Chapter 46

595 12 0
                                    

Chapter 46

My Heart's Angel

Daniah

Balewala na ang sakit at hapdi ng mga galos ko sa aking katawan. Sa loob ng tatlong araw na narito ako, kung hindi sampal ay sipa ang inaabot ko kay John. Isang beses ay nagtangka pa itong halayin ako, pakiramdam ko noon ay pinagsakluban ako ng langit at lupa.

"You know how I missed this body! Did you miss mine too?" anito nito habang sinisibasib ng halik ang leeg ko, at kung saan saan humahawak ang mga kamay. Labis labis ang pakiusap ko sa kanya, inilaban ko ang sarili ko, sa kabila ng panghihina ng katawan ko. Sa kabila ng mga suntok na binibitawan nito. Mabuti na lamang at may biglang pumasok sa kwartong iyon, at sinabing may importante siyang bisita. Gula gulanit na ang damit ko. Mabuti na lamang at hindi niya nakuhang galawin ang pang ibabang suot ko. Hindi ko sukat akalain na ganito ang totoong pagkatao niya. Hindi ko sukat akalain na ang lalaking minahal ko noon ay nuknukan ng sama. At hindi ko akalain na ang tahimik kong buhay ay mauuwi sa ganito. Pakiramdam ko ay wala na akong pag asa. Hindi maubos ubos ang mga luha ko. Matinding awa sa sarili ang nararamdaman ko. Ang isiping walang darating na tulong ay lalo pang nakadagdag sa kawalan ng pag asa.

Sa bawat gabi na mag isa ako sa malamig at madilim na kwartong ito, tahimik akong lumuluha. Tinatanong ko ang sarili ko, kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. At kung makakaalis pa ba ako sa impyernong lugar na ito. Kung may naghahanap ba sa akin? Kung may nag aalala ba sa kalagayan ko. Kung hanggang kailan pa ako tatagal. Kung hanggang kailan pa kakayanin ng isip at katawan ko ang mga dinaranas ko sa kamay ni John.

At kanina nga ay muli akong pinuntahan ni John, para sabihing tapos na ang paghihintay ko. Makakalaya na raw ako, sa isang kundisyon. Kailangan kong pakiusapan si Mr. Romano na tubusin ako. Pero paano ko magagawa iyon? Paano mangyayari iyon? Isa lang akong empleyado sa kumpanya niya. Paanong papayag siyang tubusin ang isang kagaya ko? Imposible iyon. At alam kong hindi mangyayari iyon.

"I will call him, then you will ask him to save you and pay the ransom. Understood?" namumungay ang mga matang sabi nito. Gaya ng ilang beses na pagpunta niya rito, palagi siyang lasing, at namumula ang mga mata. Bagay na lalong nagpapatiklop sa akin dahil sa sobrang takot, takot na baka maisipan na naman nitong saktan, o pagsamantalahan ako.

"H-hindi siya papayag sa gusto mo, wala akong halaga sa kanya, sales lady lang ako sa kumpanya niya.. John maniwala ka..!" nanlisik ang mga mata nito at hinarap ako.

"Hindi ka ba talaga marunong mag isip?" dinuro duro nito ang aking sintido.

"Hindi mo ba alam na baliw na baliw sayo ang lalaking yun? Huh? Are you really stupid that you don't even feel it?" saglit akong natigilan sa sinabi niyang iyon. Oo nga. Hindi. Sa tingin ko ay hindi. Maaaring oo, maaaring hindi. Tama. Baka nga. Pero hindi. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Hindi ang tipo ko ang pagaaksayahan ng panahon ni Mr. Romano. Tama. Pero ano nga bang ibig sabihin ng mga ipinakita niya sa akin. Ang mga tingin niyang nakakatunaw. Yung receptionist na tinanggal niya sa trabaho ng dahil lang sa nakalimutan akong i assist. Yung mga ipinadala niyang mga bulaklak at tsokolate. Ang pagsama niya at pagsuporta niya sa kagustuhan kong palagpasin na lamang niya ang nangyaring pang hohostage sa kabila ng dapat ay ipinakulong niya si kuya Alex. Ang madalas na paghalik niya sa kamay ko. Ang halos hindi niya pagbitaw rito sa tuwing magkasama kami. At ang mga panakaw niyang halik, sa noo, sa ilong, sa pisngi, at sa labi ko? "I think I'm falling for you.." sinabi niya iyon hindi ba? Pero hindi. Hindi pwedeng maging basehan iyon, para sabihing magagawa nitong magbayad ng malaking halaga para sa akin. Sino ba ako sa kanya? Ni hindi ko alam kung ano ako para sa kanya.

Ilang beses na akong umiyak ng dahil sa kanya, ng dahil sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari. Ang hindi sinasadyang masaktan ako sa pagkakadapa dahil sa paghabol niya sa akin. Ang hindi niya pag balik sa date namin. Ang biglang pagsulpot sulpot niya, at bigla ring pagkawala. Ang masasakit na salitang binitawan niya noong unang pagkikita pa lamang namin. At ang huli, na nakita kong may kahalikan siya. Paano ang lahat ng iyon? Umiling iling ako. Na agad namang ikinaasar ni John. Agad naman nitong hinilaula sa likod ang aking buhok, dahilan para mapatingala ang aking ulo.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now