2. Dinner

457K 3.7K 269
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Isang linggo na akong tulala at parang wala sa sarili. Simula nung sabihin sa akin ng parents ko ang tungkol sa pagpapakasal kay King.

“Bff!”

Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Marga. Kasalukuyan kaming nasa school cafeteria. 3rd year na kami. Engineering ang kinuha ko. Bakit? Dahil kay King. Kahit ayoko ng math at kung anong sukat-sukat, yun pa din ang kinuha ko para masundan si King. Pero habang tumatagal natutunan ko naman na gustuhin ang course ko.

“Yeah?” wala sa sarili kong tanong sa kanya.

“Jusko Elle! Tulala ka ba dahil wala kang nasagot sa finals last week? O tulala ka na naman dahil sa babaerong King na yun?”

Ininom ko yung juice na hawak ko na hindi na pala malamig at wala ng lasa dahil natunaw na ang yelo.

“Pwedeng both?” natatawa kong sabi.

Napairap naman sa akin si Marga. Alam kong naiinis na sya sa akin kasi buong linggo na akong di makausap ng ayos. Buti nalang talaga naraos ko yung finals namin at kailangan ko nalang kumpletuhin yung requirements namin.

“Ewan ko sayo Villegas. Hmm? So anong balak mo sa dinner mo mamaya? Aba hindi habang buhay makakapagtago ka kay King.”

Napabuntong-hininga ako. Tama sya. Simula nung nalaman ko yung balita na yun, lagi ko nang iniiwasan na makita si King kahit pa na-miss na miss ko na sya. Siguro takot lang ako na masumbatan nya ulit. Katulad nga ng sabi ko, fresh pa yung sugat ng puso ko dun sa huli naming pag-uusap about dun kay Fiona.

Kaso hindi sa akin nakiki-ayon ang tadhana. May family dinner kami mamaya kasama ang pamilya ni King. Alam kong kakausapin nya ako tungkol dito kaya hinahanda ko na ang sarili ko.

“Hay ewan ko bff. Bahala na mamaya. Parang di na ko nasanay sa masasakit na salita nun.”

Napailing nalang sya. Alam nya na kahit ilang taon pa ang lumipas hindi talaga ako masasanay sa ugali sa akin ni King. Masasaktan at masasaktan pa din ako.

*

“Ready ka na ba, Ms. Elle?” tanong sa akin ni yaya na medyo ka-close ko.

I smiled bitterly. “Pag sinabi ko bang hindi, hindi na matutuloy to?”

Napailing nalang sa akin si Yaya. Close din kami nyan parang si Marga. Sa kanya ako nagkekwento pag may problema ako lalo na pag tungkol kay King. Madalas kasing wala yung parents ko kaya parang sya na yung tumayo na magulang ko.

We're Married (Published)Kde žijí příběhy. Začni objevovat