Chapter 18

683 14 0
                                    

Chapter 18

Daniah

Santisima.

Siya na naman?pakiramdam ko ay nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong paakyat ng stage ang gwapo at matipunong lalaking iyon. Na humamak sa pagkatao ko, kani kanina lang. Pero sa kabila nun, nangingibabaw pa rin ang magagandang katangian nya sa isip ko. Panglabas na katangian. Sa panloob, hindi ako sigurado. At ayoko na sigurong malaman.

Muling nagbalik ang sarili ko sa kasalukuyan ng marining na mas tumindi pa ang hiyawan, lalo pa ng mga tili ng mga babaeng empleyado, may pumipito pa at sa tingin ko ay pumupukpok pa sa mesa, sa pagtataka ko ay nilingon ko ang direksyon ng mga mata nila, sa kabilis bilisang paglingon nga naman minsan talaga ay naaaksidente tayo. Dahil huli na ng makita kong napakalapit na ng mukha ng lalaking iyon sa mukha ko. At tumigil ang
mundo.

"Oh my God! Ladies and Gentlemen! They kissed!!! Did you saw that? Talaga namang nasulit ni Ms. Monteverde ang gabing ito. What a lucky girl she is!!!!!" malakas na sigaw ng host. Lumabas yata ang eyeballs ko sa laki ng pagkakadilat ko ng maramdamang nakalapat ang labi nito sa labi ko. Agad akong umatras at tinakpan ng isang kamay ang aking labi, dahil sa pagtulala ko ay di ko na namalayan na naisuot na nito ang sash sa akin, at may hawak na rin akong envelope na sa tingin ko ay ang cash prize.

Lalo akong nahiya sa nangyari, hindi ako makagalaw, gusto kong tumakbo palayo, pero parang nakadikit ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Lito akong napatingin sa CEO ng Romano Group of Companies. Madilim ang mata nito, bahagyang nakayuko, hindi ko makita kung anong reaksyon nya sa nangyari.
Diyos ko. Siya ang may ari ng Empire, sa tingin ko ay hindi niya nagustuhan ang nangyari.

Hindi ko na alam kung pano pa ako hihingi ng pasensya sa kanya, ni ayaw ko na siyang kausapin dahil sa mga narinig kong sinabi niya sa elevator kanina. Nadagdagan na naman ang atraso ko sa taong ito. Makaka ahon pa ba ako sa mga atraso ko?Haay.

"We really don't want to spoil the night, so may we call on the presence of our Branch Manager, Ma'am Greta Hower, for the special announcement.." Maya maya pa ay nakangiting umakyat ng stage si Mam Greta. Una ay lumapit sya kay Ms. Christine, niyakap ito at binati, pagkuwa'y ibinaling ang tingin sa akin at nakangiting lumapit.

"You are so beautiful iha. Hindi kami nagkamali ng pagpili sayo bilang Star of The Night and..I saw it.." tila nanunuksong wika nito habang yakap ako. Tinutukoy nya ang aksidenteng pagdampi ng mga labi na-urggh..nakakahiya talaga.

"Thank you po Mam, hindi ko po inasahan..pasensya na po kayo.." nahihiya at kimi kong sagot sa kanya. Na tinugunan muli nya ng ngiti at pag hawak sa aking braso. Bago lumapit sa host at inabot ang mic.

"Good evening gorgeous ladies and handsome gentlemen. First I would like to thank all of you, for the extra effort you exert everyday for Empire. I want you to know, that this effort are always appreciated by the management. As you can see, Mr. Xavier Niccolo Romano, the CEO of Romano Group of Companies is here personally to join us celebrating our 4th Year Branch Anniversary. As well as Mr. Carlisle Vinn Defuesto.." masiglang wika nito. At nilingon ang dalawang nag gwagwapuhang nilalang na katabi namin ni Ms. Christine.

"So, like what the host just said a while ago, I also don't want to spoil the night. So, I will now proceed to the special announcement.." saglit itong huminto at ngumiti.

"These two beautiful ladies infront of you ladies and gentlemen, will have a dinner date with Mr. Defuesto, and our CEO, Mr. Romano..!" natahimik ang lahat. Pero ng tila makabawi sa pagkabigla ay unti unti na namang umingay ang buong atrium sa sigawan at palakpakan.
Naku naman, magandang balita nga ba yun? bakit may date pa?hindi ba ok na sila na ang nag award?bakit kaylangan may date pa, ibig sabihin ba nun, magkakasama pa kami uli ng lalaking ito?ng kaming dalawa lang?Oh..baka sa susunod na kausapin nya ako ay kung ano na naman ang marinig ko, lalo pa ngayon na aksidente ko syang nahalikan. Sana lumubog na ko sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko nilalagnat na ako sa sobrang init ng pakiramdam ng mukha ko.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now