Chapter 21:

3.8K 37 0
                                    

Nagpatuloy ang tila kakaibang set up ng relasyon nina Robert at Rina. Madalas ay tuwing gabi ang mga panakaw nilang pagtatagpo. Ito ay kung kailan natutulog na ang asawa ni Rina na si Andy. Pero nang lumaon ay nabalik din sa dating madalas na pagtatagpo ang magsing-irog. Ito ay nung malinis ang pangalan ni Andy sa pagkakadawit sa isang kaso sa kumpanya at siya ay muling mabalik sa trabaho. Sa panahong ito ay bandang tanghali na uli ang kanilang pagtatagpo. Kadalasan ay sa mga mall o di kaya ay sa mga parke. Minsan pa nga ay may mga pagkakataon na sila ay natutulog sa condo unit ni Wilfredo kung saan madalas tambay si Robert. Ito ay sa mga panahong si Andy ay nasa mga business trip kuno niya sa ibang bansa. Pero may mga araw na talagang hindi puwede si Rina. Katulad na lang nung minsang isama si Rina ng asawa niyang si Andy sa isang malaking party ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito. Ang masama lang ay saktong ng araw ding ito kailangan na kailangan ni Robert si Rina.

Nangyari ang lahat nang isang gabing umuwi si Robert sa kanilang maliit na bahay. Sa pag-uwi ni Robert sa kanilang bahay ay nakita pa niya sa may labas nito ang kanyang inang si Aling Lena na tila ba balisang-balisa habang tila hinihintay ang kanyang pag-uwi. Sa isipan niya ay natalo na naman siguro sa tong-its ang kanyang ina kung kaya ito ay tila balisa na naman.

“Nay! Bakit tila problemadong-problemado kayo?”, taka at nag-aalalang tanong ni Robert sa ina.

“Nak, kasi ang kapatid mo. Si…Lenny. Kasi kuwan…”, si Aling Lena na tila hindi alam kung paano sasabihin sa anak ang kung anong tila gusto niyang sabihin dito.

“Ano si Lenny, Nay?”, si Robert na tila mas nag-alala pa.

“Kasi kuwan si Lenny… Kuwan kasi…”, si Aling Lena na tila hindi talaga masabi ang kung anong gustong sabihin sa anak.

Dahil sa tila pagiging hirap ng ina sa kung ano ang gustong sabihin nito sa kanya na tila may kinalaman sa paborito at bunso niyang kapatid na si Lenny ay patakbong pumasok si Robert sa loob ng kanilang tirahan. Pagdating sa loob ng kanilang tirahan ay labis siyang nagulat nang makita niya ang paborito at bunsong kapatid na nakahimlay at nakayakap sa isang binatilyong tila kaedaran din nito.

“L-lenny… Anong…”, si Robert sa gulat at halos hindi makasalitang estado.

Gulat ay napatingin si Lenny sa kanyang Kuya Robert.

“Kuya Robert…”, ang nasabi lang ni Lenny habang gulat matapos makita ang kanyang Kuya Robert.

“S-sino ‘yang lalaking kasama mo, ha Lenny?”, si Robert na nangangatal ang tinig habang tinatanong ang paboritong kapatid.

Sandali ay natigilan si Lenny at tila takot na napatitig sa kanyang Kuya Robert, pero pagdaka ay naluluha siyang nagsalita habang ang mga mata ay titig na titig sa kanyang Kuya Robert na para bang dito ay may kung anong pinagsusumamo.

“K-kuya Robert… Kasi kuwan, Kuya Robert…. Kasi kuwan….”, si Lenny na tila ba may gustong sabihin sa kanyang Kuya Robert na hindi niya masasabi-sabi.

“Ano gusto mong sabihin, ha Lenny? Ano ba gusto mong sabihin sa akin? Ano? Ano???”, si Robert na tila kinukutuban na sa ikinikilos ng paboritong kapatid.

“B-buntis a-ako…K-kuya Robert…”, ang bigla ay nasabi ni Lenny sa kanyang Kuya Robert sa kabang-kaba at ngatal na ngatal na tinig.

Parang nagdilim naman bigla ang paningin at isipan ni Robert sa narinig na sinabi ng kanyang paboritong kapatid. Para bang hindi niya mapaniwalaan ang narinig. Para bang sa pakiwari niya ay may kung anong napakalakas na boltahe ng kuryente ang tumama sa kanya.

“A-ano???”, si Robert na muling tinanong ang paboritong kapatid.

“B-buntis ako…Kuya Robert… B-buntis ako at ang nobyo ko ang ama…!”, pag-uulit ni Lenny ng ipinahayag niya kanina sa kanyang Kuya Robert.

Sandali ay naluluhang napaluhod sa sahig si Robert at sa kanyang pagkakaluhod sa sahig ay inilugmok niya dito ang kanyang mukha. Maririnig ang mahina pero tila napakamakabagbag-damdamin niyang pagtangis.

“K-kuya Robert…”, ang tila nag-aalalang nasabi ni Lenny matapos makita ang Kuya Robert niya sa ganitong estado.

Pero nagulat ang lahat nang sa muling pagtayo ni Robert mula sa pagkakaluhod at pagkakalugmok ay bigla niyang sinugod at pinagsusuntok ang kasamang lalaki ng kanyang paboritong kapatid.

“Putang ina mo! Putang ina mo! Putang ina mo! Sinira mo buhay ng kapatid ko! Putang ina mo!”, ang galit na galit na sigaw ni Robert habang pinagsususuntok ang lalaking kasama ni Lenny.

“Tama na po! Tama na po! Tama na po!”, pagmamakaawang sabi naman kay Robert ng lalaking kasama ni Lenny habang ito ay patuloy niyang pinagsususuntok.

Nang mapansin na tila hindi na titigil ang kanyang Kuya Robert sa ginagawang pambubugbog sa kanyang nobyo ay nakialam na si Lenny. Pasigaw ay sinaway niya ang kanyang Kuya Robert sa ginagawa nito sa kanyang nobyo.

“Tama na ‘yan, Kuya Robert! Tama na! Tama naaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!”, ang kay lakas na sigaw ni Lenny habang sinasaway ang kanyang Kuya Robert sa ginagawa nitong pambubugbog sa kanyang nobyo.

Agad namang natigil si Robert sa ginagawang pambubugbog sa nobyo ng paboritong kapatid na si Lenny. Tapos ay nagsalitan sa paboritong kapatid niyang si Lenny at sa nobyo nito ang kanyang kay samang mga pagtitig.

“Magmula sa araw na ito ay kalimutan mong may kuya ka at ako rin ay kakalimutan kong may kapatid ako! Magkanya-kanya na tayo mula ngayon! Sige! Lumayas ka na! Sumama ka na diyan sa gagong lalaki mo! Layas! Layas!”, ang galit na galit ay pagpapalayas ni Robert sa dati’y paborito niyang kapatid.

“Kuya Robert…Sorry…”, ang naluluha ay paghingi ng paumanhin ni Lenny sa kanyang Kuya Robert.

Pagkasabi ni Lenny nito ay umalis na siya sa kanilang tirahan kasama ang nobyo. Si Robert naman ng makaalis ang paboritong kapatid ay hindi maapula sa pagwawala. Sa galit niyang nararamdaman ay pinagwawasak niya pati ang mga bulok-bulok nang sala set nila sa bahay.

“Putang ina! Putang ina! Putang ina! Bakit ganito kasaklap ang buhay para sa amin? Putang ina! Putang inaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”, si Robert sa kanyang tila kay tinding pagwawala.

Upang maibsan ang kanyang tila napakatinding kalungkutang nadarama bunsod ng pagkabigo sa paborito at bunso niyang kapatid na inaasahan niyang siyang magkakaroon ng magandang buhay sa kanilang lahat ay naisipan niyang tawagan si Rina sa landline nito sa bahay upang makipagkita dito. Pero sa pagtawag niya sa landline number ni Rina sa bahay ay tila walang sumasagot. Kung kaya naisipan niyang ang cellphone naman ni Rina ang tawagan. Nito lang kasi ay binigyan niya ng cellphone si Rina bilang paraan ng kanilang komunikasyon kapag gusto nilang magtagpo. Nang gabi ngang ito ay tinawagan niya ang cellphone ni Rina. Makaraan ang tatlong ring ay sumasagot ito.

“Hello?”, tanong ni Rina na nasa kabilang linya.

“Hello, Rina… Si Robet ito… Puwede ba tayong magkita? Please naman, Rina! Kahit sandali lang… Please! Kailangan ko lang ng makakaramay ngayon…”, si Robert sa basag na basag at tila desperadong-desperadong tinig.

“Pasensiya ka na, Robert. Nandito ako sa party ng kumpanya ni Andy e. Hindi ako basta-basta makakaalis dito. Sa ibang araw na lang siguro tayo magkita. Pasensiya na talaga.”, si Rina na halos maluha habang humihingi ng paumanhin kay Robert dahil hindi siya maaring makipagkita dito.

“Ayos lang. Naiintindihan ko. Sige. Next time na lang…”, si Robert na tila basag na basag talaga ang tinig.

May sasabihin pa sana sa kanya si Rina pero pinutol na niya ang tawag at siya ay napahagulhol na lang ng pag-iyak sa isang sulok…

KabetWhere stories live. Discover now