Chapter 18:

4.4K 37 0
                                    

Pagkagaling sa condo unit ni Wilfredo ay inihatid na ni Robert si Rina sa bahay nito. Tulad ng lagi nilang ginagawa, hanggang sa may gate lang ng subdivision ng tirahan nila Rina inihahatid ni Robert ang kasintahan. Ito ay upang maiwasan nila ang posibilidad na si Rina ay pagtsismisan ng mga tsismosa sa lugar nila. Nang gabi ngang ito ay hanggang dito lamang uli inihatid ni Robert si Rina.

“O paano? Dito na ‘ko? Iingat ka ha. I love you!”, pamamaalam ni Rina kay Robert.

“Sige, bukas na lang uli. I love you too!”, pamamaalam din ni Robert kay Rina.

Nag-goodnight kiss pa ang dalawa bago tuluyang maghiwalay. Sa pagpasok ni Rina sa gate ng subdivision ay tila hindi mawala ang mga ngiti sa kanyang labi. Tila ba ang saya-saya niya talaga sa naging date nila ni Robert. Mula sa gate ng subdivision ay lalakad pa siya ng halos kalahating kilometro bago tuluyang makarating sa kanilang tirahan. Sa kanyang paglalakad ay napansin niyang tila kay liliwanag ng mga bituin sa gabi. Akma sa tila napakaromantikong gabing ito para sa kanila ni Robert. Habang naglalakad din ay naiisip pa ni Rina ang ginawang pagpipinta sa kanya kanina ni Robert habang siya ay walang anumang saplot sa katawan.

“Maganda kaya ang kinalabasan ng pagpipinta sa akin ni Robert. Ay! Excited na akong makita ‘yun!”, ang nakangiting nabubulong ni Rina habang naiisip ang ginawang pagpipinta ni Robert sa kanya kanina habang siya ay walang anumang saplot sa katawan.

Maya-maya pa ay nakarating na si Rina sa kanilang tirahan. Sa pagdating niya sa kanilang tirahan ay labis siyang nagulat dahil nabatid niyang nakaparada sa paradahan ng kanilang tirahan ang oto ni Andy. Sa pakiwari niya ay dumating na marahil ang kanyang asawa. Kahapon lang kasi ay nagpaalam ito sa kanya na may business trip sa Hong Kong ng may dalawang linggo, pero ano’t naririto na ito ngayon.

“Hindi kaya natuloy ang date nila ng kalaguyo niya?”, ang tila nababahalang natanong sa sarili ni Rina matapos makita ang nakaparadang oto ni Andy sa kanilang tirahan.

Nang ganap na makapasok si Rina sa loob ng kanilang tirahan ay hindi nga siya nagkamali ng kanyang akala, dahil dito ay nakita niya si Andy na nasa sala at umiinom ng beer.

“A-andy...!”, gulat na nasabi ni Rina nang makapasok sa kanilang tirahan at sila ni Andy ay magkatinginan.

“Mukha yatang may pinuntahan ka ha! Saan ka ba galing? Medyo gabi na ha!”, puna at sita ni Andy sa asawa.

“A-e…galing lang ako sa despedida ni Lisette. Babalik na kasi siya bukas sa Amerika.”, si Rina sa tila nangangatal na tinig na may bahid ng kung anong pagkukubli.

“Ah okay. E kumusta naman ang buhay ni Lisette ngayon?”, ang natanong na lamang ni Andy kay Rina.

“Kagaya parin ng dati. Dalaga parin siya at tila ayaw ng commitment.”, kaswal na sagot ni Rina sa tanong ni Andy.

“Ha! Bakit may mga babaeng ganon? Parang puta!”, ang tila naiinis namang naging puna ni Andy sa ikinukuwento ni Rina na si Lisette.

Parang nakaramdam naman ng kung anong kaba si Rina habang sinasabi ni Andy ang ganon. Ito ay dahil sa pakiwari niya ay tila wala na rin siyang pagkakaiba kay Lisette ngayon. Tulad ni Lisette ay tila parang puta na rin siya ngayon na nakikiapid sa ibang lalaki. Pero ang kaibahan niya sa mga ibang gumagawa ng ganon ay ginagawa niya ito para sa…PAGMAMAHAL!

“Ikuha mo pa nga ako ng beer doon sa ref! May dala nga pala akong cake. Kunin mo rin sa ref at pagsaluhan natin.”, bigla naman ay pag-uutos ni Andy kay Rina.

Atubili ay kinuha ni Rina ang mga ipinapakuha sa kanya ng asawa sa ref. Mula sa kanilang may kalakihang ref ay kumuha siya ng dalawang bote ng beer at ito ay hinugasan niya sa lababo. Matapos hugasan ay iniabot niya ito sa asawa. Matapos maiabot ang beer sa asawa ay kinuha niya naman ang cake sa ref na nasa loob pa ng kahon. Matapos ilabas mula sa ref ay inilabas niya ito mula sa kahon at siya ay humiwa ng dalawang slice na inilagay niya sa dalawang maliit na platito. Dinala niya ang dalawang platitong naglalaman ng tig-isang slice ng cake sa mesa at siya ay tumabi sa asawang kasalukuyan paring umiinom ng beer.

KabetWhere stories live. Discover now