Chapter 24:

3.5K 34 0
                                    

Sa isang bar sa Timog, makikita si Andy na mag-isang umiinom dito at tila  balisang-balisa ang itsura.

“Pesteng babae ‘yun! Pinerahan lang ako!”, ang naiinis na nasasabi ni Andy habang umiinom.

Sa gitna ng pag-inom ni Andy sa naturang bar ay bigla siyang napatingin sa isang may kaedaran nang lalaki sa hindi kalayuan na tulad niya ay tila mag-isa ring naglalasing.

“Mukha yatang brokenhearted din ang isang iyon ha!”, ang nasabi sa sarili ni Andy matapos mapatingin sa may kaedaran nang lalaki.

Nang mabato sa kanyang pag-iisa ay naisipan ni Andy na lapitan ang may kaedaran nang lalaki upang dito ay maki-join siya sa pag-inom.

“Puwede po bang tumabi sa inyo?”, tanong ni Andy sa may kaedaran nang lalaki.

“Suit yourself.”, ang nasabi lang ng may kaedaran nang lalaki kay Andy.

Marahan ay umupo si Andy sa tabi ng may kaedaran nang lalaki at siya ay nagsimulang umorder ng panibagong inumin. Isang shot ng Remy Martin Cognac ang inorder ni Andy na inumin sa waiter. Isang inumin na madalas niyang iniinom kapag siya ay nasa mga bar. Makikita ang pagkangiwi ng mukha ni Andy matapos lumagok sa inuming iniinom.

“Matapang talaga ang inuming ito. Bagay sa tulad nating naglalasing at marahil ay nagpapatay ng anumang kalungkutan.”, ang bigla ay nasabi ni Andy sa may kaedaran nang lalaki.

“Pero wala marahil alak o alkohol na makakapatay sa isang napakatinding kalungkutan. Katulad na lamang ng kalungkutang gabi-gabi kong nararamdaman may ilang taon na rin ang nakakaraan.”, ang nasabi naman kay Andy ng may kaedaran nang lalaki.

“E ano po ba ang kalungkutang iyon?”, ang tila puno ng interes na tanong ni Andy sa may kaedaran nang lalaki.

“Naranasan mo na bang maiwanan ng asawa?”, tugon at ganting tanong naman ng lalaking may kaedaran na kay Andy.

Parang napaisip naman si Andy sa tanong na ito ng may kaedaran nang lalaki. Para bang bigla ay naisip niya si Rina at siya ay napapangiti pa nga sa isiping siya ay posibleng iwan ng butihin niyang asawa. Batid niya kasi na si Rina ang isang klase ng asawa na tila masyadong dependent sa kanya.

“E hindi pa po e. Bakit niyo naman po natanong ang ganon?”, tugon at pagdaka’y siya namang tanong ni Andy sa may kaedaran nang lalaki.

“Dahil naranasan ko na iyon may ilang taon na ang nakakaraan. Nung una ay hindi pa ako makapaniwala na mangyayari sa akin ang ganon. Sa isipan ko ay masyadong martir ang asawa ko para maisipan niyang ako ay iwanan. Sa una palang ay hindi na naging maganda ang pagtrato ko sa kanya. Palibhasa ay ang pagiging isang maybahay lamang ang alam niyang gawin ay naging masyadong mababa ang tingin ko sa kanya. Mas nakikita ko siya bilang isang alila na walang sawa at walang reklamong magsisilbi sa akin kesa sa isang asawa na makakasama ko sa buhay. Sa araw-araw ng pagsasama namin ay wala akong ginawa kundi bulyawan siya sa bawat pagkakamaling nagagawa niya. Palagi ko rin siyang binabawalan na lumabas kapag sa tingin ko ay hindi naman ganung kaimportante ang pupuntahan niya. Para bang masyado kong ginawang nakakabato ang buhay niya bilang asawa ko. Labis akong naliligayahan sa isiping may asawa ako na laging nandiyan upang sa akin ay magsilbi na siyang nakakapagpataas sa ego ko bilang isang lalaki. Pero ang hindi ko inaakala ay darating pala ang sandali at panahon na siya ay magsasawa sa pagiging tila walang kuwenta kong asawa sa kanya. Na siya ay maghahanap pala ng ibang lalaking makakapagbigay sa kanya ng tila kaligayahang hindi niya makita at mahanap sa pakikisama sa akin. At isang araw nga na umuwi ako ay hindi ko na siya nadatnan pa sa aming bahay. Ang tanging nadatnan at nakita ko na lamang ay ang kanyang sulat para sa akin na humihingi ng patawad dahil iiwan na raw niya ako upang sumama sa ibang lalaki. Halos mabaliw ako matapos kong mabasa ang kanyang sulat at matapos kong malaman ang katotohanang ako pala ay iniwan na ng asawa kong dati ay inaakala ko ay buong buhay na magpapakaalila at magpapakamartir para sa akin. Pero ang talagang masakit ay katotohanang tila ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na maging mabuting asawa sa kanya. Tila ba puro pasakit na lamang ang idinulot ko sa kanya. At ang bagay na iyon ang labis kong pinagsisisihan. Alam mo bang ngayon ang ikasampung taong anibersaryo ng pag-iwan niya sa akin? Sampung taon na rin akong laging parang miserable at walang ibang alam gawin kundi ang maglasing.”, pagkukuwento ng may kaedaran nang lalaki kay Andy na bigla pang napaluha matapos ang ginawang pagkukuwento.

Awang-awa naman si Andy na hinagod-hagod ang likod ng may kaedaran nang lalaki habang ito ay lumuluha. Habang nakikita niya ang paghihinagpis ng may kaedaran nang lalaki ay tila ba bigla niyang naiisip ang buong pagsasama nila ni Rina. Para bang bigla niyang nakita ng malinaw kung gaano at paano siya naging masamang asawa kay Rina. Nabatid niya na tulad ng may kaedarang lalaki ay tila parang alila din ang turing niya kay Rina. Isang alilang ang tanging papel sa buhay niya ay tagasilbi at kanyang bulayawan kapag mainit ang kanyang ulo. Bigla ay tila nakakaramdam siya ng kakaibang kalungkutan habang sumasaisip niya kung gaano at paano nasasaktan si Rina sa mga ginagawa niya dito. Para bang bigla niyang naramdaman ang damdaming nasasaktan ni Rina sa tuwing ito ay sasaktan niya. At hindi namamalayan ni Andy na tumutulo na pala ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

“Rina…”, ang naluluhang bulong ni Andy.

Sa hindi naman kalayuan sa kinalalagyan ni Andy at ng may kaedaran nang lalaki ay makikita sina Robert at Rina na magkasamang umiinom sa isang tila tagong mesa.

“Malapit na pala ang ikaanim na monsary natin, Rina. Kay bilis nang panahon! Hindi natin kapwa namamalayan na may anim na buwan na pala ang ating kakaibang relasyong ito. Ang ating napakainit at napakawagas na pagmamahalan.”, ang tila naliligayahang nasasabi ni Robert matapos mabatid ang nalalapit nilang ika-anim na monsary ng pinakamamahal na si Rina.

“Oo nga, Robert! Kay sarap isiping ganun na tayo katagal. Ako man ay hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon sa ating pagitan. Dahil siguro ang bawat sandali ng ating pagsasama ay punung-puno ng excitement na hindi na natin kapwa maiisip pa ang paglipas ng panahon o na may panahon pang nananalaytay.”, si Rina na labis ding naliligayahan sa isiping sila ni Robert ay anim na buwan na.

“Pero sana ay hindi lang anim na buwan ang itagal natin, Rina. Sana ay higit pa doon. Sana ay maraming taon pa. O sana… Sana… Walang hanggan na lang…”, si Robert na nagsimula na namang maging nostaldyika at maging mapangarap para sa kanila ni Rina.

“Sana nga, Robert… Sana nga…”, si Rina na bagamat masaya ang mukha ay tila kay lungkot ng tinig.

KabetWhere stories live. Discover now