Chapter Forty One

3.7K 68 6
                                    

41

====================

Magdidilim na nang makarating kami nang San Andres. Si mommy lang at ang mga kasambahay ang naabutan ko sa rancho. Tuwang tuwa sya nang malaman nyang dumating ako ngunit hindi nakaligtas sa akin ang kalungkutan sa mga mata nya.

"Sweetie, you surprised me!" aniya pagkasalubong sa akin. Niyakap nya agad ako at hinalikan sa pisngi. Ganun din naman ang ginawa ko sa kanya.

Ngunit maya maya naman ay bigla din syang nag seryoso agad.

"Sweetie,what brought you here?" nagtataka at parang kinakabahan nyang tanong.

"Mom?" natatawa ko namang sabi sa kanya.

Though, may sadya talaga ako sa kanya. Pero hindi naman na nya siguro dapat itanong kung bakit ako naparito.

"I- I mean,bakit pabigla bigla ang pagbisita mo?" tanong nya.

Magsasalita na sana ako nang magsalita syang muli.

"Ah teka,pumasok na muna tayo sa loob at madilim na dito sa labas." aniya at inalalayan na ako papasok sa loob.

Si Mang Kardo naman ay nagpasyang magstay muna sa labas habang kakwetuhan ang ibang trabahador na mga nakatambay sa di kalayuan.

Nagdiretso kami sa sala at doon naupo.

Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, kailangan ko nang sabihin ang talagang sadya ko sa kanya.

"Mom?" panimula ko.

Unti unting nawawala ang ngiti sa mga labi nya. Parang inaasahan na nya kung ano talaga ang sadya ko. Maski naman ako ay hindi ko pa alam kung ano nga bang gusto kong malaman,kaya naman sa kanya ko aalamin yon.

Nagtatanong syang nakatingin sa akin na parang sadyang hinihintay kung anong sasabihin ko.

"Mom, may nililihim po ba kayo sa akin? May dapat ba akong malaman?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Alam ko kasi na may dapat akong malaman,at ngayong kaharap ko na sya para sabihin kung ano yun, kinakabahan naman ako.

"Ha? W- what are you talking about sweetie?" aniya na hindi na ngayon makatingin nang diretso sa akin.

Tama nga, sa kilos pa lang nya, sigurado na ako. May hindi nga sya sinasabi sa akin.

Tama kaya ang kutob ko?

"I heard Tita yesterday. She's talking to someone on the phone. I know it was you mom. I know it was you on the other line." ramdam ko na ang panginginig at pagkatakot sa sistema ko.

Tahimik lang sya.

"Ano ang kailangan kong malaman mommy?" naiiyak na ako.

Hindi ko na kaya.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi nya sinasabi sa akin kung ano yun.

Narinig ko ang mahinang paghikbi nya. Tumayo sya at tumingin sa kawalan.

Nadinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Mom?"

Bigla naman syang humarap sa akin at tinitigan ako.

Ngumiti sya nang tipid sa akin at nagsalita.

"We should eat dinner first,masyadong malayo ang binyahe nyo." aniya at akmang tatalikod na sya.

"Please mommy... Pakiusap lang. Huwang ka nang magpaligoy ligoy pa. Ano ang dapat kong malaman?" sigaw ko sa kanya. Sa galit ko ay napatayo pa ako.

The Step Sibling's RomanceKde žijí příběhy. Začni objevovat