Chapter Forty Seven

3.6K 58 3
                                    

47

===============

Nang makabalik ako sa pad ko ay nadatnan kong nanonood ng TV sina mom and dad.

Ngumiti naman sila agad ng makita ako.

"I thought you have a one week leave?" agad na tanong ni dad sa akin ng makalapit ako sa kanila.

Bigla naman akong napatawa sa sinabi nya.

"Dad..."

Paaano ako makakapagleave ako ang mismong boss sa trabaho ko. Yeah, I have my own business. It's a Cafeteria. Parisbucks Cafe', sikat at mabenta naman kaya mayroon pa akong dalawang branch sa ibang bahagi ng Orly , Paris.

Napapailing namang tumayo na siya mula sa pagkakaupo.

"Masyado ka ng nagiging abala sa negosyo mo anak,bakit hindi ka na lang sa Pilipinas magpatuloy ng negosyo mo?" ani dad na nakapameywang pa sa harapan ko habang mataman akong tinititigan.

Ito na naman po kami,pilitan na naman sa pagpapauwe sa akin sa Pilipinas.

Hindi nila alam na may dalawang anghel akong hindi maiiwan iwan dito.

Naalala ko na naman ang kambal, nang magpaalam akong aalis na at magsinungaling na pupunta sa work ay hindi naman sila umiyak. Sanay na din kasi sila na ang yaya nila ang lagi nilang kasama. Pero ibang usapan na pag si Ana at Elsa na ng Frozen ang inilayo sa kanila.

"So,nakapagdecide ka na ba anak? Sasama ka na sa amin sa pagbalik sa Pilipinas?" untag sa akin ni dad ng hindi ako nagsalita.

"Hon, hayaan mo na muna sya. I'm sure pinag-iisipan na din nya ang pag-uwi sa Pilipinas. Am I right sweetie?" ani mommy na nakaupo pa din at nakikinig pala sa amin.

Napailing iling naman ako. Habang nangingiti sa kanilang dalawa na sadyang hinihintay talaga ang sagot ko.

"Mommy,dad? Sige pag-iisipan ko. But for now,we have to go at madami pa ang mga lugar na papasyalan natin." pagsang-ayon ko na lang sa kanila at nagready na para sa pag-alis namin.

Narinig ko naman ang mahinang pag tsk ni daddy.

***

Andito ako ngayon sa isa sa mga branch ng aking Cafeteria. Pagkahatid ko kasi kina mom and dad sa pad ko pagkatapos mamasyal ay agad na akong nagdiretso dito.

Mga kapwa ko din Pilipino na residente dito sa Paris ang mga empleyado ko dito. Agad silang nagsibati sa akin pagkapasok ko sa shop. Binati ko din sila at nagtuloy na ako sa aking opisina.

Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo ng maya maya ay may pumasok.

Agad ko itong nakilala na ngayon ay todo ngiti.

"Did you forgot to knock the door first before going inside?" nakataas ang kilay kong sabi sa kanya.

"Ooopss sorry ma'am." aniya na umarteng may nakalimutan at nagbalik pa talaga sa may pinto upang kumatok.

Napapailing naman akong nangingiti habang tinitignan sya.

"tsk." nadinig kong palatak nya.

"Andrei,what brought you here?" tanong ko sa kanya.

"Inviting you for a dinner, I guess?" papilosopo nyang sagot sa akin.

Lagi kasi pag pinupuntahan nya ako ay palagi nya akong niyayayang kumain sa labas.

"Not now Andrei, this time its my treat. Doon tayo kumain sa pad ko. Madaming pasalubong na Philippine food sila mommy." sabi ko sa kanya.

Namilog naman ang mga mata nito. I know namis nya din ang masasarap na pagkaing Pilipino.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now