Chapter 47

567 12 0
                                    

Chapter 47

My Heart's Angel

Daniah

Mahihinang tapik sa pisngi ang gumising sa pagod kong katawan. Iminulat ko ang mga mata ko, at unti unting kinilala ang taong nasa harapan ko.

"Daniah? Gising..Daniah..!" tiningala ko ang lalaking nagsalita. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kuya Alex!

"K-Kuya Alex? A-anong ginagawa mo rito? P-paano mo nalaman na nandito ako? " Labis labis ang pagtatakang tanong ko. Paano nangyaring nakarating siya dito?

"Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat. Kailangan maitakas muna kita rito, ok?" mabilis ang kilos nitong kinalagan ang tali sa aking mga kamay. Nalilito man ay nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay makawala ako sa ilang araw na pagkakatali sa upuang ito. Inalalayan ako nitong makatayo, halos matumba ako ng maramdamang nagsasakitan ang aking mga tuhod at binti. Mabilis naman akong naalalayan ni kuya Alex at inakay patungo sa pinto. Hindi ko man inaasahan na magtatagpo kami rito, ay alam kong kailangan kong magtiwala sa kanya, kung gusto kong makalabas ng buhay sa lugar na ito. Sa ngayon, si kuya Alex lang ang pag asa ko.

"Hangga't maaari ay wag kang gagawa ng ingay, kailangan makapagtago muna tayo, wala si Johansson ngayon dahil may mahalagang nilakad, at maliwanag pa sa labas kaya hindi pa tayo pwedeng tumakas. Basta sumunod ka lang sakin, maliwanag ba Daniah?" mahinang paliwanag nito,

"J-Johansson? S-sinong Johansson kuya Alex?" takang tanong ko. Saglit itong natigilan, ngunit muli ring nagsalita.

"Gaya ng sabi ko, ipapaliwanag ko ang lahat sayo kapag nakalabas na tayo rito.." tumango tango na lamang ako at sumunod sa kanya. Nang makalabas kami ng kwartong iyon ay agad na tumindi ang panginginig ng aking mga tuhod, naghalo ang kaba at takot sa buo kong katawan habang tinatahak namin ang daan kung saan raw kami magtatago ayon kay kuya Alex. Sa tingin ko ay isang abandonadong gusali ang lugar na ito. Nakakatakot para sa isang taong kagaya ko. Pero magandang gawing hide out ng mga taong kagaya ng grupo nila John. Nang mga taong halang ang kaluluwa.

Napasinghap ako ng mapansin ang nilalakaran namin ni kuya Alex. Sunod sunod na kwarto na hindi ko malaman kung dati ba itong kulungan o ospital. Pumasok siya sa pinaka dulong kwarto at pagpasok ko ay sinenyasan nya akong isara ang pinto. Nang maisara ko ito ay agad akong sumunod sa kanya sa gawing gilid ng kwarto kung saan mayroong malaking kahoy na kahon, dahan dahan niya iyong itinulak at tumambad ang isang lihim na hagdan pababa. Tuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya hanggang sa marating namin ang isa pang tagong kwarto sa ibaba.

"Dito ka muna maghintay, babalikan kita kapag madilim na sa labas, tatakas tayo, ok? Walang ibang papasok sa kwartong pinang galingan mo, dahil kabilin bilinan ni Johansson, na siya lang ang pwedeng pumasok doon. Kaya hindi nila malalaman na wala ka na roon.." pabulong na sabi nito bago akmang tatalikod na ito ng muli ko siyang tawagin.

"K-kuya.." natatakot akong mag isa rito. Natatakot akong baka may makakita o makatuklas ng lugar na ito. Sandali ako nitong tinitigan at ng tila nakaramdam ng awa ay naupo sa isang gilid. Saglit na katahimikan ang lumipas bago ito nagsalitang muli.

"Dalawang taon na kaming magkakilala at magkasama ni Johansson. Nagkakilala kami sa isang auction kung saan bumibili kami ng mga ilegal na baril sa black market. Black market. Ang ibig sabihin lahat ng bagay na ibinebenta ay ilegal. Gaya ng mga parte ng katawan ng tao, marijuana, droga, mga babae at marami pang iba. Inalok niya ako ng mas mataas na kita, kaysa sa dati kong among chinese, kaya nagpasya akong sumali sa grupo niya. Maayos naman noong una, sunod sunod ang pasok ng pera dahil sa droga, masaya naman ako dahil ano nga ba ang nagpapasaya sa tao? Kundi pera." saglit itong tumigil sa pagsasalita at huminga ng malalim. Ako naman ay humanap rin ng mauupuan at ng walang makita ay naupo na lamang sa tabi niya.

My Heart's Angel (Completed)Where stories live. Discover now