Chapter 26

686 13 0
                                    

Chapter 26

Daniah

5:30 ng umaga ay nag alarm ako para makapag jogging. Ilang day off ko na rin ang nagdaan na hindi ako nakatakbo. Dala na rin ng mga nangyari nitong mga nakaraan. Naging busy rin kami sa pag display ng bagong store collection, dahil magpapasko na. At dahil magpapasko na, ramdam na ang malamig na panahon sa tagaytay kaya mas lalong magandang tumakbo. Matapos magsipilyo at uminom ng tubig ay agad na akong nagbihis para makaalis ng maaga, at makabili ng almusal pagbalik. Marami naman madadaanan na nagtitinda ng mga almusal sa highway sa labas ng subdivision, may mga bakery rin naman, kaya madali lang makakahanap ng makakain namin ni Chichi.

Nang makalabas ako ng bahay ay agad na bumungad ang napakalamig na simoy ng hangin, mukhang mas malamig ngayong taon ang buwan ng november. Mas lalo pang lalamig pagsapit ng December. Medyo nakalayo na rin ako sa aming subdivision ng mapansin ko ang isang pula at magarang kotse. Pula at magarang kotse? Pamilyar sakin yun ah. Bigla akong kinabahan, pero di nagpahalatang napansin ko ito. Binagalan ko ang aking pagtakbo para makasigurado kung ang kotseng iyon ay ang kotseng sya ring huminto noong gabing naghihintay ako ng masasakyan pauwi. Tiningnan ko ang suot na relo, 6:28am, may mangilan ngilan rin naman akong nakakasalubong na naglalakad, ang iba ay tumatakbo rin, kaya kahit kinakabahan ay sinubukan kong huminto, para kunwari ay magpahinga at uminom ng tubig. Pasimple ko itong nilingon. Nakahinto ito sa may di kalayuan sa pwesto ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ng dala kong towel ang aking mukha. Hindi naman siguro ito yung kotseng pula na yun, nagkataon lang naman siguro. Pinanatag ko ang aking sarili at muling nagsimulang tumakbo. Di pa ako nakakalayo ay narinig kong nabuhay muli ang makina ng kotse. Syempre kinabahan akong muli, at binilisan ang aking takbo, rinig ko pa ang nakakatakot na buga ng tambutso ng kotseng iyon. Dahil muling nabuhay ang takot sa dibdib ko ay binilisan ko pa ang aking pagtakbo, ilang sandali pa ay muli ko itong nilingon, anak ng tinapa! Nakasunod pa rin? Ano bang problema ng kotseng ito? Ng muli kong itinuon sa harap ang ulo ko, ay siya namang pagkapatid ko sa sarili kong mga paa. Aray!

Paluhod kong bumagsak sa sementadong daan, mabuti na lamang at naitukod ko rin ang aking kamay kung hindi ay subsob ako malamang. Ganun pa man ay napunit sa gawing tuhod ang leggings na suot ko dahil sa pagkaka gasgas, dahilan para magka sugat rin ang aking tuhod, pati na rin ang kamay ko na nakatukod sa semento ay may gasgas.

"Araaay! Pag minamalas ka nga naman!" bulong ko sa sarili habang hirap na itinatayo ang sarili mula sa pagkakaluhod. Iika ika akong naglakad, at muling nilingon ang kotseng may kasalanan kung bakit ako nadapa. Napansin kong nakahinto na ito malapit sa akin at bumukas ang pintuan. Dahil doon ay nagmadali ako,.lakad takbo ang ginawa ko, para makaiwas sa kung ano mang panganib ang nagbabadya.

"Hey! Slow down..!" dinig kong sabi ng kung sino man ang nasa likod ko. Ganun pa man ay hindi ako huminto, hindi na rin ako lumingon pa at nagpatuloy sa paglakad takbo.

"Stop! Daniah!" awtomatiko akong napahinto ng marinig na binigkas ng taong iyon ang pangalan ko. Agad akong lumingon, at ng makita kung sino ang taong iyon ay naguunahang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil dahil sa takot.

Naglakad ako papunta sa gilid ng daan at pasalampak na naupo, pinunasan ko ng towel ang mukha kong pawis na pawis dahil sa.pagtakbo ko, na hindi naman matuyo tuyo dahil sa mga luhang pumapatak. Sa tanang buhay ko ay noon lang ako natakot ng husto. Yung tipong sugatan ka na, pero kaylangan mong magpakatatag at bumangon para mailigtas mo ang sarili mo. Naramdaman ko ang mga yabag ng tao na iyon papalapit sa akin. Pero hindi ko siya nilingon.

"Are you okay?"dinig kong tanong nito. Lumuhod ito at hinaplos ang pisngi ko. Ang pamilyar na pakiramdam na ligtas na ako at may nagproprotekta sa akin ay muli kong naramdaman sa palad na iyon. Kaya ng mag angat ako ng paningin at magtama ang mga mata namin, ay agad ko siyang niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit, ayos lang sakin kung hindi niya ako yakapin, gusto ko lang maramdaman na totoo siya, at siya talaga ito. Na hindi masamang loob ang sumusunod sa akin kanina lang.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now