Chapter 42

549 12 0
                                    

Chapter 42

My Heart's Angel

Daniah

Lakad takbo. Kahit nananakit pa ang katawan ko ay nagmadali akong makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko rin kinaya ang hagdan dahil nasa 31st floor pala ang sa tingin ko ay penthouse niya. Sa elevator pa lang ay puro mukhang may mga sinasabi sa buhay ang mga nakasabay ko. Tama. Hindi ako nababagay sa lugar na ito, at hindi ako babagay sa kanya. Kaya babalik na lang ako sa lugar kung saan ako nararapat, kung saan masaya naman ako nung hindi ko pa siya nakikilala. Pinahid ko ang mga luhang patuloy sa pagpatak. Sana hindi na kami magkita..sinasabi ko pero alam kong hindi ko rin gustong mangyari. Mahirap talagang kalaban ang puso. Pero nagawa ko noong una, bakit hindi ko magagawa ngayon? Maikling panahon pa lang naman kaming magkakilala, hindi imposible yun, hindi ba? Pero bakit ayaw tumigil sa pagtulo ang mga luha ko? Dahil ba akala ko ay may nararamdaman rin siya para sa akin? Dahil ba sa mga ipinakita niyang pagmamalasakit, akala ko ay mahal na rin niya ako? Umiling iling ako. Tama na Daniah! Lumayo ka na, at wag ka nang magpapadala uli sa damdamin mo. Wala siyang nararamdaman para sayo. Mali lahat ng akala mo.

Nang makababa ako sa taxi na sinakyan ko mula sa building na iyon ay lakad takbo uli ako para mabilis makarating sa bahay. Maaga pa kaya sigurado akong hindi pa nakakaalis si Chichi, handa na akong sabihin sa kanya lahat ng nangyari. May pagsisisi akong hindi ko man lang sinabi sa matalik kong kaibigan ang masasakit na naramdaman ko dahil kay Mr. Romano. Hindi sana, noon pa lang ay may nakakausap na ako tungkol sa sitwasyong kong ito.

May pagtatakang binuksan ko ang gate ng aming bahay, hindi naka padlock. Pero marahil ay sadyang hindi isinara ni Chichi sakaling umuwi ako. Maingat kong isinara ang gate, at tumuloy na sa pintuan papasok ng bahay. Bukas rin ang seradura ng pinto? Kinabahan akong bigla. Chichi!

"Chi?" walang tugon.

"Chichi?" mahina akong kumatok sa kwarto niya. Walang ingay, baka tulog pa. Nagulat pa ako ng bigla ay may kumalabog sa loob ng kwarto niya. Mabilis kong binuksan ang pinto at takot ang una kong naramdaman ng makita ang limang lalaki sa loob ng kwarto. Napako ako sa aking kinatatayuan ng mahagip ng mata ko si Chichi na nakagapos ang mga kamay sa magkabilang gilid ng kanyang kama, at tinatakpan ng isang lalaki ang kanyang bibig.

" Uh..!uhmm!" nagpipilit itong makawala sa pagkakatali. Ako naman ay isa isang tiningnan ang mga lalaki, nakakatakot ang mga itsura nila, animo'y isang kilos mo lang ay handang pumatay ang mga ito. Napadako ang mata ko sa isang lalaking nakatalikod, at nakatanaw sa bintana ng kwarto ni Chichi.

"D! Takbo! Hinahanap ka ni-" Hindi naituloy ni Chichi ang sasabihin niya dahil agad siyang sinampal ng lalaking hindi ko namalayang nakagat pala niya ang kamay.

"Araaaay! Nakadalawang sampal ka na sakin!" Ganting sigaw ni Chichi, pero agad ring natahimik ng makitang inilabas ng lalaki ang baril nito mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Alam kong matapang ang kaibigan kong ito. Pero sa pagkakataong ganito, alam kong walang magagawa kahit pagsamahin pa ang lakas ng loob naming dalawa.

"D-Diyos ko. H-huwag nyo pong saktan ang kaibigan ko..A-ano po bang kasalanan namin? A-ano pong kaylangan ninyo?" pagmamakaawa ko. Hindi ko kayang makita sa ganitong sitwasyon ang sarili kong kaibigan. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa kanya sa mismong harapan ko.

"Wala naman kaming ibang kaylangan...kundi ikaw!" Naningkit ang mata ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaking nakatalikod. Bumilis ang paghinga ko ng dahan dahan itong humarap.

"I-ikaw?" kunot noong tanong ko.

"B-bakit? Paanong?" Hindi ko malaman kung anong sasabihin sa labis na paglabigla. Anong kaylangan niya at bakit may kasama siyang mga lalaki?

"Wait..wait..wait..isa isa lang ang tanong..mahina ang kalaban.." sagot nito saka ngumiti ng ngiting nakakakilabot.

"First..Ikaw ang kaylangan ko..second, madali ka lang na man matunton..even you keep on ignoring my fucking calls!!" bigla sigaw nito. Diyos ko! Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Dahil ba hindi ako sumasagot sa mga text at tawag niya ay nagalit siya ng husto? Aminado ako, hindi ko iyon nagawang sagutin, pero hindi ko naman iyon sinasadya. Kaylangan ko lang sana ng panahon, lalo pa't magulo rin ang isip ko ngayon.

"Ooops..I know what's inside that little brain of yours! You think I'm too affected by you, who doesn't give a damn to my efforts? Huh?" Ano bang sinasabi niya?

"H-hindi ko maintindihan John, ano bang gusto mo?" tanong ko, natatakot ako at nanginginig ng sobra.

"No. Ofcourse, you won't understand baby..that's why, you are coming with us, and I'll explain it to you.." Hindi. Isasama nila ako? Umiling iling ako at lumikot ang mga mata, baka sakaling mayroong kahit anong makapagsalba sa buhay namin ni Chichi.

"Don't you ever try to think something that will just lead to more damage baby.." muling nagtama ang mga mata namin ni John, lalo akong nagimbal na kinuha nito ang baril na hawak ng lalaking katabi ni Chichi, at itinutok ito sa ulo nito. Para na akong hihimatayin sa tindi ng nerbyos. Na alarma ako, habang si Chichi ay lumuluhang umiiling iling..

"Please..wag nyo siyang sasaktan..pakiusap, wag nyo siyang idamay.." nagsusumamong hinarap ko si John, gusto kong maglakad papalapit sa kanya para magmakaawa. Pero natatakot ako para sa buhay ng kaibigan ko.

"Ofcourse.." sagot naman nito, at inalis ang pagkakatutok ng baril.

"Are you coming? Or I'll blow your friend's fucking brains out? You know I don't have any patience in me, do you Daniah!?" Nagpalipat lipat ang tinging ko sa kanilang dalawa ni Chichi. Umiiling iling si Chichi, at alam kong ayaw niyang sumama ako. Pero wala akong magagawa, baka totohanin ni John ang banta nito. Pumatak ang mga luha ko. Hindi ko kayang mapahamak si Chichi dahil sa akin. Dahil sa hindi maintindihang dahilan.

"Okay..let's go back to our basic counting 1 to 3 ok? 1.." umiling iling ako ng muli nitong itinaas ang baril at itinutok muli kay Chichi.

" 2..." Halos hindi na ako makapag salita sa takot. Yung pakiramdam na helpless ka, at wala sino mang maaaring makatulong sayo ang lalong nakadagdag sa takot na nararamdaman ko.

"3-"

"Sasama na ako! Sasama na ako! Pakiusap, huwag mo siyang saktan John!" lumuluhang tiningnan ko si Chichi na dinig na dinig na rin ang pag iyak, alam kong natatakot din siya para sa buhay niya, at hindi ko rin hahayaan na mapahamak siya. Hindi ko makakaya. Umiling iling ito, pero walang lumabas na salita sa bibig nito.

"Okay..okay..enough with the drama..untie her left arm!"utos nito, pagkuwa'y sinenyasan nito ng mga lalaki na lumabas na. Agad namang kinalas ng isang lalaki ang tali sa kaliwang kamay ni Chichi. Samantalang si John naman ay agad na lumapit sa akin at marahas na hinila ng braso ko.

"See? I'm still nice to the both of you..despite of everything..Now..let's go!" pakaladkad akong hinila ni John palabas ng kwarto, nilingon kong muli ang umiiyak na si Chichi, at ngumit rito, ngiting alam kong ramdam rin niya ang takot ko.. Halos bumangga sa lahat ng madaanan namin ang katawan ko sa bilis ng lakad nito.

"Daniah! Huwag kang sumama sa kanila! Baka kung anong gawin nila sayo D!" umiiyak na sigaw nito. Wala na akong magagawa, lalo na kung buhay naming pareho ang nakataya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni John at kung ano ang balak niya. Wala naman akong maisip na naging malaking kasalanan ko sa kanya dahil iisang beses pa lang kami nagkatagpo matapos ang ilang taon. Isip Daniah! Kaya mo silang takasan! Sigaw ng isip ko. Nang makalabas kami ng pinto ng bahay ay agad kong tinanaw ang mga lalaking pinauna na niyang makalabas kanina, tanaw kong nasa labas na ng gatw ang mga ito, at dalawa na lang ang naghihintay sa labas ng kotse. Hinugot ko ang halos lahat ng lakas ng aking katawan para magpumiglas sa pagkakahawak ni John sa aking braso, at bahagyang nagdiwang ang aking isip ng mabitiwan niya ako. Agad akong tumakbo pabalik ng bahay para i lock ang pinto mula sa loob, nakahawak na ako sa doorknob ng biglang may sumabunot sa buhok ko. Pilit kong nagpumiglas, nanipa, nanuntok, pero sadyang malakas siya.

"Fucking bitch! I thought I can be good to you! But you are getting into my nerves! Now! Lets see kung hanggang saan tatagal yang tapang mo!" at pagkasabi noon ay naramdaman ko na lamang na mayroong tumusok sa leeg ko, maya maya pa ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Diyos ko, tulungan po ninyo ako! Hangga't nakakagalaw pa ay pilit pa rin akong lumalaban hanggang sa unti unti ng nilamon ng kadiliman ang aking ulirat.

itutuloy..

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now