Chapter 35

535 14 0
                                    

Chapter 35

Daniah

Ilang araw na lang at pasko na. Ang pinaka paborito ko sa lahat ng panahon. Panahon kung saan lahat ay nagbibigayan, nagtutulungan, panahon kung saan tila walang lugar para sa kalungkutan, bawat puso ay masaya. Nakaka gaan sa pakiramdam ang mga pailaw sa daan, pati ang bawat bahay na nagniningningan sa iba't ibang dekorasyon, tapos sasabayan pa ng ingay ng caroling ng mga bata. Maging ang bahay namin ni Chichi ay nakabitan na namin ng christmas lights at decorations. Haay..ang saya saya sa pakiramdam.

Masaya nga ba ako? Pinahid ko ang mga luhang patuloy sa pagpatak sa aking pisngi. Sobrang dami ng pumapasok sa isip ko ngayon. Bilang isang ulila, na walang kamag anak na gustong kumupkop sayo, hindi mo maiiwasan na makaramdam ng awa para sa sarili mo. Bumabalik ngayon sa aking alaala ang lahat ng pinagdaanan ko. Kung gaano kahirap ang mamuhay ng mag isa. Lalo na sa ganitong pagkakataon na sobrang sakit ng nararamdaman mo, ay wala kang makausap, walang yayakap sa iyo at magsasabing magiging okay rin ang lahat.

"Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na..sana pagsapit ng pasko kayo'y naririto..kahit na malayo ka, kahit nasaan ka pa..maligayang bati para sa iyo..sa araw ng pasko.." Isa na namang grupo ng mga bata ang nangangaroling sa kabilang bahay. Kasalukuyan akong nakaupo sa may bintana kaya sinilip ko na rin ang mga bata. Sigurado ako pagkatapos ay tatapat rin ng mga ito sa bahay namin. Ako lang mag isa ngayon, dahil closing shift si Chichi. Ang gandang pakinggan kapag boses ng mga bata ang kumakanta..bigay todo pa ang pag awit nila.

Ito na ang pangalawang pasko na malayo ako sa lugar na kilakihan ko. Nung unang pasko ko rito ay isinama ako ni Chichi sa bahay nila at doon kami nag celebrate kasama ang pamilya niya. Napakabuti ng pamilya ni Chichi. Masaya ang samahan nila, na akala mo ay magkakasing edad lang pati ang nanay at tatay nila. Magiliw nila akong pinatuloy at naramdaman ko rin na welcome ako sa pamilya nila. Napaka swerte ni Chichi sa pamilya niya, mayron siyang mga kuya at ate, at nanay at tatay. Kompleto. Buo. Pamilya na wala ako.

Iniisip ko nga kung anong gagawin ko sa pasko. Pero bago nga pala ang pasko ay dadaan muna ang birthday ko. Gusto ko sanang magcelebrate ng birthday sa isang animal rescue center na malapit rito sa Tagaytay, pero hindi ko pa naiayos ang plano ko. Matagal ko ng gustong makapunta sa mga shelter, nahahabag kasi ako sa mga nakikita kong aso o pusa na palaboy laboy, o kaya naman ay minamaltrato, gusto kong makasalamuha ng maraming aso at pusa. Oo tama. Ituloy ko na kaya ang matagal ko ng plano?kahit ako lang naman mag isa ay kaya ko. Tiyak ko kasing hindi ako masasamahan ni Chichi. May hika kasi ang isang iyon.

"Namamasko po.." tapos na pala ang kanta ng mga bata sa tapat ng bahay namin. Nilabas ko sila at ibinigay ang supot ng candies na ibinalot namin ni Chichi, mas mabuti kasing candies ang ibigay sa kanila, para mas ma feel nila ang pasko, na ang pasko ay pagbibigayan. Matapos nilang kumanta ng thank you..thank you.. ay agad na akong pumasok at muling naupo sa may bintana. Muli ay tahimik na ang paligid. Naisipan kong buksan ang tv ng sa ganun ay mabawasan ang kalungkutang nararamdaman ko sa aking pag iisa. Nilipat lipat ko ang chanel hanggang mapunta sa isang fashion show. Parang Awards Night at red carpet ang tema, pero hindi ko halos kilala ang mga iniinterview. Marahil dahil hindi naman ako mahilig sa ganitong mga palabas. Isa pa, ay puro mayayamang tao tyak ang mga bisita sa show na iyon. Pipindot na sana akong muli sa hawak kong remote control ng masulyapan ko ang isang pamilyar na pigura. Hindi lang pigura. Kundi ang pamilyar na mukhang iyon. Ang gwapo, ngunit madalas ay seryosong mukhang iyon na noong una ay napaka sungit ng dating sa akin. Ang mukhang iyon na hindi maalis alis sa isip ko mula noong gabing huli ko siyang makita at makasama. Muli akong napabuntong hininga. Unti unti na namang nagbabalik ang sakit na naramdaman ko noong malaman kong hindi na siya makakabalik sa mesa namin. Na hindi na nito nagawang sabihin o ipaalam sa akin ng personal. Na para bang basta na lamang akong itinaboy. Na wala naman akong nagawa kundi umalis na lang. At ngayon nga ay ilang linggo na rin ang nakalipas na parang hangin lang siyang dumaan sa buhay ko. Kahit sa store ay hindi ko naman din siya nakikita dahil malamang na nasa opisina lamang ito. Sa katunayan niyan ay nagbalik na mula sa kanyang mahabang bakasyon si Ma'am Greta, na ang ibig sabihin lang ay balik na sa dati ang lahat. Wala na siya at malamang ay bumalik na papuntang maynila. Parang bulang bigla na lang naglaho.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now