Chapter 26:

3.7K 33 0
                                    

Sabi nila kahit gaano pa raw kaganda ang isang bagay ay dumarating din ito sa pagtatapos. Tulad ng isang librong pinanabikan mong basahin pero darating ka rin sa huling kabanata nito kahit gaano ka pa nasabik at nag-enjoy sa pagbabasa nito. Tulad ng inaabang-abangan mong teleserye na sadyang dumarating ang last episode kahit gaano pa ito nakakasabik. At tulad ng mga magagandang pelikula na gaano man kaganda at ka-epic ay meron paring ending. Kapwa ayaw isipin nina Robert at Rina na may pagtatapos din ang kanilang tunay at wagas na pag-iibigan bagamat ito ay bawal at sadyang mali sa mata ng lahat. Kapwa nila ito ayaw bitiwan, pero sadya sigurong hindi maaring magtagal ang isang relasyon at ugnayang bawal at mali. Sa gabing ito na sila ay masayang nagde-date ay tila ba bigla na lamang aalingawngaw mula sa kung saan ay kay lungkot na himig ng pagtatapos at pamamaalam.

Umaga pa lamang ay pinuntahan na nina Robert at Rina ang mga lugar na madalas nilang puntahan kapag nagde-date sila. Sa bawat lugar na pinupuntahan nila ay tila ba nagpapakasaya talaga sila. Naglalaro sila at naghahabulan na parang mga bata habang nasa mahabang field ng Quirino Grand Stand. Kapwa sila naaliw at namangha habang pinagmamasdan ang iba’t ibang mga naka-display na planetang gawa sa Styrofoam at metal sa Planetarium. Lalo na nang manood sila sa mini-cinema dito na parang nasa spaceship talaga ang pakiramdam dahil sa paggalaw-galaw ng mga upuan dito. Sa simpleng pagkain lang sa mga carinderia sa paligid ng Luneta ay tila masayang-masaya na sila habang sila ay nagsusubuan at paminsan-minsang nagkakatawanan. Nang humapon na ay nagtungo sila sa may baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard upang dito ay pagmasdan ang napakagandang paglubog ng araw. Habang kapwa nila pinagmamasdan ang papalubog na araw ay mapapansing tila napakalungkot ng itsura ni Rina. Bagay na agad namang napansin ni Robert.

“Mukha yatang malungkot ka. May dinaramdam ka ba?”, nag-aalalang pag-uusisa ni Robert kay Rina.

“Ha-e wala naman. May kung ano lang akong naiisip.”, ang ntugon lang ni Rina sa  pag-uusisa sa kanya ni Robert.

Buong lugod naman ay niyakap ni Robert si Rina habang patuloy na nakatingin sa papalubog na araw.

“Maraming beses ko nang napagmamasdan ang tanawing ito pero tila hindi parin ako nagsasawang tignan ito ng paulit-ulit. Parang pagmamahal ko sa iyo, Rina. Isang pagmamahal na hinding-hindi ko pagsasawaang maramdaman sa buhay ko.”, si Robert na tila napakaromantiko na naman.

Naluluha naman ay napadantay si Rina sa balikat ni Robert.

“Kung puwede nga lang sanang hindi na lang matapos ang lahat, Robert…”, ang naluluhang bulong ni Rina habang patuloy na nakadantay sa balikat ni Robert at nakamasid sa napakagandang paglubog ng araw.

Kinagabihan ay makikita sina Robert at Rina na nasa isang tagong mesa na naman sa bar na pinuntahan nila nung nakaraang gabi. Dito ay magkasama na naman sila at masayang umiinom. Pero sa pagkakataong ito ay mapapansin na tila panay-panay kung tumagay si Rina sa iniinom nilang Jack Daniel’s whiskey. Halos punuin pa nga niya ang baso na nilalagyan niya at tinatagayan ng iniinom nila. Napansin naman ni Robert ang tila malakas na pag-inom ni Rina.

“Mukha yatang anlakas mo uminom ngayon ha! May problema ka ba? Bakit parang ang pakiramdam ko ay kanina ka pa balisa at malungkot?”, puna at usisa ni Robert kay Rina.

“Wala akong problema, Robert! Gusto ko lang na ngayong gabi ay magpakasaya tayo ng husto! Inom pa! Magpapakalasing tayo ngayong gabi! Magpapakasaya tayo!”, ang tila pagkakailang sabi ni Rina kay Robert na idinaan na lamang sa pagsasalin niya sa baso ng nobyo.

Nakangiti namang tumango-tango at umayon si Robert kay Rina. Sa buong gabi nga ay uminom sila ng uminom hanggang sa pareho silang maging bangag. Habang umiinom sila ay kapwa pa nila ipinapainom sa isa’t isa ang hawak nilang baso. Nang may tama na sila pareho ay nagkakatawanan pa sila at pagdaka’y nagkakahalikan.

KabetWhere stories live. Discover now