Chapter 44

576 9 0
                                    

My Heart's Angel

Chapter 44

Daniah

Napabalikwas ako ng makarinig ng malakas na kalabog. Hindi ako makagalaw. Pinilit kong maigalaw ang mga kamay ko. Nilingon ko ang paligid, hindi pamilyar sa akin ang amoy ng paligid. Halos wala akong makitang liwanag. Hindi ko mawari kung dahil ba ito sa pundidong ilaw, o sadyang nagdidilim ang paningin ko. Yumuko ako at ipinilig ang aking ulo. Nakaupo ako sa isang silya, ang mga kamay at braso ko ay nananakit na sa pagkakatali sa aking likod. Nasaan ba ako? Nakaramdam ako ng takot ng maalalang pilit akong isinima ni John. Anong kailangan niya sakin? Anong nagawa ko para gawin niya ito? Inilibot ko ang nga mata ko sa kabuuan ng kwarto. Diyos ko! Tulungan po ninyo ako. Hindi ko po alam kung bakit kailangan nila akong kunin. Anong dahilan nila? At bakit may mga baril sila? Ano ba talaga si John?Sino ba talaga siya?

Sana nakahingi kaagad ng tulong si Chichi. Pero paano nila malalaman kung naasan ako? Ni wala silang ideya kung saan ako nila ako dinala. Lumuluhang sinubukan kong igalaw muli ang aking mga kamay. Masyadong mahigpit ang pagkakatali at masakit sa pakiramdam kapag pinipilit kong igalaw. Wala namang tali ang mga paa ko, pero hindi ko maisip kung paano makakawala sa upuang ito.

Muntik na akong mapasigaw ng bigla ay bumukas ang pinto, nakasisilaw na liwanag ang nasa labas. Ngunit agad rin itong nawala ng isara ng taong pumasok ang pintuang iyon. Narinig ko ang isang click, at maya maya pa ay nagliwanag na ang paligid ko. Unti unting luminaw ang paligid. Pinigil ko ng paghinga ko ng makita kung sino ang tapng pumasok.

"So you're awake? How's your sleep?" tanong niya na iniluhod pa ang isang tuhod para magkapantay ang ing paningin. Ngunit iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ako sumagot. Ayokong sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng taong ito.
Nang walang marinig na sagot mula sa akin ay yumuko ito at tumawa ng mahina.

"I'm sorry..my bad. Hindi nga pala komportable ang pagkakaupo mo.." iiling iiling na nakangising sabi nito.

"Tell me Daniah..do you want me to untie you?" awtomatikong bumalik ang tingin ko sa kanya. Seryoso ang mukha nito na wari'y naghihintay ng isasagot ko. Gagawin nga kaya nyang kalagan ang pagkakatali ko?

"J-John..a-ano bang kasalanan ko sayo? B-bakit mo ginagawa ito?" alam kong ramdam niya ang takot sa boses ko. Pero gusto ko ng kasagutan. Kung kidnapping man ito, wala namang ibang tao na magbabayad ng ransom para sa akin. At wala rin akong ganong kalaking pera para pag interesan niya, at alam niya iyon.

"So you want to know why?" ipinilig nito ang kanyang ulo at tinitigian ang mukha ko. Lumaban ako ng titigin, pero tila napapaso ako sa mga titig niya. Malayong malayo na siya sa John na nakilala ko. Na minahal ko. Pakiramdam ko ay pagkukunwari lamang lahat ng ipinakita nya noon sa akin.

"A-ang sabi mo, maganda na a-ang buhay mo, may maayos ka ng t-trabaho? Bakit kailangan mong g-gawin ito? H-hindi ko maintindihan.." nalilito kong tanong.
Humalakhak ito. Halakhak na akala mo ay masayang masaya siya.

"You really don't have any idea, don't you?" ikinuyom ko ang aking mga kamao. Pakiramdam ko ay mayroon siyang malaking lihim.

"Okay..you want me to tell a story?" itinaas nito ang kanyang kilay. Hindi ako sumagot. Natatakot akong magkamali sa isasagot sa kanya.

"Fucking answer me!" napapikit ako ng bigla ay sumigaw siya.

"O-oo.." nag aatubili kong sagot.

"Okay..now you know how to fucking speak huh..?" muli ay ngumisi ito, na tila nag eenjoy sa nakikitang takot saking mga mata.

"Uhmm..where can we start? Oh..simulan natin nung ipinanganak ako?ha?" hindi ko alam kung nagtatanong siya, pero tumango tango ako.

"I was born illegitimate. My mother was once an executive assistant in a company, where her boss..her fucking boss raped her.." naningkit ang mata nito. Ni minsan sa ilang taon na nagsama kami, ay hindi niya iyon nabanggit man lang sa akin.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now