Chapter 29

545 11 0
                                    

Chapter 29

Daniah

Malalakas na kalampag sa pinto ng aking kwarto ang gumising sa mahimbing kong pagtulog.

"D! Gising ka na ba? D! Gising na! May tao sa labas..! D! Huy..!" Sunod sunod na katok ni Chichi. Tao? Sino naman kayang tao iyon? Nilingon ko ang orasang nakasabit sa dingding, 8:32 ng umaga. Napaka aga naman para magkaron ng bisita. Isa pa, wala naman akong kakilala na maaaring dumalaw sa akin, lalo pa at ganito kaaga. Pupungas pungas akong bumangon at tinungo ang pinto.

"D! Bilis bangon na diyan!" muling katok ni Chichi. Nang mabuksan ko ang pinto ay agad ako nitong hinila patungo sa main door, kung saan nakatayo ang isang lalaki na nakasuot ng black suit. May hawak itong boquet ng pink roses, at isang gold na kahon. Kumabog ang dibdib ko, para ba sa akin ang mga iyon? Hindi ko man sinasadya ay biglang pumasok sa isip ko si Mr. Romano, hindi kaya galing ito sa kanya? Pero malamang ay hindi. Pero aaminin ko siya lang naman lasi ang nagpakita ng kakaiba sa akin nitong mga nakaraan.

"D! Dali ireceive mo na, sabi ko nga ako na lang ang tatanggap, ayaw naman ng mamang yan eh..!" sinadya pa ni Chichi na iparinig sa lalaki ang sinabi niya, at inirapan pa ito.

"Ms. Daniah Phoenix Monteverde?" tanong ng lalaki.

"Y-yes..ako nga po..!" hindi ko malaman kung itatanggi ko ba na akin ang pangalang iyon, frist time ko kasing makakatanggap ng ganitong regalo kung sakali.

"May nagpadala po ng mga ito sa inyo.." ang sabi nito at iniabot ang mga bitbit sa akin.

"S-sir..sigurado po kayo?sa akin po ito?" taka kong tanong. Palaisipan talaga sa akin, kahit may bulong ang isip ko na galing ito kay Mr. Romano.

"Ang sabi niyo po, kayo si Ms. Monteverde, so para nga po sa inyo ang mga ito.." Nangingiting sagot nito. Tila hindi rin makapaniwala na alanganin kong tatanggapin ang dala niya.

"Eh teka kuya! Kanino ba galing ang mga yan ha?" singit ni Chichi na namewang pa.

"Confidential po, hindi po allowed sabihin kung sino ang nagpadala, ayon na rin po sa client namin..sige po mauna na po ako.." magalang na sagot nito, at tsaka tumalikod, naglakad paglabas ng gate, at sumakay sa sasakyang naghihintay sa labas.

"Confidential, confidential pang nalalaman to! Naku! Baka kay Mr. Romano galing 'to eh.." pahabol na sigaw ni Chichi sa sasakyang paalis, hinila niya akong muli, at pinaupo sa ming sala.

"D! Magtapat ka nga sakin, ano na bang meron sa inyo ni Mr. CEO ha? Kahapon ang aga aga niyang dumalaw dito, tapos ngayon may pa surprise delivery pa.." curious na tanong nito.

"N-naku, Chi! W-wala ano. Diba sinabi ko na kahapon kung bakit nandito siya sa bahay?" Nauutal na sabi ko, pano naman kasi ay pati ako, iniisip kong galing nga sa kanya ang mga ito.

"Eh imposible nga kasi na napadaan lang siya nung nadapa ka hindi ba? Ano yun superhero?"!pangungulit pa nito, hindi ko na kasi binanggit sa kanya na mukhang sinusundan ako ni Sir kaya, kaya nandun siya ng mga oras na iyon, at ang mas malala pa, ay siya ang dahilan kung bakit ako nadapa. Sobrang mangungulit kasi itong si Chichi kapag ikinwento ko pa iyon.

"Tsaka isa pa, magkapatong kayo-" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya pinigil ko na.

"Chichi! Hindi iyon gaya ng iniisip mo.." alam kong namula ang mukha ko sa sinabing iyon ni Chichi. Naalala ko na naman tuloy ang tagpo kahapon? paano nga kaya kung natuloy ang halik na iyon? Haay..nalilito na ako. Hindi ko sigurado kung anong nangyayari.

"Uhmm..naku..kunwari ka pa dyan! Di na yata kayo nakapag pigil eh, mabuti na lang at dumating ako!" dagdag pa nito na nakataas ng noo.

"Alam mo Chichi, tingnan na lang natin kung anong laman ng kahon na ito.." pag iiba ko ng usapan. Dahil tiyak kong hindi siya titigil sa pang aasar.

"Ay oo nga pala, hala sige buksan mo na yan, baka wedding ring na ang laman niyan.." biro pa nito. Bumuntong hininga ako. Marahang inalog alog ang kahon..magaan. Iniangat ko ang takip ng kahon at doon ay tumambad ang iba't ibang hugis ng chocolate. Tila natunaw ang puso ko. Napaka sweet naman ng taong iyon kung sino man siya. Sinipat ko ang box kung mayroong note o message pero wala akong nakita..pati ang napakagandang mga bulaklak na iyon ay talaga namang napaka bango.

"Wowowiwooww! Pahingi ako! Akin na lang ito, ay tsaka ito, pati ito D, mukhang masarap!"
hindi magkamayaw na namili ng dadamputin si Chichi. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala, at blangko sa kung sino ang nagpadala nito.

"Oh D! Kumain ka at para naman yan sayo..wag mo ng isipin kung kanino galing ang mga yan, sure akong kay Mr. Romano yan galing..kumain ka oh!" umakto pa itong susubuan ako ng isang piraso.

"M-mamaya na lang Chi, mag hihilamos na lang muna ako.." natatawa kong tanggi.
-----------
Sa store ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga naganap kahapon, at kaninang umaga. Nakapagtataka lang dahil kung sa kanya nga galing iyon, bakit hindi niya ipapaalam?isa pa, bakit naman niya ako padadalhan ng bulaklak at chocolates? Ang alam ko kapag ganun..N-nanliligaw?

Napalunok ako sa naisip ko. Nanliligaw nga kaya siya? Pero hindi. Kung manliligaw man siya, dapat ay sinabi niya, o tinanong niya ako. Haay..ano ba ito? ayokong umasa. Ayokong magpadala sa kilig na dulot ng mga ginagawa niya. Ayokong sa huli ay masaktan na naman ako. Ilang taon na rin namang payapa ang puso ko, kahit alam kong may kaunting kirot pa rin akong nararamdaman sa nakaraan ko. Nakakatakot ng magtiwala. Nakakatakot ng sumugal. At nakakatakot ng magmahal uli.

"Hello D! Check ko muna yung mga price tag mo kung accurate lahat ha..?" Si Jacob iyon, isa sa.mga stockman. Sa twing mayroong problema sa price tags, ay pinaiikot sila para i check kung may mali ba sa mga tags ng items, iyon ay para maiwasan ang maling presyo, na pwedeng magdulot ng customer complain.

"Sige Jacob, tulungan na kita.." Mabait si Jacob, hindi siya gaya ng ibang lalaking empleyado dito na dumidiskarte lang sa mga babaeng empleyado rin. Isa rin siya sa madaling lapitan kapag may orders na kaylangan sa selling area. Habang tinutulungan ko siya ay napakwento kaming dalawa. Paminsan ay nag aassist ako sa customer, pagkatapos ay binabalikan ko siya para tumulong uli. At balik kwentuhan uli. Pero hindi ko maiwasang tumingin tingin sa paligid, pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sakin. Hanggang sa natapos ang ginagawa namin ay hindi nawala ang pakiramdam na iyon.

Nang mag uwian na ay isa ako sa mga huling lumabas ng store, meron kasi akong last to minute na customer, na hindi naman pwedeng iwanan dahil, tyak malalagot ako sa manager namin. Nang makalabas ako ng employees entrance/exit ay napagawi sa parking area ang mata ko, tumalon ang puso ko ng makilala kung sino ang taong halos kasabay ko sa paglalakad sa may di kalayuang parking space. Si Mr. Romano!

Pero agad rin namang nalungkot ang puso ko ng mapansin na meron itong kasama. Si Ms. Christine. Oo nga pala, nasa bakasyon si Ma'am Greta, kaya hindi imposible na kaya nandirito si Sir, ay para mag oversee sa aming branch. At si Ms. Christine naman ay secretary ni Ma'am Greta, kaya halos magkasama sila sa office.

Hindi na ako nakaiwas ng tingin ng biglang lumingon sa gawi ko si Mr. Romano. Hindi ko sigurado kung tama ang nakita kong reaksyon ng mukha niya dahil madilim, pero sa nakita ko ay nagdilim ang mukha nito. At hindi inaalis ang tingin sa akin, dala ng hiya ay ako na ang nagbawi ng tingin, pero bago ako tuluyang lumiko ay muli ko silang sinulyapan. At lalong nalungkot ang puso ko sa tagpong nakita ko, inalis ni Mr. Romano ang kanyang suit, at ipinatong sa balikat ng Ms. Christine, tsaka ito ipinagbukas ng pinto ng kanyang pulang kotse. Ang pulang kotse kung saan ako ay nakasakay rin kahapon.

Siguro nga ay hindi sa kanya galing ang bulaklak at chocolates. Siguro nga, ay mali ang pagkakaintindi ko sa mga ipinaramdam niya sa akin. Tama. Kahit sabihin kong ayokong umasa, ay umasa pa rin ako, kaya pakiramdam ko ngayon ay nasasaktan ako.

A/N: Oh my! Poor Daniah..umasa sa mali?❤

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now