Chapter 48

599 12 0
                                    

Chapter 48

My Heart's Angel

Daniah

"You are my sunshine, my only sunshine
  You make me happy, when skies are grey
  You never know dear, how much I love you.
  So please don't take my sunshine away.."

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng mahinang pagkanta. Sa tingin ko ay tatlong oras na ang nakalipas mula ng lumabas ng pintong iyon si Kuya Alex. At hanggang sa mga oras na ito ay naghihintay pa rin ako. Nababahala na baka hindi na niya ako balikan, o kung baka may nangyari ng hindi maganda sa kanya. Haay. Habang tumatagal ako rito ay lalong nadaragdagan ang takot sa isip ko. Napansin ko ang mga kamay kong may bakas pa ng tali, ang suot kong damit na sira sira, ang mga pasa sa aking braso, marahan ko ring hinawakan ang aking mukha. Hindi ko man makita ay alam kong may pasa ito. Konting tiis na lang Daniah, makakatakas ka rin. Tatagan mo lang ang loob mo, at maging matapang ka. Lumuluhang ipinagpatuloy ko ang pagkanta.

"You are my sunshine, my only sunshine
  You make me happy, when skies are grey
  You never know dear, how much I love you.
  So please don't take my sun-"

Bigla akong natigilan ng may marinig na ingay mula sa labas. Mahina ang pagkakarinig ko, pero sigurado akong mayroong mga putok ng baril at nagsisigawan. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, at ang takot na kanina ko pa pilit na pinapatay ay muling nabuhay sa aking dibdib. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Nagsumiksik ako sa gilid na pader, at namaluktot na ipinagsalikop ang aking mga braso sa aking tuhod. Diyos ko. Anong nangyayari sa labas? Walang tigil ang putukan, ilang minuto na ang nakalipas ay mayroon pa rin akong naririnig na mga putok. H-hindi kaya may mga pulis na sa labas? H-hindi kaya nahuli na sila John? Nabuhay ang pag asa at napangiti ako sa naisip ko. Tama. Mga pulis nga iyon. Tumayo ako mula sa kinauupuan at naglakad patungo sa pinto. Inilapit ko ang aking tainga rito upang mas marinig pa kung anong nangyayari sa labas. Sa tingin ko ay malayo ang putukan. Maaring sa kabilang parte ng malaking gusali na ito.

Tahimik akong nakikinig ng bigla ay may tila mga yabag ng paa akong narinig. Si Kuya Alex! Binalikan niya ako! Dahil sa kaba at takot ay napaatras ako mula sa pinto, ngunit naghintay kung may kumatok sa pintuang iyon. Pero wala. Patingkayad akong lumapit muli sa pintuan para pakinggan kung naroon pa ang mga yabag. Nang biglang may bumalya sa pinto, at sa lakas ng pagbalya rito ay halos lumipad ang katawan ko patungo sa gitna.

"Aaahh!" patagilid akong bumagsak hawak ang aking ulo na natamaan ng pinto. Pakiramdam ko ay bumagal ang pag kilos ko dahil sa lakas ng impact, at hindi ako agad makatayo o makagalaw man lang.

"Fuck! D-Daniah? Oh God! I'm sorry! I'm sorry!" dalawang pamilyar na matitipunong braso ang agad na yumakap sa nanghihina kong katawan. Ang amoy na iyon. Ang amoy na gustong gusto ko. At ang boses niyang kay sarap pakinggan.

"M-Mr. Romano?" dahil sa hilong nararamdaman ay marahan ko lamang na iniangat ang aking ulo upang masilayan kung totoo ba ang lahat. Pikit ang isang matang inaninag ko ang kanyang mukha.

"Yes love, it's me. Thanks God you're safe.." mabilis nitong hinalikan ang aking noo at muli akong niyakap. Pero muli rin akong kumawala, at hinarap ito. Hindi na ako makapagsalita, hindi ako makapaniwalang natagpuan niya ako. Hinaplos ko ang kanyang mukha.

"D-Dumating ka? N-Nahanap mo ako?" Nanginginig na sabi ko. Dumaloy ang masasagang luha sa aking pisngi na agad namang pinahid ng kanyang mga kamay.

"Yes. I found you. Now that I'm here, you are safe..Shhh..don't cry.." muli ako nitong niyakap, at awtomatiko na ring gumanti ng yakap ang pagal kong mga braso sa kanyang katawan. Wari ay natauhan ako ng muli siyang magsalita. Totoo nga. Naririto na siya. Tinupad niya ang mga sinabi niya. Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya, wala na akong pakialam kung mabasa ng luha o madumihan ko ang suot niyang damit. Naguumapaw ang kasiyahang nararamdaman ko ngayong sigurado na akong si Mr. Romano, si Xavier ay naririto na at yakap yakap ko.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now