Chapter 8:

9.7K 72 0
                                    

Dahil hindi uuwi si Andy sa bahay ng gabing iyon ay naisipan ni Rina na sumama kay Lilette sa pupuntahan nitong ballroom dancing sa may Ballroom Hall sa Quezon City Memorial Circle. Dito ay sumayaw ng ballroom si Lilette kapareha ang isang guwapo at machong lalaki sa temang “Salsa”. Batid ni Rina na seksing-seksi parin ang bestfriend after all these years. Malobong-malobo parin ang puwitan nito at tayong-tayo parin ang mga dibdib. Naayon sa uso ang suot nitong damit na bagamat seksi ay hindi naman gaanong malaswa tignan. Todo pa ang kapit at pagtitig ni Lilette sa kaparehang lalaki. Tila ba sa bawat pagtitig niya sa kaparehang lalaki ay may ipinapahiwatig ang mga mata niya sa kapareha. Hanggang sa nakita na lang ni Rina na tila may kung anong ibinulong si Lilette sa kaparehang lalaki na agad namang inayunan nito at saglit pa ay makikita na lang magkasamang umalis si Lilette at ang kaparehang lalaki habang kumikindat pa ito sa kanya.

“Ang babae talagang iyon!”, ang naiinis na nabubulong ni Rina habang nakikita ang paglalakad paalis ni Lilette kasama ang kaparehang lalaki.

Sa hindi naman kalayuan sa kinalalagyan ni Rina ay makikita si Robert sa naturang lugar na tila naghihintay ng customer na makakapareha. Sa gitna ng kanyang paghihintay ng customer ay tila naiisip niya ang tungkol sa kakaibang engkuwentro at pagkikita nila kanina ni Rina.

“Ha! Bakit ba hindi ko malimutan ang babaeng iyon? Para bang tumatatak sa isip ko ang mga mata niyang kay lulungkot na tila ba sumasalamin sa damdamin niyang naghahanap at nangungulila… Bakit parang inaasam-asam ko ngayon na siya ay makita kong muli?”, si Robert na tila patuloy na naiisip si Rina.

Sa gitna ng pag-iisip na ito ni Robert kay Rina ay hindi sinasadyang siya ay mapatingin sa lugar na kinalalagyan ni Rina at siya ay labis na nagulat at hindi makapaniwala. Dahil dito ay nakita niya ang babaeng iniisip. Napapapikit at napapadilat pa siya habang patuloy na nakatingin kay Rina. Tila ba pilit kinukumpirma sa sarili kung tunay ba ang nakikita niya o siya ay namamalikmata lamang.

“Nandito siya! Pero ano ang ginagawa niya sa ganitong lugar?”, si Robert na puno ng pagkasabik habang nakikita si Rina

At bigla ay nagtungo si Robert sa lugar na kinalalagyan ni Rina.

Si Rina sa tagpong ito ay tila naiinip na at nababato dahil sa pag-iwan sa kanyang mag-isa sa naturang lugar ng bestfriend na si Lilette. Sa pagkainip at pagkabatong nararamdaman ay naiisip niyang umalis na sa naturang lugar, pero nang magsisimula na niyang ihakbang ang mga paa niya paalis ay biglang dumating ang isang pamilyar na lalaki. Isang pamilyar na lalaki na pareho ng lalaking nakita niya kanina sa art exhibit ng Mega Trade Hall sa SM Megamall.

“Maari ka bang maisayaw?”, tanong ni Robert kay Rina habang nakangiti ng anong tamis.

“A-e kuwan…”, si Rina na tila hindi naman alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Robert.

Pero bago pa niya mamalayan ay naakay na siya ni Robert papunta sa dance floor kung saan kasalukuyang nagsasayaw ang mga matrona kapareha ang mga guwapo at machong lalaki. Saktong pagdating nila sa dance floor ay tinugtog ang kantang “Ngayon, Bukas, Kahapon” nina Wency Cornejo at Rachel Alejandro. Sinayaw nila ang kantang ito sa temang “Sweet” kung saan ay magkaakbay sila habang sumasayaw na parang lumulutang sa alapaap ang mga katawan. Habang magkasayaw ay kapwa hindi mawala sa paningin nila ang isa’t isa. Tinitignan nilang maigi ang mga mata ng isa’t isa at dito ay tila nakikita nila ang mga damdamin nilang nagkabigkis bigla sa una palang nilang pagkikita. Muli ay tila nawala si Rina sa tila nakakahipnostismong mga mata ni Robert at si Robert naman ay tila nawala ring muli sa kay lulungkot na mga mata ni Rina. Tila muli ay nasalamin ni Robert sa malulungkot na mga mata ni Rina ang pangungulila at paghahanap nito. At bago pa nila mamalayan ay tila unti-unti na namang nagkakalapit ang mga mukha at labi nila. Tulad ng isang maromantikong eksena sa pelikula na may kissing scene sa pagitan ng bidang lalaki at bidang babae. Tila ba sila ay napipinto na ring magkahalikan. Pero bago pa sila magkahalikan ay tila naalimpungatan si Rina at bigla ay inilayo niya ang nakalapit na niyang mukha sa mukha ni Robert at siya ay mabilis ring kumalas mula sa pagkakaakbay nito bago siya tuluyang tumakbo palayo at paalis sa kinalalagyan nilang lugar.

Nang makalayo-layo si Rina sa lugar na kinalalagyan nila ni Robert ay nakita niya ang sarili niya na nakasandal sa isa sa mga naglalakihang puno sa tila isang parte ng Quezon City Memorial Circle na mapuno. Habang nakasandal sa naturang puno ay tila naghahabol siya ng paghinga.

“Ano ba ang nangyari sa akin? Konti na lang ay muntik na kaming…”, si Rina napapatakip pa ng bibig habang naiisip ang kung anong muntik nang maganap sa pagitan nila ni Robert.

Si Robert naman na naiwan sa Ballroom Hall ay napapailing habang nakatitig sa kesame.

“That was close! Pero ano kaya ang problema ng babaeng iyon at bigla na lang siyang umiwas at tumakbo palayo sa akin? Ayaw kaya niya sa akin o may iba pang dahilan?”, si Robert na tila labis na napapaisip sa ginawang pag-iwas at pagtakbo ni Rina palayo sa kanya.

At bago pa mamalayan ni Robert ay may palapit na sa kanyang isa na namang matronang customer na tila naghahangad na naman ng kanyang service deluxe na serbisyo.

KabetWhere stories live. Discover now