Chapter Forty Nine

3.6K 56 1
                                    

49

============

"Mommy, is Tito Andrei coming with us? I can't wait to see Elsa now." reklamo ng baby Coleen ko.

Kanina pa kasi namin hinihintay si Andrei,nagprisinta kasi ito na sasama ng malamang pupunta kami ng Disneyland ng kambal at ng kanilang yaya Riza.

"Maybe it's traffic only baby." sabi ko sa kanya.

"hmp!" sagot naman nito.

Halatang aburido na talaga ito kakahantay sa Tito Andrei nya.

Hay saan ba nagmana ng mga katarayan ang mga baby ko?

Si Chloe naman ay nakatulog na sa sofa,dahil din sa kahihintay kay Andrei.

"Ate anong oras na,baka hindi na din mag-enjoy ang mga bata kung late na tayong pupunta don." ani naman ni Riza.

Tama sya,kung magpapalate kami ng dating doon,hindi na din masyadong maeenjoy ng mga bata ang pagpunta sa Disneyland. Mauubos lang ang oras namin sa kakapila para makasakay sa mga rides. Wala na kasing masyadong oras.

"Mabuti pa nga siguro mauna na tayo at pasunurin na lang sya." sabi ko naman sa kanya at akmang tatayo na ng may magdoorbell.

Nagkatinginan kami ni Riza at sabay pang pinaikot ang aming mga mata. Alam kasi naming si Andrei na yon.

Binuksan na ni Riza ang pinto at pumasok si Andrei na halatang bagong gising lang. Medyo magulo pa ang buhok nito at ang pananamit parang nagmadali talaga. Madami na naman sigurong tao sa bar nya kagabi kaya napuyat na naman siguro.

"Sorry I'm late." hinging paumanhin nito.

"Whatever, let's go!" sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa.

Binuhat naman ni Andrei si Chloe na hindi na namin ginising para pag nakarating na lang kami sa Disneyland ay tsaka nalang gisingin. Baka kasi magmuryot pag hindi nahusto ang tulog.

Nang makarating kami sa Disneyland ay agad ng nag-aya si Coleen kung saan matatagpuan ang Frozen Cast. Si Chloe naman ay hindi pa masyadong gising ang diwa kaya tahimik pa din itong akay akay namin ni Riza.

Sobrang saya ng dalawang bata,tuwang tuwa sila sa bawat rides na masakyan. Si Chloe nang makita kanina si Ana ay biglang sumigla. Halos ayaw nilang tigilan ang dalawang nagcosplay na Elsa at Ana kanina sa pagpapapicture.

Sa totoo lang para kaming pamilya. Tuwang tuwa din si Andrei sa pagsunod-sunod at pag-aasikaso sa mga bata.

Gabi na ng makauwi kami ng pad. Nakatulog na din ang dalawang bata,dala ng kapaguran.

Nagstay pa muna si Andrei sa pad ko at nakipagkwentuhan. Nabanggit ko sa kanya na baka magbakasyon ako sa pilipinas.

"Pano yung kambal?" tanong nya.

"Isasama ko, pero kakausapin ko muna sina Tita,tatanungin ko sila kung ano bang dapat gawin." Sagot ko naman sa kanya.

"Ikaw lang ang makakapagdesisyon nyan."

Ito na naman po kami,balak na naman yatang makipagdebate nito.

"Kailangan ko pa rin ng tulong nila." pinal na sagot ko.

"Ok sabi mo nga. Pano alis na ko kailangan akong maaga sa bar." anito at tumayo na.

"Sige, ingat. Salamat pala sa pagsama sa amin sa pamamasyal." tumayo na din ako at nginitian sya.

"Wala yun, basta ikaw at ang mga bata, nanginginig pa." aniya na may pilyong ngiti pa.

Namula naman ako at hinampas sya sa braso.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now