Chapter 5

1K 24 0
                                    

Chapter

Daniah

Sa loob ng locker room ay walang patid sa paghingi ng sorry si Clarisse. "Daniah, pasensya ka na talaga, kung hindi kita tinawag, di ka sana lilingon at hindi ka sana babangga dun sa lalaking gwapo na yun.." hindi ko na yata mabilang kung pang ilang beses na nya itong inuulit sabihin.

"Wag ka ng mag alala Clarisse, hindi naman natin akalain na may lalabas sa private elevator, pagkakamali ko iyon dahil di ako huminto, hindi naman kita sinisisi.." sinserong sagot ko naman habang nag aapply manipis na blush on sa aking pisngi. 10 minuto na lang at malapit na kami mag in para sa aming duty, nakasanayan ko ng maaga pumasok dahil kung minsan ay siksikan sa aming locker kapag nagkakasabay sabay ang mga papasok pa lang, at naka break time. Pero ngayon dahil sa nangyari, ay meron na lang akong 10 minuto para ayusin ang sarili, hindi naman ako maselan sa mukha, kaunting make up lang ay ayos na sa akin, mahirap kasi linisin o burahin ang makapal na make up lalo sa gabi, kung kaylan gustong gusto mo na mahiga sa kama at matulog na.

" Pero hindi mo ba napansin kung gaano ka gwapo iyong nabangga mo? Parang artista, ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganun ka gwapo Daniah..! Sa tingin mo, dahil sa nagpunta sya sa Office of the Branch Manager ay irereklamo ka nya dahil sa nangyari?" sa una'y may halong kilig ang na sabi ni Clarisse, pero ng maisip na baka ireklamo ako ng lalaking mukhang anghel sa aming Branch Manager, ay napalitan ito ng pag aalala.

"H-hindi naman siguro, b-baka bisita lang siya.." gusto ko sanang pawiin ang pagaalala ni Clarisse, pero lalo pa yata kaming kinabahan sa nasabi ko.

"Bisita siya!" Sabay naming nabanggit. Kung bisita nga ang lalaking mukhang anghel na iyon, ay lalo akong nanganganib sa aming Branch Manager, maaari kasi yun na maging grounds para masira ang tingin ng mga bisita sa aming mga empleyado ng Empire, at baka maikwento nya na nagsisigawan kami ni Clarisse sa hallway, bagay na mahigpit na ipinagbabawal. Napahinga na lang ako ng malalim ng maisip ang mga bagay na pwedeng mangyari. Ganun pa man, ay ayokong mag alala si Clarisse.

" Hindi naman siguro ako ipatatawag sa Office of the Branch Manager..siguro naman ay palalagpasin na lang nung lalaking yun yung pagkakabangga ko sa kanya," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Naku, sana nga Daniah.." may pag asang sagot naman nito. Bago kami pumasok sa selling area ay nakasalubong namin si Chichi na nag out naman para sa kanyang snack break, ibinilin ko rito na binilhan ko sya ng milk tea, at iniligay ko iyon sa kanyang locker. Dahil madalas makaiwan ng gamit sa Chichi sa bahay ay nagka idea ako noon na magpa duplicate ng susi ng locker nya, ng sa ganun, ano man ang maiwan nya, o ibilin na dalhin ko para sa kanya ay mailagay ko sa locker nya, ganun na rin ang ginawa ko sa aking susi, at ibinigay ko rin sa kanya ang duplicate nito.

Lumipas ang walong oras na duty, at sa awa naman ng Diyos ay hindi ako ipinatawag sa office. Buong shift ko ay nag aalala ako na anumang oras ay ipatawag ako, pero swerte yata ako dahil naawa ang bisitang iyon sa akin. Ang ipinagtaka ko lang ay kung bisita nga lang sya, bakit hindi sya umikot sa Department Store?kalimitan kasi ng mga bisita ay umiikot sa buong store para mag audit, sa mga item display, promotions, o di kaya naman ay mag audit sa mga empleyado. Pero ganun pa man, ay nagpapasalamat pa rin ako na nalampasan ako ang araw na ito, sa kabila ng nakaka kabang nangyari.

12:18am, hirap pa rin akong makasakay pauwi, 15 minuto lang naman ang layo ng tinutuluyan namin ni Chichi mula sa Empire, pero kung traffic ay aabutin ng 30 minuto o higit pa, at ang kadalasan ay malimit na pagdaan ng mga sasakyan lalo pa sa ganitong oras ng gabi. May mangilan ngilan pang mga empleyado ang hindi pa rin nakakasakay kaya patag pa ang pakiramdam ko. 12:28am, sampung minuto pa ang nakalipas pero hirap pa rin ako sa pagsakay, lingon sa kanan, lingon sa kaliwa, maya't maya ang lingon ko, para makita kung marami pang tao sa paligid. Kapag kaunti na lang kasi ang tao sa paligid ko ay nakakaramdam na ako ng takot. Sa pagtanaw ko sa malayo upang makita kung may paparating pang mga jeep ay napansin kong may isang magarang pulang kotse ang dahan dahang lumalapit sa dereksyon ng kinatatayuan ko, lumingon ako para tingnan kung may biglaang traffic, pero ng makitang malinis naman ang daan, ay nanlalamig ang mga kamay na hinigpitan ko ang kapit sa aking bag. Nang tila hihinto na ito sa harapan ko ay pilit kong inaninag ang tao sa loob nito, pero sa kasamaang palad ay tinted ang salamin ng bintana ng kotse, kaya sa takot na baka bigla akong isakay at dukutin ng kung sino man ang nasa loob ay agad akong naglakad palapit sa ilang empleyadong nag aabang din ng masasakyan.

Tyempo naman na sila Clarisse pala iyon kasama ang kanyang boyfriend na si Neil, na isa ring sales man sa Empire. "D, hindi ka parin pala nakakasakay? Halika ka na, sumabay ka na sa amin.." nakangiting sabi ni Clarisse,

"O-oo nga Clarisse, ang hirap talaga sumakay sa ganitong o-oras.." alanganing bati ko naman sa kanya, habang bahagyang nilingon ang kotseng pula, na dahan dahan pa ring tumatakbo, at papalapit na ng papalapit sa amin.

"Wow pare! Lamborghini ba yan..?" manghang tanong ni Glen na isa ring sales man, ng mapansin ang pulang kotse na marahang umaandar sa aking likuran. Lamborghini? Sa pagkakaalam ko ay mamahaling sasakyan iyon. Ibig sabihin ay hindi lang pala basta magarang kotse ang iniisip kong sumusunod sa akin. Pero ano naman sa akin kung mamahalin ang kotse nya? Hindi pa rin normal na manakot ng ibang tao sa ganitong oras ng hating gabi, at sa isang babae pang katulad ko. Sa labis na pangamba ko ay nagpagitna pa akong lalo sa grupo nila Clarisse, hindi ko man sila lahat halos kilala, ay ito lang ang alam kong ligtas na paraan para malayo ako sa kapahamakan.

Ng makalapit na ang pulang kotse sa kinatatayuan namin ay walang ano ano itong nagpaharurot palayo, na lalong nagpakabog sa dibdib ko ng marinig ang ingay ng makina nito, at tila nag aapoy na tambutso.

"Woahhh! Astig yun pre! Wow!" mangha pa ring hiyaw ng mga kaibigan ni Clarisse.

Hindi na nag tagal at nakasakay na rin kami at pagbaba ng jeep ay nagmamadali akong pumasok ng aming subdivision, sa takot na baka nakasunod pa rin sa akin ang pulang kotseng iyon, ng nakalagpas na ako sa aming Guard na si Tatay Manny kung tawagin namin ni Chichi, ay narinig kong nagsalita ito.

"Daniah, gusto mo bang ihatid kita sa block ninyo?" may pagaalalang tanong nito. Agad naman akong napahinto ng marinig ang kanyang boses.

"H-hindi na po Tay Manny, salamat po.."tugon ko naman at nagpatuloy na sa paglalakad. Ng makarating ako sa bahay ay agad akong naupo sa sala, nanlalambot ang mga hitang napahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay napakaraming nangyari ngayong araw.

itutuloy..

My Heart's Angel (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz