Chapter 37

517 10 0
                                    

My Heart's Angel

Chapter 37

Daniah

Masayang malungkot na hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko o dapat kong maramdaman. Hindi ba't ito ang matagal ko ng gusto? Ang makita at makausap ko siyang muli? Ang mga katanungan na matagal ko ng inaasam na mabigyang kasagutan. Ito ang gusto ko, hindi ba? Ang sabi ko sa sarili ko, malaman ko lamang na naging maayos ang buhay niya, ay magiging kontento na ako, at magiging masaya na. Kakayanin ko na, at tatanggapin ko na ang lahat. At makaka usad na ako sa kung anong buhay ang naghihintay sa akin sa hinaharap. Ito ang gusto ko, ang matuldukan na ang bahaging ito ng buhay ko. Ang bahagi kung saan naroon si John.

"I miss you.." Muli akong napatitig sa mukha ng lalaking labis kong minahal. Kita ko sa kanyang mukha ang sinseredad. Na miss mo nga kaya ako John? Paano ko sasagutin ang sinabi niya.

"How have you been? You look more beautiful.." papuri nito, habang pinaglalakbay ang mga mata sa mukha ko.

"A-ayos naman ako. D-dito na ako tumira sa Tagaytay mula noong.." Hindi ko yata kayang ituloy pa ang sasabihin ko. Parang may tinik na nakabara sa lalamunan ko. Unti unti namang bumaba ang tingin niya sa tasa ng kape na nasa aming harapan. Pakiramdam ko, ay hindi niya rin alam kung anong sasabihin. Narito ba kami para pag usapan ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan?

"I know you waited for this for a long time, me too Daniah. I really wanted to explain myself to you..and to tell you the truth. I..I was using drugs that time.." pagtatapat niya. Bagay na alam ko naman. Kaya hindi na rin ako nabigla. Hindi nga lang nabigyan ng pagkakataon na mapatunayan.

"I didn't want to leave you..But I rather do it, kaysa madamay ka sa mga problema ko noon. I am too weak to avoid such habit. Nalulong ako Daniah.." iiling iling nitong sabi.

"In those two years, I' ve never forgotten you. I really want to go back to you.." Nangingilid ang luha niya habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot. Nabibigla ako, hindi makapaniwala. Unti unting tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan ba ako dahil sa loob ng dalawang taon ay nalaman kong ginusto niyang bumalik, pero hindi niya ginawa?O masaya akong malaman na hindi nagbago ang pagmamahal niya para sakin? Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Mabuti na lang at sa sulok kami nakakuha ng pwesto sa coffee shop na ito.

"Daniah..I'm so sorry. I'm sorry for leaving you without you knowing..I swear I came back to our house, unfortunately you're gone, and I don't know where to find you.." pinunasan nito ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. Nag buntong hininga ako, pinakikiramdaman ko ang mga sinasabi niya, pati ang kilos niya. Wala namang nagbago sa kanya. Mas maayos na nga ang pangangatawan niya, at mas lalo pang gumwapo.

"A-anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon?" tanong ko, pilit kong iniba ang usapan. Hindi ko maitindihan kung bakit hindi ako interesado sa mga sinasabi niya, pero lumuluha naman ako. Agad kong pinahid ang luha ko ng dala kong panyo, saglit ko pa itong tinitigan, hindi pamilyar ang panyong ito, wala akong panyong panglalaki. Hanggang sa unti unti kong naalala kung kanino ito, at kung paano ito napunta sa akin. Ito nga pala iyong panyo na ipinahiram sa akin ni..Mr. Romano, noong unang dinner date namin na premyo ko sa pagka panalo bilang star of the night. Haaay...Mr. Romano, namimiss na kita. Pero agad namang bumalik ang mga mata ko kay John na muling nagsalita.

"I lost myself for several months. Before I've realized that I'm only wasting my life for nothing..I fixed myself. I looked for a job. And I am now a Chief Financial Officer in one of the leading bank here in the Philippines.." Kaya naman pala kagalang galang ang pananamit nito. Alam kong matalino naman talaga si John. Kahit noong nagsasama pa kami ay hinangaan ko na iyon sa kanya. Nagsikap rin siya noon ng mag isa. Iyon ang pagkakapareho namin kaya minahal ko siya dahil parehas kami ng pinagdaanan sa buhay. Parehas nag iisa. Naniniwala rin naman ako na malayo ang mararating niya. Sayang nga lang at hindi ko iyon nasaksihan. Pero ganun pa man ay masaya naman ako para sa kanya, na naging matagumpay siya sa kabila ng pagkakadapa niya.

"And you? How have you been during those two years?" inalis nito ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko, at humigop ng kape.

"A-ako? Ah..naging okay naman ako dito, magdadalawang taon na rin ako sa trabaho ko, sales lady ako sa department store.." maikli kong sagot.

"What Department Store?" tanong nito, bahagyang naging pormal ang kanyang mukha.

"Empire Department Store..doon sa Empire Mall rin kung saan mo ako nakitang nag aabang kanina.." dagdag ko.

"Oh..sa Empire? Ang pagkakaalam ko, pag aari ng Romano Group of Companies ang mall na yun.." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit alam niya ang bagay na iyon.

"We have clients from the Empire's Executives you know..kaya we know some of the company's background.." ngumiti na lamang ako at luminga linga sa paligid. Bigla ay parang gusto ko ng umuwi. Ang kaninang pananabik na makausap siya ay unti unti ng nawawala.

"Daniah..?" narinig kong tawag nito. Nilingon ko siya at nakangiti itong nakatitig sa akin.

"I see that you haven't change a lot..cute ka pa rin kapag may iniisip ka.." ngumiti ito. Ngiting gaya noon na nagpapakilig sa akin. Pero ngayon, pakiramdam ko ay wala ng dating ang ngiting iyon. Nahiya naman akong yumuko. Nang may maalala ako.

"Nakita na kita minsan doon sa Empire, m-may kasama kang babae.." nag aalangan kong sabi. Bigla ko tuloy naisip na baka hindi siya iyong nakita ko.

"Oh me? With a girl? I haven't been to that mall yet.." di makapaniwalang tanong nito.

"B-baka h-hindi nga ikaw.." kunwari ay sangayon ko. Pero osangdaan porsyento, alam kong siya yun.

"Maybe, you're just missing me, that's why you're seeing me to other people's face.." pilyong buska nito. Napasinghap naman ako sa sinabi nito. Ang yabang pa rin ah. Si John nga ito. Walang duda. Hindi na ako sumagot. Bigla kasi ay parang gusto kong magtaray.

"Uhmm..Daniah..can I get your number? Well..I know we just met each other again, but..I really want to talk to you..maybe some other time so we could catch up.." Nahihiyang tanong nito. Saglit akong nag isip. Tapos na ba kaming mag usap? Yun na ba yun? Parang marami pa akong gustong tanungin sa kanya, pero ngayon ay wala akong maalala kahit isa. Ah..bahala na..hindi naman niya siguro ako aayaing lumabas ano? Pakiramdam ko kasi ay okay na ako. Para bang hindi na ako malungkot. Binigay ko ang cellphone number ko, at tsaka nagpaalam na kaylangan ko ng umuwi. Pinipilit niya akong ihatid, para hindi na raw ako mahirapan sumakay, pero hindi na ako pumayag. Ayokong malaman niya kung saan ako nakatira. Hindi ko alam kung bakit. Pero ayoko.

Nang makasakay ako sa pinara kong taxi ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ako makapaniwala na nakita at nakausap ko na ang lalaking matagal ko ring hiniling na masilayang muli. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi naging ganoon kasaya ang pakiramdam ko. Lagi ko siyang iniiyakan noon. Hindi siya mawala sa isip ko at palagi kong hinihiling na sana ay makita ko siyang muli. Pero ngayong nangyari na, bakit pakiramdam ko ay hindi naman pala ako nasabik sa kanya? Na saglit na paguusap lamang pala ang kaylangan ko para maging okay na ako? Kinuha kong muli ang panyong sumalo ng mga luhang pumatak sa mga mata ko kani kanina lang..Dahil ba sayo kaya parang balewala na sakin si John? Ikaw ba ang dahilan Mr. Romano?

Itutuloy..

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now