Chapter Twenty Five

5.6K 77 7
                                    

25

===================

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kanyang kotse ay gusto ko na syang mayakap, ngunit pinigilan kong muli ang aking sarili. Hindi parin sya nagpapaliwanag sa akin kung bakit ilang araw syang hindi man lang nagparamdam sa akin. Kaya naman pangangatawanan kong galit nga ako sa kanya.

Pabagsak akong umupo sa may passenger seat. Nakahalukipkip at nakapout. Nakikita ko naman sa sulok ng mata ang pagtitig nya sakin habang nakasandal ang mga siko sa manibela ng kotse. Alam kong nakangisi din sya ngayon.

Tahimik lang sya, kaya naman hindi ko narin natiis na tignan sya.

"Anong nginingisi ngisi mo dyan? " galit kong tanong sa kanya.

"You looked cute when your mad while pouting your lips. Ang sarap mong halikan. " aniya habang hindi parin nawawala ang kanyang nakakalokong pagngisi.

Bigla naman akong namula sa sinabi nyang yon.

"Nakakaasar ka kasi. " sabi ko habang nakahalukipkip parin na nakasimangot.

"Nagtatampo ba ang babe ko? Halika nga dito. " aniya habang inaalalayan ako paupo sa kandungan nya.

Hindi ko sya magawang matignan,dahil pag ginawa ko yun ay baka hindi na ako makapagpigil at yakapin ko na sya ng tuluyan. Buti na lang at patagilid akong nakaupo sa kandungan nya.

Iniyakap nya naman ang dalawang braso nya sa baywang ko.

"I've missed you babe. " aniya habang binibigyan ng maliliit na halik ang aking mga braso na syang nakaharap sa kanya ngayon.

Hindi ko parin sya pinansin.

"Sorry na,kung nagalit ka. Di naman sinasadya... "

Bigla naman akong napatingin sa kanya sa bigla nyang pagkanta. Huli na para pigilan ko pa ang sarili ko,dahil napangiti na nya ko. Bukod sa kakornihan nya ay sintunado pa syang kumakanta.

Napatigil din naman agad sya sa pagkanta at ngayon ay masaya ng nakangiti.

"Ayan smile lang lagi babe. Dapat pala lagi kitang kakantahan para lagi kang nakangiti. " aniya.

Nakatingin na ako sa kanya, kaya naman sinamantala nya ang pagkakataon para dampian ako ng halik sa labi.

Matitiis ko ba tong lalaking to?

"Bakit kasi hindi ka man lang nagpaparamdam. Ni hindi ka man lang magtext para alam ko kung ano ng nangyayari sayo. " sabi ko sa kanya sa himig na nagtatampo pa din.

"I was really busy babe, sa totoo lang hindi pa ako nakakauwi ng rancho. Pagkagaling ko kasi ng airport dito nako nagdiretso. " pagpapaliwanag nya.

"Airport? Bakit saan ka galing? " gulat kong tanong sa kanya.

"I was in Taiwan for three days and Hong Kong as well. Nabanggit ko naman sayo diba babe about sa deal sa mga Chinese investors." Paliwanag nya.

Aba at nakalabas pala sya ng bansa ng hindi ko man lang nalalaman?

"Hindi ko naman alam na agad agad pala yan. Parang kaylan lang ng pinagplanuhan nyo yan, and then suddenly, umalis ka pala ng bansa ng hindi ko nalalaman? " nagagalit na naman ako sa kanya sa totoo lang din!

"Babe, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita at nagkasama aawayin mo pa ako? And besides matagal ng plano to, hinihintay lang nila yung approval ko. Wala naman talaga kasi akong balak iwanan ang Rancho. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ko tinanggap ito. Pag nai-close na ang mga deal sa mga investors at ok na ang lahat, dito na rin ako mamamalagi. Makakapagkita at makakapagsama na tayo ng madalas." Aniya. Bakas na rin ang pagtatampo sa haba ng paliwanag nya.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now