Chapter 33

586 13 0
                                    

Chapter 33

Daniah

Limang araw matapos akong makalabas ng ospital ay pilit kong inalam kung saang ospital rin naroon ang lalaking hostage taker. Tatlong araw lang naman ang itinagal ko sa ospital dahil at madali lang rin naman akong naka recover. Sa tingin ko nga ay pwede na rin akong pumasok s trabaho, pero binigyan ako ng isa pang linggo para tuluyan pang makapag pahinga. Gustong gusto kong malaman kung ano ang kalagayan ng lalaking iyon, pati na rin ang kanyang asawa. Ang akala ko noon ay sa tv lang nangyayari ang mga ganun, mang hohostage dahil sa kagipitan, mang hohostage dahil sa pangangailangan.

Muli kong sinipat ang gasa na nakatakip sa aking leeg, ng makitang maayos naman ang pagkakadikit nito ay mabilis ko ring pinasadahan ng tingin ang aking suot, at ng makontento na ay agad na akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa aming sala kung saan naghihintay ang walang iba kundi si Mr. Romano. Ang lalaking iyon na hindi na mawala wala sa isipan ko. Mula ng araw na iyon sa ospital, ng una niya akong mahalikan, ay may tumutubo ng kung ano sa puso ko, na palaging nag aasam na makita siya. Hindi ko man lubos na naiintindihan kung bakit ganito ang ipinapakita niyang interes sa akin, hindi ko man maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagpapa ubaya, ay may kasiyahan akong nararamdaman. Sa tuwing magtatama ang aming paningin, pakiramdam ko ay lagi akong namumula at tumatalon naman ang puso ko. Para akong bumalik sa pagka teenager sa mga ikinikilos ko. Alam kong hindi dapat ako pumapayag na basta na lamang niya halikan kung kaylan niya maisipan. Pero ang mga halik niya, ay tila ba nagpapahiwatig ng pag angkin. Ang bawat haplos niya sa aking pisngi, o sa aking kamay, ay nagbibigay ng pakiramdam na sobra akong mahalaga. Pero kahit isa dun, ay hindi ko sigurado kung totoo, dahil wala naman akong naririnig mula sa kanya, kung bakit niya ito ginagawa at kahit naman ako ay walang lakas ng loob para tanungin siya. May bahagi ng puso ko ang natatakot na malaman ang katotohanan.

Nahirapan rin akong pilitin siya na ipaalam sa akin kung saan ang ospital. Pero matapos naming mapagkasunduan na na sasamahan niya ako ay pumayag na rin ito. At ngayon nga ang araw na pupuntahan namin ang taong iyon.

"X-xavier.." tawag ko sa kanya, isang bagay na nagbago sa akin ay ang madalas kong pagka utal kapag siya ang kausap ko. Agad naman itong nagtaas ng tingin mula sa pagkakatitig sa kanyang cellphone. Diyos ko, nag uumapaw ang kagwapuhan ng lalaking ito. Casual wear lang ang suot nito, pero hindi pa rin maikakailang sobrang kisig nito, at sobrang pinagpala sa pisikal na anyo. Pati ang amoy nitong araw araw ko na rin yatang na mimiss ay talaga namang nagdudulot ng kakaibang damdamin.

"Lovely.." puri nito at nagpakawala ng ngiting nakalalambot ng tuhod, matapos pasadahan ng tingin ang aking simpleng kasuotan. Tumayo ito at lumapit sa akin. Mukhang alam ko na ang gagawin nito, kaya agad na akong tumalikod at nagsalita.

"Halika ka na at ng makabalik rin tayo kaagad.." nagmamadali akong naglakad patungo sa pintuan, pero nagulat pa ako ng may dalawang brasong pumulupot sa beywang ko, nangilabot pa ang buo kong katawan ng maramdaman ang mainit nitong hininga sa aking leeg. Santisima!

"Good Morning Beautiful.." bulong nito. Hinarap ako at saglit na tinitigan, tsaka hinalikan sa ilong.

"Let's go.." hinawakan ng nito ang nanlalamig kong kamay sa umaga, at inalalayan ako hanggang sa pagsakay sa kanyang bagong kotse?iba na naman ang kulay? Aba naman. Araw araw yata itong nagpapalit ng kotse.
Matapos akong alalayan sa pagpasok at pas upo sa loob ay umikot na ito sa driver's seat. Napaka maginoo ng taong ito. Napaka swerte naman talaga ng girlfriend niya. Nakaramdam ako ng lungkot sa isiping may girlfriend nga ito. Eh ikaw? Hindi ba ikaw ang girlfriend niya? Ako nga ba? Oo..ikaw..hindi pa ba sapat lahat ng ipinapakita niyang pag aalala, pag aasikaso at paglalambing sayo? Wala namang kompirmasyon ang lahat. Haay..dahan dahan akong huminga ng malalim. Nagtatalo na naman ang isip ko. Itinuon ko ang aking pansin sa daan. Ilang minuto pa ang nakalipas ng maramdaman kong hinawakan nito ang aking kamay at ipinatong sa kanyang hita. Nakita mo? Kaylangan niya pang hawakan ang isang kamay mo para makapag maneho. Sinundan ko ng tingin ang mga kamay namin at nilingon ito.

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon