Chapter Twenty Nine

4.5K 56 2
                                    

29

=============

"Paano mo pala nalaman na andito ako? " agad kong tanong kay Jake ng makarating kami sa cafeteria.

Inilibot ko naman ang paningin ko upang makahanap ng mauupuan namin.

"I asked my friend, Willie. Kaibigan ko sya na staff sa admin. Pinahanap ko yung schedule mo at kung anong room ka. Sakto naman ng makita ko kayo. Sino nga ba yun? " aniya ng mkaupo na kami.

"Wala yun, nangungulit lang. " sabi ko sa kanya na hindi tumitingin.

Ayoko nang muling pag-usapan pa yung pangit na bagay na nangyari na. Inirespeto nya naman yun, kaya naman hindi na sya nagtanong pa.

"Syanga pala, nabanggit sa akin ni Willie na galing din daw dito si Marco? " aniya ngunit mas tamang sabihing tanong nya.

Nalito naman ako sa tanong nya na yun, hindi ko alam ang isasagot ko.

"Ah-- siguro may kakilala din sya dito. " lito kong sagot sa kanya.

Umakma na akong tatayo upang makaorder na kami ng kakainin namin at para makaiwas na din sa mga itatanong nya ng bigla syang nagsalita.

"Let's go find other restaurant, it's time for lunch anyway." Aniya at tumayo na din.

Kinakabahan man ako dahil baka malaman na naman ni Marco ang pagkikita namin ni Jake ay sumang -ayon na lang ako sa kanya. Wala naman kaming ginagawang masama para kabahan.

Magtatanghalian naman na, at ang tanging pwedeng makain lang kasi dito ay breads and cakes lang. Frappes and coffees.

Sabay na kaming lumabas ng cafeteria.

Nakakita naman kami ng isang seafood restaurant malapit lang din sa university,hindi rin kasi ko pwedeng magtagal at may susunod pa akong klase.

" May relasyon ba kayo ni Marco?"

Halos magkandaubo ubo naman ako sa tanong nya na yun. Kasalukuyan na kaming kumakain at halos maibuga ko din ang laman ng aking bibig sa tanong nya na yun.

Napatayo naman sya sa tabi ko at hinagod hagod ang aking likod.

Binigyan naman nya ako ng tubig at tissue. Nang masigurong ok na ako ay bumalik na rin sya sa pagkakaupo.

"Ha? Ano ba yang sinasabi mo?" pagmamaang maangan ko sa kanya. Hindi parin ako makarecover sa tinanong nya at medyo nauubo ubo pako.

"Sabi sakin ni Willie hinahanap ka din daw ni Marco nung nagpunta sya doon." nakatitig lang sya sakin habang hinihihtay ang sagot ko.

"Ok sige,nagkita nga kami. But it doesn't mean na may relasyon kami." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang aking bibig.

Hindi talaga ko makatingin ng diretso sa kanya dahil sa klase ng mga titig nya ay parang sinusuri kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

Napansin kong may inilabas sya sa kanyang bulsa,at napamulagat naman ako ng makilala ko ang bagay na yun.

Hindi ko malaman kung kukunin ko ba yun o hindi ng iniaabot nya sakin to.

"Ano yan ?"

Pagmamaang maangan kong muling tanong sa kanya.

"I'm not sure kung sayo ito,but I saw your initials here,and I smelled that, it was a same perfume you are using." aniya.

Hindi na lang ako kumibo at hindi ko rin inaabot yung iniaabot nya. That was my handkerchief, alam kong naiwala ko ang bagay na yun,pero papaanong napunta sa kanya?

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now