Chapter 23:

3.5K 33 0
                                    

Sa isang pribadong silid sa Makati Medical Center, makikita ang pagdating nina Robert at Rina. Dinalaw nila sa naturang silid ang matalik na kaibigan ni Robert na si Wilfredo. Kapansin-pansin ang pagbabago ng itsura ni Wilfredo kumpara dati. Makikita na tila payat na payat na siya at maputlang-maputla na ang itsura niya. Tila ba itsura ng isang taong malapit nang…MAMATAY! Napangiti pa si Wilfredo nang makita sila na para bang ito ay walang anumang karamdamang dinaramdam.

“K-kumusta, Rob?”, si Wilfredo sa nanghihina bagamat may bahid ng siglang tinig.

Nakangiti ay lumapit at yumakap si Robert sa kaibigan.

“Ayos naman! Ikaw, kumusta ka na? Tila yata anlaki ng ipinayat mo ha.”, pagbati at pag-uusisa ni Robert sa kaibigan.

“M-mukha yatang isang bulate na lamang ang kailangang pumirma ay made-dedu na ‘ko, Rob. Ganito yata talaga ang kinahahantungan ng isang tulad ko na mahilig sa kamunduhan. Marahil ay parusa ito sa mga ginawa kong pagwawala at pagpapakahayok sa laman noon.”, malungkot na pahayag ni Wilfredo sa kaibigan.

“Huwag mong sabihin ‘yan, Wil. Hindi ba napag-usapan natin na kapag kapwa lolo na tayo ay bibili tayo ng bahay sa may tabing-dagat at doon ay araw-araw tayong mangingisda habang nag-uusap ng tungkol sa naging buhay natin. Aabangan ko at aantayin ang sandaling iyon, Wil. Ang sandali ng tila ating selebrasyon matapos nating mabuhay sa pinakakabuuan na puwede tayong mabuhay dito sa mundo.”, si Robert na tila pinapalakas ang loob ng tila nawawalan na ng pag-asang mabuhay na kaibigan.

“Pero alam mo masaya ako dahil nakilala kita sa buhay kong ito, Rob. Nung una ay isa lamang pantasya ang tingin ko sa iyo. Isang pantasyang aking laging inaasam-asam. Pero nang lumaon ay naging isa kang matalik na kaibigan. Isang kaibigang puwede kong pagsabihan ng lahat-lahat. Isang kaibigang puwede kong makaramay sa bawat laban at pakikipagsapalaran ko sa buhay. Isang kaibigang nandiyan hindi lamang sa oras ng saya kundi maging sa oras ng kalungkutan at kagipitan. Salamat sa pagiging napakabuting kaibigan mo sa akin, Rob… Kung meron akong hiling para sa iyo bago kita iwanan sa mundong  ito ay ang maging maligaya ka. Ang maging maayos ang buhay mo... Paalam na, Rob… Paalam na, kaibigan…”, si Wilfredo sa tila mga huling salita niya para sa kaibigang si Robert.

Pagkasabi ni Wilfredo nito ay dahan-dahan siyang napapikit hanggang sa siya ay tuluyan nang luminsan sa mundong ibabaw. Naluluha ay pinagmasdan at niyakap ni Robert ng anong higpit ang bangkay ng baklitang kaibigan. Habang yakap-yakap ang bangkay nang kaibigan ay tila naaalala pa niya ang mga sandali ng pagsasama nila ni Wilfredo. Nagsimula ang pagsasama nila bilang kolboy at bading na customer. Para kay Robert ay isa lamang customer at gay benefactor ang turing niya noon kay Wilfredo. Pero habang tumatagal na tila mas nakikilala pa ni Robert si Wilfredo hindi lang bilang isang baklitang customer kundi bilang isang tao sa pangkabuuan nito ay tila napapamahal siya dito hindi man bilang isang mangingibig kundi bilang isang kaibigan. Nang lumaon nga ay napunta ang relasyon nila sa pagiging matalik na magkaibigan mula sa pagiging kolboy at baklitang customer. Madalas ay tumatambay si Robert sa condo unit na pag-aari ni Wilfredo hindi para magbigay ng serbisyo sa bakla kundi upang makausap ito at makakuwentuhan tungkol sa maraming mga bagay-bagay. Kung minsan ay para makasamang magpinta at gumawa ng obra. Nabatid kasi niyang pareho silang mahilig magpinta ni Wilfredo. Sa paglipas ng panahon ay tila naging malalim na talaga ang samahan nila bilang magkaibigan at dumating pa sa punto na nasasabi nila sa isa’t isa maging ang mga pinakatatago at pinakamadidilim na sikreto nila. Pero ang hindi nila nagawang masabi sa isa’t isa ay ang katotohanang si Robert ay isa lamang kabet ni Rina at ang katotohanang si Wilfredo ay may sakit na AIDS at malapit nang mamatay. At ngayong wala na nga si Wilfredo na maituturing ni Robert na pinakamatalik niyang kaibigan ay anong lungkot niya sa pagpanaw nito.

“Paalam na, kaibigan…”, ang naluluhang nasasabi na lang ni Robert habang patuloy na niyayakap ang bangkay ni Wilfredo.

Si Rina naman ay nasa likod lamang ni Robert at awang-awang hinahagod ang likod ng pinakamamahal niyang lalaki.

KabetWhere stories live. Discover now