7. Day

394K 3.4K 303
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Oh my gee! Hindi ako makapaniwala na partner ko na si King! Magsasayaw kami! Unfortunately, hindi ako marunong sumayaw. Kakahiya! Panira talaga.

                                                                                                                                                          

Pinapakita sa amin yung steps pero hindi doon nakatuon ang atensyon ko kundi na kay King. Pasulyap-sulyap ako sa kanya na nasa tabi ko lang. Naisip ko kasi kung bakit nagpapalit sya ng partner. Hindi kaya gusto nya ako makapartner?

I giggled.

“Stop smiling and staring. Kung iniisip mo na gusto kitang maka-partner pwes hindi. Nagpapalit lang ako ng partner dahil naiinis ako sa partner ko. Ikaw lang ang Engineering na babae dito bukod sa kanya kaya wala akong choice kundi pagtyagaan ka.” paliwanag nya.

Sabi ko nga ayaw nya. Kainis naman to. Pero mas ayos na din to, atleast mas pinili nya ako kesa dun sa pugita nyang partner.

Natapos ang practice. Hindi pa din ako maka-recover sa kilig dahil nahawakan ko ang kamay ni King habang nagsasayaw. Waaahh, heaven! Hindi tuloy mawala ang ngiti ko habang nag-aayos ako ng gamit.

“Masaya ka na nyan?” nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Luke. Aba, lagi nalang nya yata ginugulo ang buhay ko ngayon?

“Paki mo?” pagtataray ko.

Tumawa lang sya. “Tara, date tayo.”

Napahinto ako sa pag-aayos sa sinabi nya. Napatingin tuloy ako sa kanya na ngayon ay nagkakamot ng batok at may ngiting alanganin.

“Ha-ha-ha funny Luke. Mag-date ka mag-isa mo.” sagot ko sa kanya.

“Loko! Si Elle-phant talaga di mabiro. Punta nalang tayo sa bar ko. Libre ko dali. Celebrate tayo sa pagiging partner nyo ni King.” pagpipilit nya kaya di na ko nakatanggi. Libre daw eh.

“Tss, sige na nga.” sabi ko at sasama na sana sa kanya kaso may tumawag sa pangalan ko na nakapagpatigil sa akin.

“Hailey!”

Parehas kaming napalingon ni Luke kay King na papalapit sa amin. Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin papalapit sa kanya. Yan na naman ang kuryente sa tuwing hinahawakan nya ako.

Agad ko tuloy nabawi sa kanya yung kamay ko. Nanggugulat naman kasi eh!

We're Married (Published)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz