Chapter 15:

5.8K 49 0
                                    

Sa ikalawang pagkakataon ay damang-dama na naman nila ang isa’t isa habang ang mga katawan nila ay magkaniig at magkaulayaw. Habang tangan-tangan ang kahudan ng isa’t isa at hinehele sa kanilang kandungan ang kanilang mga talop na katawan. Nakikita at nadarama ang kanilang mga kaluluwa at tunay na niloloob. Buong-buo nilang nakikita sa kanilang kahubdan ang kanilang mga tunay na sarili. Mga tunay nilang pagnanasa, mga takot, mga pangamba at ang kanilang tila pag-iiibigang sadyang mali sa bawat aspeto at pamantayan ng moralidad. Pero sa kabila ng pagiging mali at imoral ng pag-iibigan nilang ito ay anong tamis, anong sarap at anong ligaya nilang pinagsasaluhan na para bang wala nang bukas. Na para bang silang dalawa lamang ang tao sa mundong ito. Dalawang taong nagkakaintindihan kahit pa hindi sila maintindihan ng lahat at ng buong sangkatauhan. Dalawang katawan, dalawang kaluluwa at dalawang pusong nagkakaunawaan sa kabila ng hindi nila katanggap-tanggap nilang pag-uugnayan at relasyon sa isa’t isa. Sa buong kalaswaan at kalibugan ng gabi ay walang ibang maririnig kundi ang mga ungol nila ng kasarapan hindi lamang dahil sa kanilang ginagawa kundi dahil sa kalayaang nadarama nila habang kapiling at katalik ang isa’t isa. Ayaw muna nilang isipan ang lahat at ang tanging gusto laman nilang isipin ay ang nasa pagitan nila. Isang pag-ibig. Isang romansa. Isang ugnayang sadyang kay tamis kahit paano makita ng lahat bilang kasuklam-suklam na bagay…

Matapos ang napakasarap at napakasayang sandaling ito ay kapwa nagyakap ng mahigpit na mahigpit sina Robert at Rina na para bang ayaw nilang magkahiwalay pa ang kanilang mga katawan mula sa pagiging isa nito.

“Masaya ka ba, Rina?”, masayang tanong ng hinihingal pang si Robert kay Rina.

“Masayang-masaya, Robert. Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa buong buhay ko. Ngayon lang ako naging ganito katotoo sa sarili ko at sa iba…”, masaya ring tugon ni Rina.

“Ako rin, Rina! Napakasaya ko! Ngayon lang ako nakipagniig ng may halong sobra-sobrang pagmamahal. Ngayon lang din ako naging ganap na totoo sa sarili ko at sa tawag ng pag-ibig sa buhay ko… I love you, Rina... I love you so much…!”, si Robert na tila talagang masayang-masaya ng mga sandaling ito.

Parang nailang naman si Rina sa sinasabing ito ni Robert sa kanya. Mula sa pakikipagyakapan kay Robert  ay tila bigla siyang napakalas.

“Huwag, Robert! May asawa ako! Kahit paano pa natin tignan ay hindi puwede ito!”, si Rina na tila naiilang sa paghahayag sa kanya ng pagmamahal ni Robert.

“Pero hindi mo naman kailangang iwan ang asawa mo, Rina! Ang gusto ko lang! Ang tanging gusto ko lang ay maging ganito tayo kahit lang…Kahit lang sa mga nakaw na…SANDALI…!”, si Robert na tila nagsusumamo talaga kay Rina na pagbigyan ang kanilang tila bawal na pagmamahalan.

“Pero unfair ‘yun sa iyo, Robert! Alam kong masakit pakinggan at maling sabihin, pero ikaw ay tila magiging parang…KABET lamang kapag ipinagpatuloy natin ito! Gusto mo ba ‘yun?! Na pangalawa ka lamang? Na may kahati ka lagi sa pagmamahal ko at atensiyon?”, si Rina na tila hindi pa talaga handang hagkan ang isang bawal na uri ng pag-iibigan.

“Ano ba ang fair at ano ang unfair? Masasabi mo bang unfair ang isang bagay na ginusto rin at ninais ng isang tao? Masasabi mo bang fair kung pipiliin mong magpakalayo sa akin gayung alam mong ang katumbas nito ay labis na pagkawasak ng aking puso? Nang magdesisyon akong mahalin ka kahit na alam kong may nagmamay-ari na sa iyo ay natanggap ko na rin sa sarili na ako ay magiging…KABET mo lang. Pero hindi na mahalaga pa sa akin kung paano ako tawagin at makilala ng mapanghusgang lipunang ito. Na husgahan ako at duraan ng lahat dahil sa pagiging ganito ko sa buhay mo. Na lagi na lamang akong pangalawa at may kahati sa buong pagmamahal mo at atensiyon. Dahil ang tanging mahalaga lang sa akin ay makapiling ka at makasalo sa bawat sandali na tila ba tayo ay naglalakbay sa pantasya. Nagpapanggap na kahit na sa ilusyon lang ay maaring mabigyang katuparan ang ating maling pag-iibigan. Kahit ganon lang, Rina... Please, Rina! Huwag mong sabihing wala nang kasunod ang gabing ito! Huwag mong sabihing hanggang dito na lang ang lahat sa atin! Dahil alam kong mas higit pa sa kalibugan at kamunduhan ang nararamdaman natin sa isa’t isa. Mas higit pa sa pagiging bawal na pag-ibig ang pag-ibig natin para sa isa’t isa….”, si Robert na naluluha pa habang patuloy na nagsusumamo kay Rina bigyang pagkakataon ang bawal at mali nilang pag-iibigan.

Parang labis namang naantig si Rina sa mga sinabing ito ni Robert. Para bang tumutusok sa puso niya ang bawat salitang sinasambit sa kanya ni Robert. Para bang siya rin ay naramdaman niya kung gaano na siya ka-attached sa lalaking ito na dalawang beses na niyang nakalaro ng apoy. Sa lalaking ito na tila nagpakita sa kanya ng tunay na kaligayahan at kagandahan ng buhay kahit pa sa makamundong paraan. Sa lalaking ito na nagdala sa kanya sa pantasya at iluyson ng tunay at wagas na pag-ibig. At bago pa mamalayan ni Rina ay naluluha na siya ng walang patid habang hinahaplos-haplos ang guwapo at kaakit-akit na mukha ni Robert. Sinasambit sa lalaking ito ang salitang…”I LOVE YOU”

KabetWhere stories live. Discover now