Chapter 51

646 12 0
                                    

Chapter 51

My Heart's Angel

Daniah

Kulang na lang ay literal na malaglag ang dalawang eyeballs ko ng makita kong nagyakap ang dalawa. Magkakilala sila? At mukhang malapit pa sa isa't isa. Paanong?

"Constantine.." dinig kong sambit ni Mr. Romano. Constantine? Ngayon ko lang narinig ng pangalan iyon.

"Am I late?" tanong nito sa hindi nagbabagong tono ng boses.

"Almost.." sagot muli ni Mr. Romano. Pagkuwa'y nag fist bump pa ang mga ito.

"Santino.." bati naman nito sa lalaking humahabol sa aking kanina lang. Tumango naman ang lalaki sa kanya, tsaka lumapit at nagyakap rin sila.

"So..have you met Daniah?" anito at sa wakas ay napansin akong muli, nakangiting lumapit sa akin at inakbayan ako.

"I'm about to ask her name, but you suddenly shouted it, Daniah..Am I right?" baling nito sa akin. Hindi ako sumagot, bagkus ay ipinukol ang paningin kay Mr. Romano,.

"He's Constantine Arsenio. My childhood friend." anito ng makahalatang may pagtataka sa aking mukha.

"Constantine, this is Daniah, the one I'm telling you.." pakilala nito sa akin. The one I'm telling  you? Ano naman kayang ibig sabihin niyon?

"Yeah..Now I know why the fuck you're acting crazy...! Anito na sinundan pa ng mahinang pagtawa habang pinaglipat lipat sa aming dalawa ni Mr. Romano ang kanyang tingin. Bago nagsalitang muli.

"Did you find him inside?" baling nito kay Mr. Romano.

"He's still inside. As what we've agreed, whomever catch him, he had the privilage to do whatever he wants to do with him.." seryosong wika nito.

"Yeah..yeah..I understand. So you're men were inside now?" tumatango tango namang sagot ni Constantine.

"Yes. I hope you're men will not mistaken my men to be Johansson's.." may ibang mga bagay pa silang pinagusapan, na hindi ko na pinansin o pinakinggan dahil unti unti na akong pinangangatog ng lamig ng hangin. Napansin naman ito ni Constantine, at agad na hinubad ang suot na leather jacket para iabot sa akin.

"And..I hope you'll not be jealous if I hand her my jacket?" tila nang aasar na tanong nito.

"Nah..thank you by the way.." natatawang sagot naman ni Mr. Romano, habang iniaabot ni Constantine sa akin ang kanyang jacket. Mahinang "thank you" naman ang sagot ko rito.

"Boss, we got her!" sabay sabay naman kaming napalingon sa mga bagong dating na may kinakaladkad na tao. Si Ms. Christine!

"Get your filthy hands off me! You bastard!" sigaw nito habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng isa sa mga lalaking kasama ni Constantine.

"Oh! Look what we have here now..?" lumapit ito sa nagwawalang babae para sipatin ng mas malapitan.

"Fuck you!!" mariing sambit nito ng makalapit si Constantine sa kanya. Pero lahat yata kami ay napasinghap ng makitang dinurhan ni Christine ang hindi man lang nabigla na si Constantine. Mayroon pa akong narinig na bumulong ng "shit" sa gawing kanan ko. Naramdaman ko na lamang ang biglang paghatak ni Mr. Romano sa aking ulo, palapit sa kanyang dibdib, kasabay ang isang malakas na putok ng baril, kasunod noon ay ang tila pagbagsak ng isang katawan sa mamasa masang lupa. Napigil ko ang paghinga ko at napapikit ng mariin ng mapagtanto kung ano ang nangyari. Naiyakap ko ang aking mga braso kay Mr. Romano, kasabay ang pagtulo ng mga luha sa tindi ng pagkabigla at takot. Isa rin siyang mamamatay tao? Paano sila naging magkaibigan ni Mr. Romano? Ano ba itong napasok ko? Nanginginig ang mga kamay na Napakapit ako sa likod ng suot nitong damit.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now