Chapter 4

1K 22 0
                                    

Chapter 4

Daniah

Bago ako tumuloy sa Empire ay naisipan kong bumili ng milk tea para kay Chichi, ang pasok ko kasi na 3:00pm ay snack break naman nya, kaya siguradong magkikita kami sa locker room. Tatlong araw lang naman ganito ang schedule namin dahil sa aming 3 Day Special Sale. Si Chichi ay napunta sa opening team mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, samantalang ako naman ay mula 3:00 ng hapon hanggang 12:00 ng hating gabi. Ang 3 Day Special Sale ay para sa mga tinatawag na Elite Shoppers ng Empire Department Store, sila yung mga shoppers na may kakayahang ma reach ang minimum purchase ng Empire, in short, sila yung mga taong nabibilang sa tinatawag na upper class. Kaya ang 3 Day Special Sale na ito ay para sa kanila, kung saan makakamura sila ng halos higit sa kalahati ng original na presyo ng mga items, na para naman sa amin na mga empleyado lamang ay mahal pa ring maituturing.

"Good Afternoon Ma'am D!" Masiglang bati ni Sir Mike, ang guwardya ng employees entrance. Sa isang taon ko dito ay isa si Sir Mike sa nakagaanan ko ng loob, nasa mid 50's na ang kanyang edad at lahat ng empleyado, mam o sir ang tawag nya, nasabi ko na noon na huwag na nya akong tawaging mam, dahil hindi naman ako boss, pero ayon sa kanya, tanda raw ito ng pag galang, kaya hinayaan ko na lang.

"Good Afternoon Sir Mike!" bati ko naman habang binubuksan ko ang aking bag para sa kanyang inspeksyon.

"Ok clear! May bisita nga pala tayo ngayon mam, kanina lang nag advice ang Office of the Branch Manager," paalala nito, sa twing may sale, o event ay may mga bisita, kaylangan mas pagbutihan namin ang pag aassist sa mga customer, kaylangan din na ipakita namin na sinusunod namin ang mga Company Policies, dahil maaring maging mystery shopper ang mga bisitang ito. Mahigpit raw kasi ang may ari ng Empire, at ayaw nito na may hindi magandang feedback mula sa mga customer, bagay na nauunawaan naman naming mga empleyado.

"Ganun ba po ba sir, anung oras daw po ang dating?" saglit akong huminto para tanungin.

"Naku Ma'am, ganun pa rin, walang nakakaalam," napapakamot sa ulong sagot naman nito.

"Ok lang yan Sir! Pagbutihan na lang natin ah?walang mapapagod! Apir!" sagot ko naman sa kanya.

"Syempre! Walang mapapagod!" nakangiti namang sagot nito sabay apir sa nakataas kong kamay. Nag thumbs up ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa Ladies Locker Room.

Bago makarating patungong locker ay madadaanan muna ang restroom ng mga babae, pati na rin ang private elevator na ginagamit ng mga may matataas na posisyon Empire, at kadalasan rin ay mga bisita. Walang nagkalat na mga empleyado ngayon, tanda na totoong may bisita ngang darating, mangilan ngilan lang ang nagpaparoo't parito, pati na rin ang mga papasok pa lang na marahil ay kapareho ng oras ko. Bago ko malagpasan ang private elevator ay narinig kong may tumawag sa aking pangalan.

"D!" Nilingon ko ang pinang galingan ng boses habang patuloy sa paglalakad, si Clarisse, isa sa mga Sales Assistant ng Mens Executive Wear.

"Hi Clarisse! Halika sabay na ta-" Naputol ang sasabihin ko ng biglang mabunggo ako sa pader, pader? Oo, pader nga, matigas at hindi naman natumba, kaya pader siguro. Pero namutla ako ng makita kong napahinto at nanlalaki ang mga mata ni Clarisse na may bakas ng pag aalala. Hindi nga siguro pader ang nabangga ko. Pakiramdam ko ay inabot ako ng limang minuto sa dahan dahang paglingon ko sa kung sino man ang nabangga ko. Paglingon ko, wala naman akong makita, kundi itim..nawalan siguro ng kuryente, hindi..baka nagpalit ng itim na pintura sa mga pader ang Empire.

"Tssk..!" ng marinig ko iyon ay dahan dahan kong itinaas ang tingin ko, mula sa suot nyang mamahaling black suit, na inakala kong bagong pinturang pader. Mabuti na lang at wala pa akong make up, kundi kakapit yun sa suit nya. Hanggang sa pagtingala ko ay nakita ko ang kanyang mukha.

Santisima!Lord, nasa langit na po ba ako? Bakit may angel sa harapan ko? Totoo ba itong nasa harap ko? Foreigner yata? Si Hercules?hindi..si Achilles? Uhmm..baka si Captain America? Si Hulk ka-naputol ang pagtulala moment ko ng magsalita ang anghel.

"Like what you see?" nakataas ang dalawang kilay na tugon nito, sa walang kagana ganang paraan, na para bang maliit na bagay ang taglay nyang ka gwapuhan.
Tila naman bumalik ang isip ko sa kasalukuyang panahon ng marinig kong magsalita siya,

"Ah..uhmm..naku! S-sorry po.. S-sorry po Sir..!"Ang natataranta kong sagot, wala sa loob na tinangka ko pang hawakan ang kanyang braso, tanda na sincere ang paghingi ko ng paumanhin, ngunit agad naman niya itong iniwas, kaya ipinagsalikop ko na lang ang aking mga kamay sa aking dibdib. Habang patuloy sa paghingi ng sorry.

"You almost..almost ruin my suit!" iritableng sabi nito habang pinapagpag ang parte kung saan nadikit ang mukha ko kanina. Ruin? Muntik ko na raw masira ang kanyang suit? Paanong..kagat labi akong napayuko, pero muling napaangat ang tingin ng maramdaman ko ang pag kilos nya. Kakabog kabog ang dibdib ko ng mapansin yumuyuko ito at dahan dahang inilalapit sa akin ang kanyang gwapong mukha,

"If I were you? I'll be careful next time!" pagkasabi niyon ay walang ano anong tumalikod na ito at ipinasok ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon, bumalik naman sa normal ang paghinga ko na kanina ko pa pala pinipigil, ng ma realise ko na papalayo na ang gwapong lalaki, Ngunit ng tila ba may nakalimutan ay muli itong humarap.

"And Oh... I'm not an Angel.." sarkastikong sabi nito at sinundan ng nakakalokong ngiti. Narinig nya? Akala ko sa isip ko lang iyon sinabi? Nabanggit ko ba iyon ng malakas? Napatulala na lang ako habang tinatanaw ang naglalakad na Anghel, at unti unti na lang akong napanga nga ng makita kung saan ito patungo..."Office Of The Branch Manager". Muling nanikip ang dibdib ko, at napahawak na lang ako sa aking noo. Ihanda mo na ang sarili mo Daniah, bulong ko sa sarili ko.

ps: chapters are not yet edited. Apologies❤

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now