Chapter 52

731 11 0
                                    

Chapter 52

My Heart's Angel

Daniah

"What a nice place to confess your feelings Bro! And for all the people, with the woman I once loved. Oops! Sorry..my bad! I mean with the woman I once played with..!" Nanumbalik na naman ang takot sa aking dibdib ng makitang nakatayo ito malapit lamang sa aming dalawa ni Xavier. Kasabay noon ang pakiramdam ng pagka pahiya. Ngayon ay bulgar na nitong sinabi na itinuring lamang niya akong laruan.

Ganun na lamang ang pagprotekta ni Mr. Romano sa akin, dahil halos hindi ko makita ang nasa harapan namin dahil sa pagharang nito ng kanyang katawan.

"I'm surprise you're still alive..!" mariing sagot naman nito sa lalaking kaharap. Ni hindi sinagot ang iba pang sinabi ni John.

"Ofcourse. Batman doesn't die. And so do I!" mayabang na sagot nito. Nagpalakad lakad ito sa harap namin, bahagya akong sumilip at napakapit likuran ng damit ng walang katinag tinag na si Mr. Romano ng makitang nakangisi pa ito habang may hawak na baril.

"You know Batman is just fictional.." sambit ni Mr. Romano.

"And so does HAPPY ENDING!" sigaw nito. Impit akong napasigaw ng maramdamang lumipad ang katawan ko sa kung saan mang dako.

"Hide Daniah!" sigaw ni Mr. Romano, itinulak niya ako pagawi sa isang puno, ng paputukan kami ni John. Siya naman ay kumukubli rin sa mga puno, pero maya't maya ang sungaw upang makita kung nasaan si John. Maliwanag na ang paligid, dahil tumaas na ang haring araw. Pero hindi pa rin natatapos ng bangungot na ito. Mabuti na lamang at hindi naman ko ganong nasaktan sa pagtulak na iyon ni Mr. Romano, kaya agad naman akong nakatakbo sa likod ng malaking puno. Halos magkatapat lamang ang mga punong pinagkukublihan namin ni Mr. Romano. Itinaas nito ang kanyang hintuturo at inilapit sa kanyang labi, senyales na wag akong gumawa ng anumang ingay.

"Why don't you put down that fucking gun huh? You fucking coward!" sigaw nito kay John.
Humagalpak ng tawa si John. Tawang animo ay nanonood lang ng isang comedy movie.

"And why don't you come out and face me Xavier!!?Come out and fight me like a man!" pagkasabi niyon ay narinig kong may kung anong bagay itong inihagis malapit sa punong punagkukublihan ko. Baril! Itinapon nito ang kanyang baril tanda na handa itong makipag laban ng mano mano. Nang walang gamit na kahit anong armas. Umiiling iling ako ng makitang inihagis rin ni Mr. Romano ang hawak niyang baril sa lugar kung nasaan ang baril ni John. Nang magtama ang aming mga mata at akmang magsasalita ako para pagilan siya ay muli nito akong sinenyasan na huwag mag ingay. Muling tumulo ang luha ko ng tumango tango ito, na wari bang sinasabing magiging okay siya. Na walang mangyayaring hindi maganda sa kanya.

Nang umalis ito sa pinagkublihang puno ay parang gusto kong sumigaw. Tuso si John. Alam kong hindi ito patas lumaban. Sobrang pag aalala ang nararamdaman ko, nanlalambot na ang aking mga tuhod sa labis na pangangatog ng mga ito. Diyos ko! Huwag po ninyong hayaang mapahamak ang lalaking mahal ko. Mahal na mahal ko po si Xavier.

Maingat akong sumilip sa gilid ng malaking puno at hinanap kung nasaan ang dalawa. Agad nahagilap ng aking mga mata si Mr. Romano na pumuposisyon para sa pakikipagbuno sa nakangising si John. Agad na nagpakawala ng suntok si John, pero maagap naman itong nakaiwas. Bawat galaw nito ay siyang namang pakiramdam na nalalaglaga ang puso ko. Ipinapanalangin ko na lamang na maging patas ang laban. Pero sa ganitong sitwasyon, alam kong walang puwang ang pagiging patas. Ni ang pagiging magkadugo nila ay nawala na sa eksena. Magkadugo na pinaglaruan ng tadhana. Magkapatid na pinaglayo ng kasakiman at galit.

Napasinghap ako ng makitang tumumba si John dahil sa sipang pinakawalan ni Mr. Romano. Hindi dahil sa awa, kundi ngayon ko lamang napansin na mahusay itong makipaglaban. Bawat galaw ay tantyado. Ni hindi nawawala ang tindig nito sa bawat pag galaw.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now