Chapter 10

878 15 0
                                    

Chapter 10

"I-ikaw?" gulat kong tanong.

"Hi Daniah! Nice to see you..again!" malapad ang pagkakangiti ng customer ko nung nakaraang sale event, siya yung nagpanggap na hindi siya marunong magtagalog. At suot niya pa ang isa sa suit na nabili niya ngayon.

"S-sir! Kayo po pala..!" Alanganin kong sagot habang nagpupumilit tumayo at umalis sa pagkakadagan kay Chichi.

"Ouch..ang bigat mo D..!" si Chichi naman ay nakahawak sa kanyang balakang habang tumatayo. At ng makita ang lalaking nasa harap ko ay agad itong nagtaray.

"Hoy! Hindi ka man lang ba mag sosorry samin?na 2 in 1 mo kami dun ah?!" matapang na sabi ni Chichi habang nakatingalang namewang sa lalaking nakabungguan namin.

"Hey! It's not my fault that you two are in a hurry?" sagot naman nito at ibinaba ang tingin kay Chichi.

"Aba at kami pa ang may kasalanan?hindi mo ba nakita, kaming pang dalawa ang bumagsak sa sahig?" hindi talaga magpapatalo sa katarayan itong si Chichi.

"Well, hindi ko rin kasalanan kung lampa ka, dinamay mo pa itong friend mo na hila hila mo!" at mukang game din sa asaran ang lalaking ito.

"Aba sumasagot ka pa! Hindi porke gwapo ka, hindi ka na marunong magsorry sa nabangga mo!" mejo nakakatawag na ng pansin ang sagutan nilang dalawa kaya sumingit na ako.

"S-sir..pasensya na po, nagmamadali lang po talaga kami kaya hindi namin napansin na may kasalubong kami.." paghingi ko ng pasensya.

"D..bakit ka nagsosorry sa taong ya-" nagtatakang tanong ni Chichi.

"Chi..tara na..bibilhin na natin tung dress na gusto mo..halika ka na.." putol ko sa sasabihin niya, at agad hinawakan ang kamay niya para yakagin papasok sa botique.

Alanganin akong ngumiti at tumango sa lalaking nakatingin lang sa amin ng Chichi, hindi naman nakaligtas sa mata ako ang pagdila no Chichi sa kanya bago kami tuluyang nakapasok sa botique.

"D..bakit alam ng mokong na yun ang pangalan mo?" takang tanong ni Chichi ng makapasok na kami sa botique,

"Uhmm..naging customer ko siya sa department store nung sale natin. Bumili siya ng 3 pairs ng suit..yung suot nya, isa yun sa nabili niya" kibit balikat kong sagot.

"Mukhang yayamanin yun ah..tsaka gwapo..kaso mayabang!

"Ok naman siya nung na assist ko siya, baka nabigla lang rin sa pagkakabunggo natin sa kanya." sagot ko, at ng makita ang dress na bibilhin ay agad ko iyong tinungo.

"Muntik na masira ang araw ko sa kanya ah..biruin mo napasalampak ako at padapa naman ang bagsak mo..hmmp! D..sukatin mo muna uli yung dress para makita natin kung may kaylangan pang i repair, bukas na yung party eh, para mapa ayos natin agad.." pag iiba nito ng usapan.

"Ano? Eh sinukat ko na ito nung unang beses na nagpunta ako dito eh..nakita mo diba sa picture?"

"Eh iba naman yung nakikita ko sa personal, mas makikita ko kung bagay ba talaga, baka kasi dinaya mo lang yung picture eh!" pangungulit nito, abot tenga ang pagkakangiti na tila ba nalimutan na agad ang nangyari sa labas ng botique. Ganito siya pag nangungulit at may gustong ipakiusap.

"Oh siya sige.." pag sang ayon ko, hindi naman ako makakatanggi sa kanya, dahil ipipilit nya pa rin ang gusto niya. Na excite naman ito at agad na kinuha ang dress at iniabot sa akin.

"Chi..ito na, tingnan mo na.." tawag ko kay Chichi mula sa loob ng fitting room.

"Daniah lumabas ka na lang, mas maliwanag kasi dito, mas makikita ko ng maayos.."
Haay..ang babaeng ito talaga. Lumabas naman ako ng fitting room at agad na humarap sa kanya.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now