Chapter 2

1.2K 24 0
                                    

Chapter 2

Daniah

" J-john?" halos malaglag ang puso ko sa pagkabigla. Umakyat din yata yung dugo ko sa ulo sa sobrang nerbyos. Hindi ako dapat magpahalata, kahit bigla ay nangatog na naman ang mga binti ko, kaylangan kong umakto ng normal. Pakiramdam ko ay hindi na ito ang John na malumanay at mahaba ang pasensya, wala na ang John na yun, kaya kaylangan kong mag ingat.

" Bakit nakatanga ka pa jan? Lumabas ka na! Maliligo ako! " naka kunot noo nyang sabi. Habang nakatitig sya sakin, ay nagkaroon din ako ng pagkakataong pagmasdan si John, yung buhok nya na palaging maayos at sunod sa uso ang gupit, ngayon ay humahaba na, ang mga mata nya na dati ay parang laging nakangiti sa akin, ay parang nanlilisik at nagkaroon na ng maiitim na eyebags. Yung pisngi nyang makinis, ay umimpis na. Hindi na rin pala sya nakakapag ahit ng bigote. Ano na nga bang nangyari sayo John?tanong ko sa sarili ko, nakaramdam ako ng takot, dahil malayo na ang John na kaharap ko ngayon sa dating John na mahal ko. Sadya bang nagbabago ang tao? Bakit madaling maipluwensyahan ang tao? Bakit marupok ang tao?Bakit sa dinami dami ay si John pa. Si John na labis labis kong minahal.

" Ano?tititigan mo na lang ako? Pinairal mo nanaman yang tulala moments mo eh! Lumabas ka na nga! Nakakairita ka na!" asik pa nya ng ma zone out ako sa pagtitig sa mukha nya. Sa gulat ko ay nagmamadali akong lumabas ng cr at tumakbo paakyat sa taas. Mabuti na lang at binulsa ko yung cellphone nya bago ko binuksan ang pinto kanina.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag, pero di sapat yun para mapawi yung sakit ng nararamdaman ko. Di maikakaila na hindi basta basta ang mga nalaman ko, mas gugustuhin ko pang ibang babae ang maging dahilan ng pagbabago nya sa akin, pero ang bawal na gamot? Sa dami ng mga nababalita ngayon, na pinapatay dahil sa droga, dinudukot, o bigla na lang nawawala, lalo akong nakaramdam ng takot para kay John. Maayos ko namang naibalik yung cellphone sa bulsa ng pantalon nya kung san ko iyon kinuha, at tsaka ako lumabas ng kwarto, at bumaba sa sala, hindi ko yata kayang makasama sya sa kwarto o makausap man lang, may guilt akong nararamdaman dahil nakialam ako sa gamit nya, at the same time, hindi ko sigurado sa sarili ko na kaya kong umakto ng normal ng matagal kung magkakasama kami, kaya kaylangan kong umiwas muna.

" Aalis ako..may biglaang meeting kami sa office, deretso pasok na ko, wag mo na kong hintayin." bungad nya ng hindi man lang ako tinitingnan habang pumupindot sa cellphone nya at dere deretsong lumabas ng bahay. Parang dininig naman ang panalangin ko dahil maaga syang aalis ngayon. At alam ko nang matagal na naman bago sya uuwi. Nung mga unang beses na hindi sya nakakauwi ay nag aalala ako, umiiyak ako dahil kahit anung tawag o text ko ay di sya sumasagot, pero ngayon, pakiramdam ko ay mas gusto ko pa na huwag na muna syang umuwi ng makapag isip muna ako, pero ano naman ang pagiisipan ko?ang makipag hiwalay na sa kanya?o umalis na lang kaya ako ng walang paalam? Ihanda ko kaya ang sarili ko para sa pagbalik nya ay mapag usapan namin? May pag asa pa kaya? Kaya ko bang tanggapin ang lahat ng nalaman ko? Kaya ko bang magpatawad? Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko habang hinahatid ko sya ng tanaw sa bintana, ibinuhos ko ang lahat ng emosyon ko habang nag iisa ako sa kwarto namin, kung hindi pag iyak, ay kinakausap ko ang sarili ko, kung bakit umabot ako ganitong sitwasyon.

Lumipas ang araw, mga linggo at buwan, hindi na umuwi si John, yun na pala ang huling beses na makikita ko sya, hindi ko alam kung iniwan na nya ako, kung may nangyari bang hindi maganda sa kanya. Pero mas hiniling ko na lang na sana, iniwan na lang nya ako kaysa sa napahamak sya. Naging napaka hirap ng araw araw ko mula ng mawala sya.

Hindi ako halos makakain sa pag alala, lalo pang dumalas ang tulala moments ko kahit nasa trabaho ako. Hindi ko na sya matawagan, hindi na rin sya sumasagot sa mga text ko. Ilang beses ko ring pinuntahan ang lugar ng trabaho nya, pero hanggang emoloyees entrance lang ako. Guard lang ang nakakausap at napagtatanungan ko, na ang palaging sagot lang ay hindi na daw oumapasok si John, hindi na rin daw nya ito nakikita. Nag aalala ako para sa kanya, natatakot din ako para sa kanya, at natatakot din ako para sa sarili ko, hindi ko alam kung pano mabubuhay ng mag isa. Umaasa pa rin ako na panaginip lang ang lahat, at magigising ako na kasama ko si John, na masaya pa rin kami, at mahal pa rin nya ako. Wala rin akong malapitan na kamag anak nya, dahil sa kwento nya, ay ulila na rin syang gaya ko. Ngayon, apat na buwan na kong naghihintay sa kanya, apat na buwan na akong namumuhay mag isa, ang bahay na pinuno namin ng masasayang ala ala, ay nabalot na ng kalungkutan. Nahihirapan na akong maghintay sa wala, hindi ko alam kung babalik pa ba sya, o kung dapat pa ba akong maghintay, paano ko gagawin yun kung wala na ang lahat ng bakas nya. Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin, o kung saan ko sya susundan. Halos natuyo na rin ang mga luha ko, isang part ng isip ko ang nagsasabing mag move on na ako, isang part naman ang nagsasabing maghintay pa ako dahil kaylangan ko ng closure. Napakahirap magdesisyon dahil alin man dun ang piliin ko, alam kong mahihirapan pa rin ako.

Pinahid ko ang masaganang mga luhang walang tigil sa pagpatak sa mga mata ko. Mahal ko si John, minahal ko sya, pero alam kong dapat na akong magpatuloy. Mananatili sa puso ko ang bawat sandaling pinagsamahan namin. Kung ano man ang naging pagkukulang ko na maaring naging dahilan kung bakit ganito ang sinapit ng relasyon namin, ipinagdarasal ko na sana mapatawad nya ako kung nasan man sya ngayon. Pero para sa sarili ko, handa na kong magpatuloy. Ilang araw ko ring pinag isipan ang bagay na ito. Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. Kaya dapat maging matatag ako. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan, bawat hakbang ko ay nahihirapan akong huminga, iiwanan ko na ang bahay na akala kong magkakanlong na sa akin habang buhay kasama ang lalaking nangako na buong katapatan nya akong mamahalin at di ako iiwan.

"Daniah anak, nasa labas na yung taxi na pinatawag mo," si Nanay Mercy, ang mabait naming kapitbahay na kung tratuhin kami ni John ay para na rin nya kaming anak, at ganun rin naman kami sa kanya, para na rin kaming nagkaroon uli ng nanay sa katauhan ni Nanay Mercy, lalo na ako, dahil talaga namang naghahanap ako ng kalinga ng isang Ina. Napag usapan pa namin noon ni John na kapag kinasal na kami, ay kukunin namin syang Ninang. Pero, hindi na mangyayari yun. Hindi na pala kami ikakasal. Wala na palang mangyayaring kasal.

"Nay Mercy, kayo na po ang bahala dito sa bahay, iiwan ko po ang lahat ng gamit, pati po ang susi, kayo na po ang bahala, b-baka po kasi maisipan pang bumalik si John, kung ano po ang itsura nung bahay pag alis nya, s-sana po ay ganun pa rin nya madatnan." nahihikbi kong sabi. Kay John nakapangalan ang bahay, kaya hindi ako nararapat na tumira o magtagal pa dito, siya kasi ang mas malakas kumita sa amin, nag ambag man ako ay kaunti lang iyon, kaya mga personal na gamit lang ang dadalhin ko, pero sa mga sinabi ko, parang gusto kong bumalik sa loob at maghintay pa rin, paano nga kung bumalik si John dito at wala na ako?Iisipan nyang di ako naghintay, iisipin nyang kay bilis kong sumuko.

"Anak, palayain mo na ang sarili mo, kung babalik pa si John, hindi na sana aabutin ng ganito at hindi ka nya paghihintayin ng ganito katagal. May mga bagay na akala natin ay atin na, yun pala ay hindi. Pero tandaan mo, may mga bagay na kinukuha ang Diyos, para palitan ng bagay na mas karapatdapat para sayo.." malungkot pero nakangiting sabi ni Nanay Mercy habang hawak ang mga kamay ko.

Niyakap ko sya, na para bang sa kanya na lang ako humuhugot ng lakas. " Nay, salamat sa pag gabay ninyo s-samin ni John, hindi ko po kayo ma-kakalimutan, alam nyo naman po kung ang cellphone number ko. Kung may kaylangan po kayo, tawagan nyo lang po a-ako." pautal utal kong sagot. Tumango tango naman sya habang habang dahan dahang tinatapik tapik ang kamay ko.

"K-kayo na po ang bahala dito Nanay Mercy. T-thank you po sa lahat..." napahagulgol ako kaya niyakap ko na si Nanah Mercy.

" Tumahan ka na..kung san ka man makarating anak, alam kong magiging masaya ka uli..dalawin mo ako kapag nangyari yun ha?balitaan mo ako kahit minsan. Ingatan mo ang sarili mo, at iwasan mong matulala, lalo na ngayong pupunta ka sa ibang lugar." nakangiti nitong paalala na para bang may naalalang nakakatawa tungkol sakin, madalas kasi akong matulala, lalo kapag may iniisip ako, o bigla akong nakakita ng mga bagay na bago sa paningin ko. Pinahid niya ang mga luha sa mata ko at inakay na ako palabas ng bahay papunta sa taxi na naghihintay sa labas ng gate.

"Daniah anak, humayo ka na at hanapin ang kaligayahan mo." at pagakatapos nun ay niyakap nya ako ng mahigpit. Isang malungkot na ngiti na lang ang kinaya kong itugon kay Nanay Mercy. Hindi na siguro akoagiging masaya, mula noong bata pa ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang saya, sa piling ni John, sagot ng isip ko habang pumapasok ng taxi. Ako na lang uli mag isa. Mag isa na naman uli ako. Nakatadhana na yata talaga akong mag isa sa buhay. Isang malalim na buntong hininga ang dahan dahang kumawala sa dibdib ko.

itutuloy..

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now