Chapter 31

577 15 0
                                    

Chapter 31

Daniah

"She's awake.." unti unting lumalakas ang mga boses sa paligid. Hindi ko pa man naididilat ang aking mga mata ay nasisilaw na ako. Masakit ang buo kong katawan, pakiramdam ko ay nagbuhat ako ng mabibigat na bagay.
"Daniah..can you hear me? Are you awake?" dinig kong tanong ng isang boses. Sa tingin ko ay ngayon ko pa narinig ang boses na iyon. Pinilit kong idilat ang aking mga mata, pero sa pagtatangka ko dala ng maliwanag na paligid ay naipikit ko pa ito ng husto.

"Hey..you said she's awake? What the fuck?" Isang boses pa ang narinig ko. Nag tatalo sila ng unang nagsalita. Pero waring pareho naman silang nagpipigil ng lakas ng kanilang boses, animo'y pabulong lang ang kanilang pagtatalo.
Nang pakiramdam ko bahagyang nabawasan ang liwanag ay sinubukan kong muling idilat ang aking mata. Lumakas ang mga boses ng mga nag uusap.

"Oh God! She's awake. She's opening her eyes. Shut up Xave..Daniah..hey..can you hear me?" Ngayon ay mas klaro na ang dinig ko sa boses. Si Carlisle iyon. Naramdaman kong lumubog ang gawing kaliwa ng hinihigaan ko. Kaya ng imulat ko ang aking mata ay dahan dahan kong nilingon kung sino iyon, agad naman akong pinigil ng maiinit ng palad dalawang maiinit na palad, hinaplos ng aking pisngi, habang hinawakan naman ang isang kong kamay. Hindi ko maigalaw ang leeg ko, meron akong sakit na nararamdaman sa parteng iyon.

"Daniah..are you ok? Does anything hurt? " dahil narinig ko na rin naman ang pagbanggit ni Carlisle sa kanyang pangalan, malinaw na rin ang pandinig ko sa isa pang boses, si Mr. Romano.

"Uhmm..yung leeg ko po, medyo makirot.." hirap akong magsalita. Tumunog naman ang kanyang cellphone, ramdam kong wala sana siyang balak sagutin iyon, pero pagkatapos ng isang malalim ng buntong hininga ay umangat ang kaliwang bahagi ng kama, tanda na umalis ito sa pagkakaupo ara sagutin ang tawag.

"Just a second.." bulong nito at muling hinaplos ang pisngi ko. Iniikot ko ng paningin ang buong kwarto, nasaang ospital kaya ako?napakaganda naman yata ng kwartong ito. Palitan mo lang ang patient bed ay mukha na itong hotel room sa ganda. May malaking bintana pa, na sa tingin ko ay napaka ganda rin ng view.

"Thanks God! You're awake now. You scared us all. Alam mo bang halos maubusan ka ng dugo sa pagkakasaksak sayo ng hayup ng lalaking yun?" gigil na sabi ni Carlisle.

Sa sinabi niyang iyon ay unti unti kong naalala ang mga pangyayari. Ang hostage na naganap sa mall. Ang lalaking nag amok dahil sa kagustuhang makabili ng gamot ng kanyang asawa. Ang pagkalaglag nito sa hagdan, at ang pagbaon ng kutsilyo sa aking leeg. Nag uunahang pumatak ang luha ko. Nagbalik ang takot at nerbyos na naramdaman ko.

"Hey..hey..d-dont cry!" alo nito.

"What the fuck did you do Carl?" galit na tanong ni Mr. Romano at muling umupo sa tabi ko.

"I didn't do anything, I just said that the knife almost pierced her neck..!" katwiran nito.

"Get the fuck out of here! Call the Doctor in-charge!" utos naman ng CEO.

"Okay..okay..calm down..Hey, Daniah do you want me to call your friend?" wika ni Carlisle na waring sumusuko pa sa pagtaas ng kanyang dalawang kamay.

"I already called her.." angil uli ng CEO.

"Okay..I'll wait for you outside.." tatango tangong sagot nito, muli akong binalingan at ngumiti bago tuluyang lumabas.

"Do you want some water?" mahinahon na ito ng muling magsalita. Na tinanguan ko naman. Nagsalin ito ng tubig sa isang baso at itinaas ng bahagya ang aking higaan hanggang sa aking baywang sa posisyong para na rin akong nakaupo.

"Here..let me help you.." inalalayan nito ang ulo ko at inalapit ang baso sa bibig ko. Makirot man ang aking leeg sa twing lulunok ako ay nagawa ko pa ring lumunok ng tatlong beses dahil sa matinding uhaw.

My Heart's Angel (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora