Chapter 9

893 19 0
                                    

Chapter 9

Daniah

Nakakatuwang malaman na na hit ng branch ang
quota last sale event. Ito ay ayon sa early announcement ng aming mabait na Branch Manager, si Mam Greta. Ang sabi ni Chichi since once a year lang ginaganap ang sale event na yun ay talaga naman raw kasing inaabangan ng mga loyal customers, at sa tagal raw niya sa Empire ay never pa nitong hindi naabot ang quota. Isa pa sa maganda balita ay magiging exciting raw ang parating na Branch Anniversary sa makalawa. Pati tuloy ako ay na eexcite rin, ito kasi ang first time ko na makaka attend ng ganitong party. Meron rin namang ganun sa Spa na dati kong pinapasukan, pero kalimitan ay kainan lang at maiksing programa at awarding. Pero dahil mayamang kumpanya ang Empire, marami raw surpresa sa gabing iyon. Ang theme ng party ay long gown o dress para sa mga babae, at tuxedo o suit naman para sa mga lalake, meron daw kasing Star of the Night Awardees. May raffle, incentives at awards ang mga star employees.

"D..ready na ba yung susuutin mo sa Branch Anniversary?" tanong ni Jissele, sales assistant ng women's wear. Kasalukuyan kaming naka snack break.

" Uhmm..meron na kaming nagustuhan ni Chichi, kaya lang pinag iisipan ko pa rin kung bibili pa ako, o mag rent na lang eh.." sagot ko habang hinahalo ang kape ko. Ayon sa pagkaka kwento sakin ng ibang sales assistant, bongga raw ang party, at dapat raw ay mag dress to impress.

" Alam mo, ok din yung paminsan minsan bumibili ka ng gusto mong mga damit, o gamit, kasi pinaghihirapan mo naman ang ibibili mo ng mga yun.." tugon niya habang ngumunguya ng biskwit.

"Alam ko naman yun, nanghihinayang lang ako, kasi isang beses lang naman gagamitin, pagkatpos nun ay itatago na.."

"Naku, eh hindi naman nabubulok ang damit, pwede mong ibenta kung di mo na gagamitin.."
Imposible yatang ipagbili ko ang mga gamit na pinaghirapan ko. Sentimental akong tao. Kaya siguro kung bibilin ko ang damit na yun, ay itatago ko na lang pagkatapos kong gamitin.

Sa Selling Area

"Thank you Ma'm, balik po sila.." paalam ko sa isang customer na inassist ko ng matapos ang transakyon namin sa Cashier.

"D, nagpa change off na ako para makabili na tayo ng gagamiting gown para sa sabado.." Si Chichi ang naka assign ngayon sa pinaka malapit na cashier sa area ko.

"Talaga Chi? Nakakatuwa naman..ngayon lang kita makakasamang mag day off bukas.." isang taon na ko sa Empire pero ni minsan hindi ko pa nakasamang mag day off si Chichi, napaka rami naming gustong gawin na magkasama, kahit isang araw lang, at bukas, magagawa na namin yun.

Kinabukasan sa Mall

"Mas bagay talaga sayo yung skin tone na dress dun sa kabila Daniah, nung nakaraan pa natin yun napili eh..wag ka ng tumingin pa ng iba, balikan na natin yun.." May pag padyak pang sabi ni Chichi, habang ako naman ay panay pa rin ang pag lingon lingon sa mga display na dress. Kasalukuyan kaming nasa isang botique sa mall na pagmamay ari rin ng Empire.

"Ang mahal kasi nun Chichi eh..baka may makita pa tayong mas mura dito pero maganda rin naman.." sagot ko naman habang isa isang hina hawi at sinisipat ang mga naka hanger ng dress sa isang rack.

"Oh siya sige na nga, bibigyan kita ng oras makapili, in 30 minutes, kapag wala ka pang napili dito, babalik na tayo sa botique na yun. Nagugutom na ko D..kakain pa tayo ng maraming marami remember..?" at naupo ito sa isa sa mga upuan malapit sa fitting room, nilabas ang kanyang cellphone at nag selfie.

Ang totoo nyan ay gustong gusto ko rin naman ng dress na iyon, pero sadyang may kamahalan lang talaga, sa panahon kasi ngayon, mahirap ng gumastos sa bagay na hindi mo naman talaga kaylangan. Sa kabilang banda, meron naman akong pangbili, sadyang nagtatalo lang ang isip ko kung handa ba akong gumastos o hindi. Haay..Daniah..kuripot ka ba talaga, o ano?

Lumipas na ang 30 minutes ay wala pa rin akong napiling dress na mura at babagay sakin.

"Times up, beautiful! Babalik na tayo sa isang botique, nakapag desisyon na ko, iyon na ang bibilhin mo..! Pumapalakpak na sabi ni Chichi at tsaka lumapit sa akin, hinawakan ako at bahagyang hinila palabas.

"Te-teka Chi, mahaba pa naman ang oras natin sa maghapon, tingnan muna natin sa isa pang botique dun.." akmang hahakbang pa sana ako papunta sa isa pang botique, pero agad naman niya akong nahawakan sa braso at hinila uli pabalik.

"Naku! Marami pa tayong nakaplanong gawin ngayong araw, at sa paghahanap palang ng matitipuhan mong dress ay nakaubos na tayo ng tatlong oras. Kaya halika ka na bumalik na tayo dun..!" balak pa kasi namin magpa masahe sana, at kumain ng kumain ng kumain. Yun lang naman ang plano namin. Hindi naman kami pareho mahilig mag pa salon, o manicure at pedicure. Wala rin kaming paghahandang gagawin sa party para bukas ng gabi, dahil may duty pa naman kami bago iyon.

"O-oo na sige na..wag mo na kong hilahin..madadapa ako nyan eh.." reklamo ko ng halos mabunggo na sa mga taong nakakasalubong namin, dahil sa bilis niyang maglakad.

At dahil sa bilis niyang iyon ng akmang papaliko na kami para makapasok sa kabilang side ng botique, ay siya namang pagka bunggo ni Chichi sa kasalubong namin, pasalampak siyang napaupo, na siya namang ikina patid ko at pabagsak na napadapa sa ibabaw niya ng tangkang iwasan ang nakaharang niyang katawan sa sahig na tiles.

"Oh! Look at you two..so cute..!" narinig kong nagsalita ang lalaking nakatayo sa aming harapan. Agad akong tumingala sa pagkakadapa sa kandungan ni Chichi para makita kung kanino ang pamilyar na boses na iyon. "I-ikaw?" gulat kong tanong.

Sino kaya ang taong nabangga nila Chichi at Daniah?❤

itutuloy..

My Heart's Angel (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin