Chapter 1:

25.2K 143 2
                                    

Sa isang kuwarto sa motel ay makikitang nanalamin ang isang guwapo at kaakit na binata na nagngangalang Robert. Habang nanalamin ay tila tuwang-tuwang si Robert sa nakikita niya sa salamin.

“Ang guwapo mo talaga! Kaya naman bentang-benta ka sa mga matrona!”, bulong ni Robert habang pangiti-ngiting nanalamin.

Ilang sandali pa ng pananalamin ni Robert ay biglang may kung sinong yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Ito ay ang tila customer niyang matrona na si Mrs. Golez. Mapapansing ngingiti-ngiti pa si Mrs. Golez habang nakayakap at pinagmamasdan ang guwapong mukha ni Robert.

“Ang guwapo mo talaga, Papa! I really enjoy my time with you!”, wika ni Mrs. Golez kay Robert habang hinihimas-himas pa ang mga mauumbok nitong dibdib.

Makaraan ang ilang sandali ay makikita ang magkahiwalay na paglabas nina Robert at Mrs. Golez sa isang pamosong motel sa Sta. Mesa. Nagkawayan pa sila bago ganap na maghiwalay. Nang tuluyang mawala sa paningin niya ang customer na matrona ay makikita si Robet na pangiti-ngiti habang binibilang ang may sampung tig-iisang libong hawak-hawak niya.

“Kahit paano ay galante rin pala ang matronang iyon! Sapat na ‘to para sa panggastos namin sa isang linggo at pandagdag para sa tuition ni Lenny.”, ang nasasabi ni Robert habang ngingiti-ngiting binibilang ang sampung tig-iisang libong hawak-hawak niya.

Mula sa motel sa Sta. Mesa ay sumakay siya ng dyip na biyaheng Pasig-Quiapo. Ito ay upang umuwi na sa tirahan niya sa may Pineda, Pasig. Habang nasa dyip ay nakatulog pa siya dala ng tila kakulangan ng tulog nung nakaraang gabi dahil sa tila kakaiba niyang trabaho. Nang maalimpungatan siya ay saktong nasa Pineda na ang dyip na sinasakyan niya. Mabilis ay bumaba siya sa dyip at mula sa binabaan niya ay naglakad pa siya ng halos isang kilometro bago tuluyang makarating sa parte ng Pineda kung saan ay tabing ilog. Habang naglalakad siya sa tabing ilog kung saan ay isa doon ang kanilang tinitirahan ay napapailing siya. Tila ba bigla niyang naaaninaw ang kasaklapan ng buhay na meron siya.

“Palagi na lang bang ganito? Uuwi ako sa isang mabaho at maliit na tirahan. Makikita ang mga nakakasuklam na tambay. Maamoy ang alingasaw ng kay baho at kay duming ilog. Maririnig ang pag-aaway ng mga mag-asawa naming kapitbahay na kundi ginugulpi ni mister si misis ay si misis ang naghahabol ng itak sa nambababaeng mister. Nagkalat sa paligid ang mga anak nilang tila ni hindi na nila nabibigyang pansin dahil sa dami. Nagtatakbuhan at pagala-gala sa kalye na ni wala man lang saplot sa katawan. Nakakasawa na ang ganitong lugar! Kung mayaman lang sana ako. Kung may matrona lang sana na magbabahay sa akin…”, si Robert na tila labis na naiinis sa paligid na nagigisnan niya.

Maya-maya pa ay nakarating na si Robert sa kanyang maliit na tahanan na tila pinagtagpi-tagpi lang mga yero at karton. Sapat ang tirahang ito para sa pang-isang tao pero lima silang magkakasukob dito. Sa labasan pa lamang ng kanilang bahay ay mabubungaran kaagad ang kanyang inang si Aling Lena na tila abalang-abala na namang nakikipaglaro ng tong-its sa mga katropa nito.

“Robert, nak! Baka may konti kang pera diyan? Olats na kasi ako dito e. Kahit limang daan lang.”, ang tila panghihingi ni Aling Lena ng pera kay Robert.

Napapailing ay binunot ni Robert ang pitaka niya mula sa parteng likurang bulsa ng pantalon niya. Mula sa pitaka niya ay kumuha siya ng limang daan at ito ay iniabot sa nanghihingi niyang nanay.

“Eto po. Pagkasyahin niyo po sana ‘yan. Ang iba po kasi ay para sa panggastos na natin dito at pandagdag sa pang-tuition ni Lenny.”, wika ni Robert na may bahid ng pagkainis habang iniaabot sa nanay ang limang daang pisong kinuha niya mula sa kanyang pitaka.

“Hayaan mo, nak! Pag nanalo ako ay ibabalik ko sa iyo ito at may dagdag pa!”, ang tila pagpapalubag ng loob na wika ni Aling Lena sa anak.

Matapos tila makikikilan ng sugarol na ina ay pumasok na si Robert sa kanilang maliit na tirahan. Pagpasok niya sa loob ng kanyang bahay ay nagisnan niya ditong natutulog ang kuya niyang si Wacky na tila lasing na lasing na naman at langong-lango na naman sa alak. Napailing na lamang siya habang nakikita ang nakatatandang kapatid sa ganong estado. Di naman kalayuan sa kinalalagyan ng kuya niyang si Wacky ay naroon ang asawa nitong si Elsie na nasa isang sulok lamang at umiiyak at tila puro pasa na naman ang mukha. Awang-awa ay nilapitan niya ang luhaan at pasaang hipag.

“O Ate Elsie! Ano nangyari sa iyo?”, tanong ni Robert sa hipag sa nag-aalalang tinig.

Nagpapahid ng luha ay nagsalita si Elsie.

“May bago pa ba? Edi inumbag na naman ako ng gago mong kuya! Para tinatanong ko lang naman siya kung saan siya naglagi buong magdamag e. Tapos ginanyan pa niya ‘ko! Demonyo talaga ‘yang kuya mo!”, tugon at pagkukuwento ni Elsie sa bayaw sa tonong tila nangangalit.

Nalulungkot namang tinapik-tapik ni Robert ang balikat ng hipag.

“E pagpasensiyahan mo na si Kuya Wacky. Baka marami lang masyadong pinoproblema lalo na’t malapit na kayong magkaanak.”, ang tila pagpapakalma ni Robert sa hipag.

Naluluha naman ay napayakap si Elsie sa bayaw.

“Kung meron lang sana akong ibang mapupuntahan ay hindi ako magtitiyaga sa demonyong iyan!”, ang tila hinaing ni Elsie sa bayaw sa humahagulhol na tinig.

Tila naiirita namang napatingin sa kesame si Robert.

“Ay bakit ba ang drama ng mga tao dito?”, bulong ni Robert habang naiiritang nakatitig sa kesame.

Matapos makinig sa drama ng hipag ay pumasok na si Robert sa isang maliit na kuwarto sa kanilang bahay na tila nagsisilbi niyang tulugan. Pagdating niya sa kuwarto ay nadatnan niyang nag-aayos at gayak na gayak ang nakababata niyang kapatid na si Rommel.

“O Kuya Robert! Nandiyan ka na pala!”, bati ni Rommel sa kuya.

“Mukhang may lakad ka ha! Saan ba punta mo?”, usisa ni Robert sa kapatid.

“Diyan lang sa tabi-tabi, Kuya Robert. Sasamahan ko lang sila Terry sa panliligaw sa pinopormahan niyang babae doon sa may Banaag.”, tugon ni Rommel sa kuya.

“Ikaw nga tigil-tigilan mo ang pagsama-sama diyan kila Terry! Kilalang adik-adik ang ungas na ‘yon dito. Baka mamaya malaman ko na lang adik ka na rin!”, ang tila pangangaral naman ni Robert sa kapatid.

“Dehins, Kuya Robert! Good boy yata to its!”, wika ni Rommel sa kuya sa salitang pa-jeproks.

“O tignan mo pati yang mga salita mo pang-kalye na rin!”, sita ni Robert sa pagsasalita ng kapatid ng tila mga salitang pangkalye.

“Dehins mo na ako punahin sa ganito kong salita, Kuya Robert! Eto ang IN ngayon! Okay?”, si Rommel na tila hindi pinapakinggan ang sinasabi ng kanyang kuya.

Maya-maya pa umalis na si Rommel habang si Robert naman ay naiiritang napahiga sa isang langitngiting papag. Habang nakahiga ay tila naiisip niyang muli ang kasaklapan ng buhay na meron siya.

“Ay bakit ba ganito ang buhay ko?”, bulong ni Robert habang nakahiga at tila naiirita.

Maya-maya pa ay nakatulog na si Robert sa kanyang pagkakahiga baon ang mga hinaing niya sa tila kay hirap at kay saklap niyang buhay.

KabetWhere stories live. Discover now