Chapter 29:

4.2K 31 0
                                    

Sa silid ng isang ospital ay nagising si Robert makaraan ang tila may kahabaang panahon ng pagkakatulog at pagkawala ng malay. Sa kanyang paggising ay napansin niya ang pananakit ng tila isang sugat sa may parteng dibdib niya. Pansin niya rin na tila sumasakit ang ulo niya. Bagamat gising na at may malay ay tila blangko parin ang lahat sa kanya. Para bang hindi niya maalala kung ano ba ang nangyari at siya ay napunta sa ospital. Sandali ay pumikit siya at pilit inalala ang lahat. Para bang pinipilit niyang magsink-in sa utak niya ang lahat-lahat ng mga nangyari. Bigla ay naalala niya ang huling pagkikita nila ni Rina. Nabatid niyang ito ay sa silid ng isang motel habang kapwa sila nakahiga ng patagilid at magkatitigan at kapwa luhaan. Sa gitna ng kanilang pagtititigan ay bigla niyang naalala ang biglang pagdating ng asawa nitong si Andy at walang anu-ano ay binaril sila nito. Kapwa sa dibdib sila tinamaan matapos silang barilin ni Andy at bigla na lamang ay kinuha nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido. Matapos niyang masaksihan ang pangyayaring ito ay nabalik ang paningin niya sa kanina’y katitigan at ngayo’y tila naghihingalo nang si Rina. Kapwa nila sinambit ang salita ng pagmamahal habang sila ay magkatitigan at ilang sandali pa ay parang naging blangko na ang lahat at siya ay bigla na lamang nawalan ng malay. Matapos maalala ang mga ito ay biglang napaluha si Robert at siya ay nakaramdam ng matinding pag-aalala para kay Rina.

“Rina! Rina!”, ang bigla ay nasigaw ni Robert.

Pinilit ni Robert na tumayo mula sa hinihigaan niya pero tila hindi siya makatayo at parang mas lalong sumakit ang sugat sa may parteng dibdib niya. Maya-maya pa ay biglang dumating ang mga nars sa silid na kinalalagyan niya kasama ang kanyang inang si Aling Lena.

“Anak! Ano ba ginagawa mo? Hindi ka pa puwedeng magkikilos! Sariwa pa ang sugat mo sa may dibdib! Baka kung mapaano ka!”, ang tila nag-aalalang saway ni Aling Lena sa anak.

“Sir, makabubuting mag-relax lang po kayo!”, ang tila pahayag naman ng mga nars kay Robert.

“Si Rina? Nay, si Rina? Nasaan siya? Ligtas ba siya? Nasa maayos ba siya? Please, Nay! Sumagot kayo! Nasaan si Rina?”, ang sunud-sunod ay tanong ni Robert sa ina.

Naluluha ay napatitig si Aling Lena kay Robert bago tuluyang sagutin ang mga tanong ng anak.

“Robert, nak… Wala na si Rina! Wala na siya, nak… Wala na siya…”, ang naluluha ay sagot ni Aling Lena sa tanong ng anak.

Parang hindi naman mapaniwalaan ni Robert ang narinig na sinabi ng ina. Para bang ayaw itong tanggapin ng utak niya. Para bang sa pakiwari niya ay may kung anong nagbara sa tenga niya at maging sa buong isipan niya.

“I-inay? Ano ‘yun???”, muli ay tanong ni Robert sa ina na tila ba ayaw paniwalaan ang una nitong sinabi sa kanya.

Naluluha ay tinapik-tapik ni Aling Lena ang balikat ng anak.

“Nak, wala na si Rina! Dead on arrival siya pagdating sa ospital. Wala na siya, nak! Wala na si Rina!”, si Aling Lena na diretsahan nang sinabi sa anak ang masaklap na sinapit ni Rina.

Parang bigla naman ay nakaramdam si Robert na tila gumuho ang buong mundo niya. Tila ba sa pakiwari niya ay nablangko ang lahat sa kanya. Bigla ay nakaramdam siya ng isang napakatinding kalungkutan. Isang kalungkutang nakakalunod sa sobrang tindi. Isang kalungkutang tila kayang dalhin ang sinuman sa kaibuturan ng impiyerno. Isang kalungkutan tila nakakamatay ng buong damdamin at buong pagkatao.

“Hindi! Hindi! Hindi! Hindiiiiiiii!!!!!!!! Rinaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!! Putang inaaaaaaaa!!!!!!!!!! Rinaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!! Putang ina! Putang ina! Rinaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!”, si Robert na sobra-sobra ang paghihinagpis sa pagpanaw ni Rina.

“Tama na, nak! Tama na! Makakasama sa kalagayan mo ‘yan!”, pag-awat ni Aling Lena sa ginagawang tila pagwawala ng anak.

Natigil lang ang pagwawala at paghuhurementado ni Robert nang turukan siya ng mga nars ng gamot na pampatulog at pampakalma. Habang unti-unti namang nawaawalan ng malay si Robert ang nakikita niya sa kanyang isipan ang mga masasaya nilang alaala at sandali ni Rina. Para bang nakikita niya kung paano ito isa-isang lumilipas at lumalayo sa kanya. Para bang nakikita niya sa kanyang harapan ang unti-unting pagkawala ng imahe at presensiya ni Rina habang ito ay nakangiting nakatingin sa kanya at tila ba sa kanya ay nagpapaalam.

KabetWhere stories live. Discover now