Chapter 1

2.8K 35 0
                                    

Chapter 1

Daniah

Sa huling pagkakataon ay nilibot ko ang paningin ko sa tahanan na higit isang taon ko ring minahal. Ngayon ang araw na ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ko babalik pa rito. Mahirap sa pakiramdam na kahit ayaw mo ay kaylangan mong gawin para naman sa sarili mo. Muli kong inilapag ang nag iisang bag na dadalhin ko sa aking pag alis, para sa huli pang pagkakataon ay mapagmasdan ako ang bawat sulok ng bahay namin. Bahay namin ni John.

Ang sala kung san kami nag umpisang magpundar ng mga gamit, at kung san madalas magpahinga kapag wala kaming pasok sa trabaho, habang nanonood ng tv, o kaya naman habang nagkukwentuhan tungkol sa mga naging araw namin sa kani kaniyang trabaho.

Ang kusina kung san ko siya ipinagluluto ng mga paborito nyang pagkain, kung san siya naman ang naghuhugas ng mga pinagkainan. Umakyat ako sa second floor kung nasan ang aming kwarto, ang mga display na pictures naming magkasama, mga ala ala nung panahon na masaya pa ang relasyon namin. Mga regalo nya mula noong bago palang kami, lahat yun ay iiwanan ko. Bawat bagay ay may ala ala.

Mahigit tatlong taon kong naka relasyon si John, 23 years old ako ng makilala ko sya sa pinapasukan kong spa kung san nagtatrabaho ako bilang receptionist. Siya naman ay 26 years old na nagtatrabaho bilang isang call center agent, gwapo, malakas ang appeal, mabait at maginoo, ang tanging puna ko lang noon ay mahilig sya sa barkada. Pero hindi naman naging hadlang yun para hindi mahulog ang loob ko sa kanya. Malambing at maalalahanin siya at pinaramdam sakin na mahal na mahal niya ako, kaya nung inalok nya ko na magsama na kami sa 2nd year anniversary namin ay pumayag na ko, kasalukuyan ako nung nakikitira sa tiyahin ko, wala na akong magulang, si nanay ay namatay sa panganganak sakin, at tatay ko naman ay nag suicide dahil sa depression nung tatlong taong gulang palang ako. Mula nun nagpalipat lipat na ko ng tirahan, pinagpasa pasahan ng mga kamag anak dahil walang may gustong kumupkop sa akin ng permanente. Bilang isang bata nasanay na ako na ganun ang kalagayan ko. Sa kabila ng sitwasyon ko ay napagsikapan kong makatapos ng 2 year course sa college habang isang working student, pang gabi sa spa, at sa umaga naman ako pumapasok sa school.

Nung nagsimula na kong magkaisip, hinahanap ko ang pakiramdam ng may nagmamahal, yung may mag aalaga sakin kapag may sakit ako, nakakapagod pala ang mag isa, hinahanap ko ang kalinga ng mga magulang ko, na alam kong kahit kaylan ay hindi ko na mararamdaman. Kaya ng tanungin ako ni John kung gusto kong sumama na sa kanya ay hindi na ko nagdalawang isip, mahal ako ni john at alam kong hindi nya ko pababayaan. At handa rin naman akong gawin ang lahat para sa kanya.

Sa unang mga buwan namin ay masaya naman kami, hindi pa man kami kasal ay pakiramdam ko hindi na kami magkakahiwalay, hindi kami gaanong hirap sa buhay dahil pareho naman kaming may trabaho, nabibili namin ang lahat ng mga pangangailangan namin, nakakapamasyal kung may bakante kaming oras, wala na kong mahihiling pa, kahit inasahan ko na rin na magkakaron na kami ng baby. Na ipinagpapasalamat ko naman ngayon na mabuting hindi ipinagkaloob. Dahil tyak kong mas mahihirapan ako kung dalawa kami ng anak ko ang aalis.

Ika pitong buwan naming nagsasama sa isang bahay ng magsimulang umuwi ng hindi sakto sa oras si John. Pang gabi sya sa call center kaya umaga na sya nakakauwi, ganun din naman ako. Inisip kong baka nag overtime lang sya kaya hindi ako masyadong nag alala. At ganun nga ang dahilan nya, pero nagpaulit ulit na ganun hanggang sa may ilang araw na hindi na sya umuuwi. Kaya kinausap ko na sya para malaman kung may dinadala ba syang problema.

" Honey, bakit hindi ka nanaman nakauwi kahapon?tumatawag ako sa phone mo hindi mo sinasagot?" may pag aalala kong salubong sa kanya sabay yakap, matapos nyang hindi umuwi ng umaga kahapon hanggang kagabi, at ngayon tanghali lang sya dumating.

" Pagod ako Daniah, wala kong panahon makipag diskusyon sayo, may naluto ka na ba? Ipaghanda mo na ko gusto ko ng magpahinga." walang anumang sagot nya habang inaalis ang kamay kong nakayakap sa kanya.

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon