Kabet

32.9K 199 4
                                    

Panimula:

Ito ang kuwento ng isang bawal na pag-iibigan sa pagitan ng dalawang taong natagpuan ang pagmamahal sa maling panahon at pagkakataon. Mali man at bawal ang kanilang pag-iibigan ay batid nilang hindi nila ito naramdaman sa maling tao. Ito ay dahil pareho sila ng nararamdaman at pareho nila itong ginusto. Kuwento ito ng isang pag-iibigang hahamakin ang lahat masunod lamang. Isang pag-iibigang mali sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, pero sadyang nagiging tama sa kanilang paningin at nararamdaman…

Isang lalaki ang nakatambay sa Quezon City Memorial Circle isang madaling araw bago ganap na sumikat ang araw sa umaga. Masasabing guwapo at kaakit-akit ang lalaking ito na may matikas na tindig at magandang katawan. Subalit sa mukha ng lalaking ito ay mababanaag ang tila isang sobra-sobrang kalungkutan. Isang kalungkutang tila sumasalamin sa bawat kasawian ng buhay. Nakatingin siya sa buong paligid ng kanyang kinalalagyan. Tinitignan ang mga nagdya-jogging, ang mga nagsasayaw ng aerobics at taebo, at maging ang mga baklitang tila naghahanap ng Papa. Sa hindi kalayuan ay nakita niya rin ang isang may kaedaran na pero seksing-seksi at kaakit-akit paring babae na nagdya-jogging mag-isa sa paligid ng naturang lugar. Habang nakikita niya ang naturang babae ay parang may kung ano siyang naaalala. Isang tila nakaraan ng kanyang buhay.

“Rina…”, ang nabulong ng lalaki sa tila nalulungkot na tinig.

Pero biglang naputol ang pagmumuni-muni ng lalaki nang biglang may kung sinong kumalabit sa kanya. Nang lingunin ng lalaki kung sino ang biglang kumalabit sa kanya ay nabatid niyang ito ay isang matanda nang babae na nakasuot ng pang-seksi. Sa pakiwari niya ay tila kagagaling lang ng matandang babaeng ito sa ballroom dancing.

“Puwede ka ba, pogi?”, nakangiting tanong ng matandang babae sa lalaki.

Sandaling napaisip ang lalaki sa tanong na ito sa kanya ng matandang babae. Tila ba siya ay may naaalalang kung ano, pero pagdaka ay napapailing siyang nagsalita.

“Pasensiya na po, pero graduate na ‘ko sa ganyan. Humanap na lang po siguro kayo ng iba. ‘Yung game.”, ang tila pagtangging tugon ng lalaki sa itinatanong sa kanya ng matandang babae.

Parang nahihinayang naman na nagsalita ang matandang babae.

“Sayang naman! Malaki pa naman sana ang ibabayad ko sa iyo para sa sandaling oras lang.”, ang matandang babae na tila kinukumbinsi ang lalaki na pumayag sa gusto niya.

“Pasensiya na po, pero graduate na po talaga ako sa ganun. Nagpunta lang po ako dito upang alalahanin ang isang nakaraan sa buhay ko na tila hindi ko mabitiw-bitiwan.”, ang lalaki na tila hindi talaga makukumbinsi ng matandang babae sa gusto nito.

“Kung hindi kalabisan, maari ko bang malaman kung ano ang nakaraang mong iyon na hindi mo malimot-limutan at mabitiw-bitiwan?”, ang tila pag-uusisa ng matandang babae sa lalaki.

“Naku masyado pong mahabang kuwento at sadyang kumplikado. Baka hindi ito naising mapakinggan ng katulad niyong tila ang hilig sa buhay ay pag-aaliw at kapritso.”, ang lalaki na tila naiilang na ikuwento sa matandang babae ang tila nakaraan nito.

“Try me!”, hamon ng matandang babae na kumikindat pa sa lalaki.

Napapabuntung-hininga ay nagsalita ang lalaki.

“Okay po! Kung talagang mapilit kayo! Ikukuwento ko po sa inyo ang nakaraan na iyon.”, ang lalaki na tila napilitang ikuwento sa matandang babae ang tungkol sa kanyang tila masalimuot na nakaraan.

At nagsimulang magkuwento ang lalaki ng tungkol sa kanyang nakaraan sa matandang babae…

KabetWhere stories live. Discover now