Rina, ha Rob?”, bigla naman ay pag-uusisa ni Wilfredo sa relasyon nina Robert at Rina.

“Three months and going strong!”, ang matatas ay nasagot ni Robert sa tanong ng baklitang kaibigan.

“It seems na mukhang mahal na mahal mo talaga si Rina. Tama ba ‘ko, Rob? The Rob that I have known will never even talked about how long a relationship could last or if he can even commit into a serious relationship.”, si Wilfredo na tila namamangha sa tila biglaang pagbabago ng mga pinaniniwalaan sa buhay ni Robert.

“Siguro ay talagang ganun, Wil. Siguro ay dumarating ang pagkakataon na may isang taong darating sa buhay natin at sa taong ito ay labis tayong mapapamahal ng hindi natin namamalayan at biglang-bigla…Biglang-bigla na lang ay makikita natin ang sarili natin na nagagawa ang mga bagay na hindi natin nagagawa o kayang gawin dati. Na naniniwala bigla sa mga bagay na dati para sa atin ay kahangalan lamang…”, pagpapaliwanag ni Robert kay Wilfredo.

“Well, I’m happy for you, Rob! At last you have found the love in your life…”, si Wilfredo na tila labis na naliligayahan para kay Robert.

Parang nakakaramdam naman ng kalungkutan at pagkabagabag si Rina habang naririnig ang pag-uusap ng magkaibigan. Sa isipan niya kasi ay hindi niya mapaniwalaang siya ang unang babaeng minahal talaga ng isang katulad ni Robert. Siya ay labis na nasasaktan dahil tila walang anumang kahahantungan ang unang beses ng pagsugal na ito ni Robert sa pag-ibig. Ito ay dahil siya ay hindi na malaya at pag-aari na ng iba. Lihim ay nagpupuyos sa paghihinagpis ang damdamin niya. Para bang bigla niyang naramdaman na kahit hindi sinasadya ay tila labis niyang nasasaktan ang lalaking minamahal niya. Na para bang baka kahangalan lamang talaga ang pagmamahalan nila ni Robert.

“Sorry, Robert… Sorry…”, ang naluluhang bulong ni Rina habang nakatitig kay Robert na kasalukuyang kausap ang baklitang kaibigan.

Nang lumaon ay makikita si Rina na walang anumang saplot sa katawan habang siya ay pinagmamasdan at ipinipinta ni Robert. Mapapansin na bahagyang naiilang si Rina habang pinagmamasdan siya ni Robert. Hindi kasi siya sanay na pinagmamasdan ng matagal ng kahit na sino sa kanyang kahubdan. Maging ang asawa niya kasing si Andy ay hindi siya pinagmasdan ng matagal kahit minsan habang siya ay nasa kanyang kahubdan. Para bang ito ay nakukuntento lang na makaraos sa kanilang tila walang damdaming pagtatalik at pagniniig. Isang klase ng seksuwal na aksiyon na tila dala lamang ng obligasyon na kailangang gampanan ng dalawang mag-asawa. Pero ngayon ay eto siya at tila kay tagal pinagmamasdan ng isang lalaking tatlong buwan pa lamang niya nakikilala habang siya ay nasa kanyang kahubdan. Totoong wala na siyang dapat pang itago kay Robert dahil nakita na nila pareho ang lahat-lahat sa bawat isa. Pero sadyang nakakailang parin marahil ang mapagmasdan sa gitna ng kahubdan habang wala naman kayo sa gitna ng pagniniig. Naiisip niya tuloy kung paano nga ba talaga siya nakikita ni Robert sa matagal na sandaling pagmamasid nito sa kanyang talop at walang saplot na katawan. Nagagandahan kaya ito sa napagmamasdan o nasasabing siya ay may edad na at nagsisimula nang maging kulubot ang kanyang balat? Labis na ginugulo ng ganitong mga alalahanin si Rina habang patuloy na pinagmamasdan ni Robert sa kanyang kahubdan.

Si Robert naman ay bahagyang nanginginig ang mga kamay habang pinagmamasdan at ipinipinta si Rina sa kahubdan nito. Sa pakiwari niya ay ngayon niya lamang napagmasdan ng matagal si Rina sa kahubdan nito. Batid niyang napakaganda ni Rina habang walang talop at walang saplot ang katawan. Sa gitna ng pagkahubad nito sa lahat ng bagay na puwedeng maisuot ay nakikita ni Robert ang tunay na kagandahan. Ang tunay na karikitan ng isang babae sa kawalan ng lahat sa kanya. Tila ba hindi lang sa kalibugan at kamunduhang paraan nakikita ni Robert ang talop at walang saplot na katawan ni Rina kundi isang kalayaan. Isang ganap na kalayaan ng isang babae mula sa pagkakakulong sa isang hawla at piitan na tila kumukulong sa buong pagkatao at pagkakakilanlan nito. At bago pa niya mamalayan ay bigla na lamang gumalaw ang kamay niya upang ipinta ang kanyang maituturing na pinakamagandang obra-maestra…

“Ito ang tunay na Emancipation of a Woman…”, ang naliligayahang nasasabi ni Robert habang patuloy na ipinipinta si Rina sa kahubdan nito.

KabetWhere stories live. Discover now